Kim Chiu surprised by viral photo with Gerald Anderson

“Ang tanda na namin para mag-arte-artehan at kung ano pang gawin namin. Hindi na bagay sa edad namin umarte-arte,” says Kim Chiu about the recent photo shoot with ex-boyfriend Gerald Anderson.


Ipinagtataka raw ni Kim Chiu ang pagiging viral ng isang larawan niya kasama ang dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Ang larawan ay kuha mula sa photo shoot ng iniendorso nilang brand ng accessories kamakailan.

Read: Kim Chiu and Gerald Anderson reunited

Ayon kay Kim, hindi niya inaasahang marami ang mae-excite na makita silang magkasama muli ni Gerald.

Sabi ng Kapamilya actress, “Yearly naman, may picture kami. Hindi ko lang alam, taun-taon naman ganun.

“Siguro ano lang, nabigla lang siguro. Hindi sila na-advice, baka ganun.

“Parang kahit naman siguro ako, kapag nakakita ako ng picture nina Guy and Pip, ‘Ay, ang ganda, ang galing, ipu-post ko!’

“Siguro nagulat sila.

"Photo shoot pa lang yun, the next day, parang, ‘Ano’ng nangyari? Bakit ang dami?’

"E, taun-taon naman may ganito kami.”

Kahit may ilang hindi magandang pangyayari sa pagitan nila ni Gerald noon, sinabi ni Kim na naging maayos naman ang photo shoot nila.

“Wala naman [ilangan]. Matagal na rin kaming hindi nagkita and siguro maturity na rin,” sabi ng dalaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kim sa grand launch ng bago niyang primetime series, ang Ikaw Lamang, kagabi, March 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

MATURITY. Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Kim at dating kaibigang si Maja Salvador nang lumabas ang balitang nililigawan ni Gerald ang huli.

Read: Kim Chiu-Maja Salvador feud over Gerald Anderson has to do with trust between friends being broken, says YES! report

Sa sumunod na pahayag ni Kim, tila hindi na niya masyadong iniisip ngayon ang anumang negatibong isyu na nangyari noon.

Aniya, “Ang tanda na namin para mag-arte-artehan at kung ano pang gawin namin.

“Hindi na bagay sa edad namin umarte-arte.

“Maturity and trabaho, masaya kami at binigyan kami ng trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, pabor kaya si Kim na muling makatrabaho si Gerald sa isang teleserye o pelikula?

Sagot niya, “Puwede naman siguro kasi nasa isang network lang kami.

“Pero Ikaw Lamang muna ngayon.

“Kasi nahihirapan na nga ako rito, tatalon pa ako sa isa?

“Yung concentration ko, dito na muna.”



NEW TEAM UP. Sa ngayon, naninibago raw si Kim dahil bago ang kanyang makakapareha sa teleseryeng Ikaw Lamang—si Coco Martin.

Pahayag ng aktres, “Nervous ngayon kasi bagong pair up.

“Parang bago rin sa akin itong buong pangyayari ulit. Exciting naman siya.

“Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao.

“Sana suportahan siya ng mga taong sumusuporta sa akin.”

Bukod sa bagong team-up nila, marahil ay nakadagdag din ang pagiging magaling na aktor ni Coco sa nararamdaman ni Kim.

“Nakakanerbiyos kasi magaling siya masyado. At saka parang nakakapangliit.

“Pero binibigyan ka naman ng advice na kung hindi maganda, e, di ulitin, gawin namin ulit.”

Gayunman, nagpapasalamat si Kim dahil sa pagpuri sa kanya ni Coco noong pocket press conference ng Ikaw Lamang, kung saan sinabi ng aktor na nag-improve ang Pinoy Big Brother Teen Edition winner sa kanyang pag-arte.

Read: Coco Martin and Kim Chiu break the ice on their first taping day through a kissing scene

Sabi naman ni Kim, “Siguro sa dami na rin ng teleseryeng ginawa at sa dami na ring nangyari, siguro I can apply it na rin sa pag-arte ko.”

ON SARAH-MAJA MOMENT. Samantala, sa hiwalay na panayam kasama ang ABS-CBN News, natanong din si Kim tungkol sa viral video kung saan nakitang nag-akbayan sina Maja Salvador at Sarah Geronimo.

Nagkaroon din ng isyu sa pagitan nina Maja at Sarah dahil sa pagkakaroon ng relasyon ng una kay Gerald Anderson, na naugnay rin dati sa Popstar Princess.

Pero sa video na nakunan ng isang fan sa ASAP noong February 23, makikitang nagbatian at nag-akbayan sina Maja at Sarah sa closing ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa harap nila nung oras na iyon si Kim.

Watch: Sarah Geronimo and Maja Salvador hug behind Kim Chiu

Sabi ni Kim, “Wala na ’yon and, of course, let’s just call it maturity, trabaho.

“We are very happy na may work kami.”

Posible rin daw ang ganung pangyayari dahil, “Sa circle namin dito sa showbiz, magkikita at magkikita, magsasama at magsasama, and mag-uusap at mag-uusap kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN