Jessa Zaragoza doesn’t mind being called "tita" by younger co-stars

Jessa Zaragoza doesn’t mind being called "tita" by her younger co-stars. She says, “You know honestly, I don’t mind! I don’t mind at all because yun nga, nanay na naman ako, e. Pero yung iba, like yung mga ibang mga ka-age ko na kaibigan ko rin, parang, ’Anong tita, tita ka diyan!’”


Wala raw problema kay Jessa Zaragosa kung tinatawag siyang “tita” ng mga mas nakababatang artista.

“You know honestly, I don’t mind! I don’t mind at all because yun nga, nanay na naman ako, e.

“Pero yung iba, like yung mga ibang mga ka-age ko na kaibigan ko rin, parang, ’Anong tita, tita ka diyan!’ Basta ’di ba, basta huwag ka lang mukhang ano,” ang natatawang panimula ni Jessa.

Diin nito, “Hindi, I don’t mind talaga, promise, I don’t mind at all.”

Ito ang unang naging takbo ng usapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Jessa dahil sa naging isyu sa pagitan nina Joyce Ching at G Tongi na mga co-stars ni Jessa sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Read: G Tongi explains why she does not want to be addressed as "Tita" by younger co-stars

Nakausap namin si Jessa sa taping ng naturang GMA drama series nitong February 26, sa Village East Subdivision sa Cainta.

PROUD OF SIQUIJOR. Samantala, ipinagmamalaki naman ni Jessa ang kagandahan ng Siquijor, kung saan vice governor ang asawa niyang si Dingdong Avanzado.

Sabi niya, “Alam n’yo maganda sa Siquijor, promise!”

At hindi raw totoo ang paniniwalang may aswang sa naturang lugar.

Pagkontra niya, “Wala! Nung unang pumunta ako dun, ganun din yung belief ko, kasama namin yung mga kaibigan namin.

“Sabi nila, ‘Huwag kang ano ha, huwag kang titingin!’ or ‘Huwag kang kukuha ng mga pagkain na iaabot!’

“Pero hindi talaga. Yung mga tao dun as in, napaka-laid back, parang ganun.

“Sobrang inosente pa, like for example, pag nandun ako, bigla na lang sa hapon, may pupunta na mga grupo ng matatanda ’tapos kakatok sa bahay namin, ‘Ma’am Jessa, gusto po namin kayo bigyan kasi galing po ito sa puno namin.’ Mga prutas.”

Dagdag niya, “Ang sarap nga, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na ang tsismis na lugar daw iyon ng mga mangkukulam at mambabarang ay hindi totoo.

“Hindi, hindi totoo yun. Hindi totoo yun.

“Pero meron talagang mountain dun na mga matatanda, gumagawa ng potion,” kuwento pa ng actress/singer.

WORKING WITH YOUNG STARS. Tinanong naman namin si Jessa kung paano katrabaho ang mga young stars na sina Kim Rodriguez, Kristoffer Martin, Phytos Ramirez, at si Joyce Ching.

Sabi niya, “Very professional naman sila and nakakatuwa kasi ina-acknowledge nila yung mga senior stars sa kanila hindi katulad ng mga iba.

"Kasi, naka-experience na rin ako ng mga ganun. Very important yun, e."

Tungkol naman sa kanyang role sa Paraiso Ko’y Ikaw, ngayon lang daw niya nararamdaman kung paano “mang-api.”

Unang beses kasi itong gumanap siya bilang kontrabida sa katauhan ni Yvette.

“Ngayon ko pa lang talaga naaapi si Josephine [Kim Rodriguez] e so mas excited pa ako sa mga susunod naming scenes.

“Pero something new talaga sa akin yung ganito, first time ko talaga na gumanap na kontrabida.

“Ang hirap-hirap pala, grabe! Yung demand, hindi kasi yung lagi kang galit, yung laging mataas yung boses.

"Ako pa naman pag nagalit ako, lalong bumababa yung boses ko. Hindi tulad ni Yvette na laging mataas ang boses.

Nakikita ko nga sa mga tweets, ’Naku, high-blood na naman si Yvette,” ang natatawang kuwento ni Jessa.

Dagdag pa niya, “Kaya after every scene na ganun, talagang pagod na pagod ako.

“Pero ano naman, nakakatuwa kasi marami kang natututunan.

“Siguro ganun naman talaga, every project kailangan talaga ibukas mo yung mga mata mo to new things to learn.

“Hindi yung parang nagpi-feeling ka na you know everything, ’di ba?

EXCITED TO WORK WITH DIREK JOYCE. Isa pa sa ikinatutuwa ni Jessa ay ang pagkakaroon niya ng oportunidad na makatrabaho si Direk Joyce Bernal.

Saad pa niya, “Like kay Direk Joyce, marami kang natututunan na mga bago, nare-refresh yung mga dati kong knowledge sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos yung mga iba’t ibang attack sa bawat eksena, hindi yung parang, hindi ka predictable, ’di ba?

“So iyon yung mga natututunan kong bago ngayon.

“Exciting!”

Unang beses raw niyang makatrabaho si Direk Joyce.

Aniya pa, “Nakakatuwa kasi ako excited din talaga ako nung nalaman ko na si Direk Joyce yung direktor namin. Yung work niya, napapanood namin ni Dingdong, maganda!”

Siyempre, may pressure rin daw na maidirehe ni Direk Joyce.

“In every project naman, honestly kahit sinong direktor ’yan and lalo na pag si Direk Joyce, gusto mo na maibigay mo yung ini-expect ng direktor mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN