Sarah Lahbati and Atty. Annette Gozon-Abrogar end their rift after mediation

Pagkatapos ng halos isang taon ay winakasan na nina Sarah Lahbati (kaliwa) at Atty. Annette Gozon-Abrogar (kanan) ang kanilang hidwaan pagkatapos nilang mag-usap sa mediation na ginanap noong February 17. Sabay na humarap ang dalawa sa media kahapon, February 28, upang ipaalam ang kanilang pagkakasundo.


Tinuldukan na ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar at StarStruck alumna na si Sarah Lahbati ang kanilang hidwaan.

Matatandaang nagpalitan ng mga akusasyon ang magkabilang kampo na nauwi sa paghahain ng mga reklamo nila laban sa isa’t isa.

Unang naghain ng reklamong libel si Annette laban kay Sarah noong January 2013 sa Makati Prosecutor’s Office.

Read: Annette Gozon-Abrogar sues Sarah Lahbati for libel

Noon namang July 2013 ay naghain si Sarah ng apat na reklamo laban sa network executive: libel, perjury, grave coercion, at unjust vexation.

Pare-pareho nang ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga reklamong ito ni Sarah laban kay Annette.

Read: Sarah Lahbati’s perjury and libel complaints against GMA Films President Annette Gozon-Abrogar dismissed

Read: QC Prosecutor’s Office dismisses libel and unjust vexation complaints of Sarah Lahbati against Annette Gozon-Abrogar

Nag-ugat ang legal battle ng dalawa pagkatapos akusahan ni Sarah si Annette na sangkot diumano sa "under the table" deals sa pagitan ng talent management groups na GMA Artist Center at Icons.

Read: Sarah Lahbati accuses GMA Artist Center of "under the table" deals with talent-management group ICONS

THE MEDIATION. Humarap sina Annette at Sarah sa media kahapon ng tanghali, February 28, sa pamamagitan ng isang mini-press conference na ginanap sa Jade Valley Cantonese Cuisine, sa Quezon City.

Naunang dumating ang abugado ni Sarah na si Atty. Maggie Abraham, na siyang nag-ayos ng naturang presscon.

Sumunod na dumating ang ina ni Sarah na si Ester Lahbati, kasama ang pinsan ng young actress.

Magkasunod namang dumating sina Annette at Sarah.

Kaagad silang humarap sa media upang ipahayag ang kanilang pag-aayos pagkatapos nilang mag-usap sa Philippine Mediation Center, sa Makati City, noong February 17.

Bago nagsalita si Sarah, nilinaw muna ni Atty. Abraham na nagkaroon ng seryosong pag-uusap sina Atty. Abrogar at Sarah sa mediation, ngunit hindi nila maaaring ilahad kung ano ang napag-usapan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang mediation, nagkaroon ng ilang minutong pag-uusap sina Annette at Sarah, at kaagad silang nagkaayos.

Saad pa ng abugado ni Sarah, “Currently, the lawyers are preparing for all the legal documents and pleadings to be filed in court for the withdrawal of the criminal case for libel that was filed by Atty. Abrogar, as well as the verified motion to withdraw the petition for review that Sarah filed against Atty. Abrogar.

“We felt that the public deserves to know that the controversy has finally ended.

“We will just release the statements of each party because of the restraint that was given to us by the Philippine Mediation Center.

"Because all the issues, all the matters that has been discussed during the mediation are considered confidential, and the parties will be cited in contempt in the event that party or any of the party will divulge any of the matters that was discussed during the mediation.

“Alam ko po na may iba pang issue na gusto kayong malaman, especially with respect to Sarah.

"For the meantime po, sana irespeto lang po muna natin na yung other issues po… we will entertain another interview for that.”

MESSAGE FOR EACH OTHER. Ang pakay lang daw nina Sarah at Annette ay upang iparating sa publiko ang pag-aayos nilang dalawa.

Si Sarah ang unang nagsalita at nagbigay ng mensahe para kay Annette, na katabi niya sa upuan.

Pahayag ng young actress, “Unang-una, masaya po ako na ayos na po ang lahat.

"At lahat ng gulo ay naayos... lahat ng misunderstanding.

“I wanna thank you, Ms. Annette, because dumalo kayo ng mediation.

"And I was really hoping na pumunta nga kayo, and I’m happy that you want it.

"Because na-clarify ako sa mga bagay na hindi ko pala naintindihan before.

"Nakapag-usap kami na kaming dalawa lang, and I’m very happy that nangyari yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ni Sarah kay Annette: “Ang gaan sa loob after, may peace of mind ako.

"And secondly, I know that nag-sorry na ako nung mediation, but I want everyone to know that I’m really sorry, because I may have said something before rashly and put your integrity in question.

"And I’m really sorry for that.

“I regret things na I said, and I’m very happy nakapag-usap tayo, na nangyari ang mediation na yun.

"Dahil hindi ko akalain na ganun lang kabilis na nagkaayos tayo.

“We only talked, and then okay na.

"And again, I’m sorry, and I’m happy that we’re okay na.

"Thank you for listening to me and for accepting my apology."

Si Annette naman ang sumunod na nagsalita bilang pagtanggap sa paumanhin na hiningi ni Sarah.

Saad ng GMA Films executive, “Before, ang daming nagtanong sa akin if I’m willing to settle.

"And I said naman from the start, na if I see na sincere, if mag-apologize sa akin, and I can see the sincerity, I would.

“Ang tagal naming hindi nag-usap ever since nagkaroon ng issue.

"Hindi kami nakapag-usap, parang I think ang dami nang taong nakapaligid sa ‘yo, sa akin, na parang lumayo talaga kami, and we never talked.

“So, nung nag-usap kami, parang ’yan ang Sarah’ng nakilala ko before, ganun pa rin siya.

“So we talked, and naintindihan ko yung sinabi niya sa akin, because she was under a lot of stress at that time—both in personal and work.

"Na-overwhelm lang siya talaga."

Saad pa ni Annette, “I can’t blame her, nineteen lang siya.

"Talagang na-misinterpret lang niya ang legal terms or contractual terms, lalo na gulung-gulo ka.

"In-admit naman niya na, oo nga, medyo mali pala, hindi pala tama yung interpretation niya.

"And that’s why nga nag-apologize siya and I saw the sincerity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko rin sa kanya na it takes a very strong and big person to be able to apologize, ’di ba? To admit a mistake.

"And, I think, yun yung maganda sa kanya, because she can move forward now as a better person.

“Sabi ko nga sa kanya, ’Next time, pag may issue, tayo na lang mag-usap.’”

REALIZATIONS. Yun din daw ang isa sa napagtanto ni Sarah sa karanasan niyang ito.

Pahayag ng StarStruck V Ultimate Female Survivor, “I realized na it’s better nga na if you talk to the person na may problem ka with nang maaga, para mas ma-solve agad din nang maaga yung problems.

“Aside from that, tama ang sinabi ni Ms. Annette, I became more mature, ang dami kong natutunan, and it’s not the end of the world.”

Isa rin daw ang boyfriend ni Sarah na si Richard Gutierrez sa masaya sa desisyon niyang makipag-ayos at tapusin na ang hidwaan nila ni Annette.

Sabi ng young actress, “Lahat naman kami, gusto namin from the very start na matapos na, maayos na yung problems.

"And he’s always been there for me naman, which I’m grateful also sa kanya."

Pagkatapos ng pagbabati nila, aayusin na ng kani-kanilang mga abugado ang pag-urong ng mga reklamo, partikular na ang libel complaint na inihain ni Annette laban kay Sarah.

Pahayag ni Atty. Abraham, “Actually, they already signed the pleadings that we have already prepared.

“Na-file na namin ang joint motion to dismiss dun sa criminal case for libel in Makati.

"So, the hearing for that will be on March 13.

“Sarah likewise filed the verified motion to withdraw yung petition for review sa Department of Justice.

“Gawa naman lahat na mga pleadings.

"Ang susunod na lang talaga is yung pag-attend ni Atty. Annette dun sa hearing on the motion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After nun, the case will be dismissed."

Ipinahayag rin nila na balik-trabaho na si Sarah sa GMA Network, sa tulong ng head ng GMA Artist Center na si Gigi Santiago-Lara.

Tinanggap na rin daw nila ang alok ng TV5 na gumawa si Sarah ng isang telesine.

Masayang pahayag ni Sarah, “I’m very grateful sa GMA na may second chance, that I’m working again, and I’m excited.

“May mga plano na for me and I started working a month ago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN