Nikki Gil indifferent to Billy Crawford-Coleen Garcia relationship

Nikki Gil has remained optimistic about falling in love despite her painful breakup with Billy Crawford mid-last year. "I really think walang formula pagdating sa friendships and relationships. It’s hard to put it in a box. I’m usually open. Bukas na bukas ako kasi wala akong hinanakit. I was just really very open to the possibilities."


Hindi apektado si Nikki Gil, 26, na mas bukas na sina Billy Crawford, 31, at Coleen Garcia, 21 tungkol sa lumalalim nilang relasyon ngayon.

Read: Billy Crawford asks Coleen Garcia: “May chance ba na maging tayo?”

Kalmado at nakangiting sagot ni Nikki nang hingan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol dito: “Ay, matagal ko nang alam yun. It’s none of my business at this point.”

Mula nang maghiwalay sila ni Billy noong July 2013 ay hindi pa raw sila muling nagkaharap o nagkakasalubong man lang sa ABS-CBN compound.

Kung saka-sakali ay handa na ba siyang makita ulit ang ex-boyfriend?

“If it happens, it happens,” simpleng sagot niya.



CLOSED CHAPTER. Kinalimutan na raw niya kung ano man ang sakit na idinulot ng paghihiwalay nila ni Billy, lalo na’t mayroon na ring bagong inspirasyon ang TV host-actress.

“If anything, that whole chapter of my life, yung recovery nun is very fast.

“I had a lot of people to see me through it.

"I didn’t spend much time wallowing in whatever negative energy that it entailed.

“So, itong panibagong chapter ng buhay ko matagal nang nag-umpisa even before I started dating.

"I have made that decision to close that chapter of my life and start anew."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters si Nikki sa ginanap na contract signing niya para sa Universal Records ngayong Huwebes, March 6.

NEW LOVE. Matatandaang ibinunyag ni Nikki sa Kris TV ang tungkol sa pakikipag-date niya sa isang 29-year-old non-showbiz guy, na tulad niya ay nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University.

Read: Nikki Gil admits dating non-showbiz guy

Maituturing ba na college crush ni Nikki ang kanyang mystery suitor?

“No,” sagot ni Nikki, na hangga’t maaari ay ayaw magbigay ng detalye tungkol sa kanyang idine-date.

“It’s just nice that that there’s something sentimental about history.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have a lot of common friends, but we never crossed paths.

"Hindi kami talaga kami magkaibigan to begin with."

Maraming nag-akala na matatagalan bago makapag-move on si Nikki dahil anim na taon din silang naging magkarelasyon ni Billy.

Ngunit agad nilinaw ng TV host-actress na handa na siyang magmahal ulit at pumasok sa isang relasyon.

“I’ve always said I am ready. I never said, ‘Pagpapahingahin ko muna yung puso ko.’

“Wala, hindi ko pinagdaanan yun. Not everyone is like that.

“Hindi lahat ng relasyon uuwi sa iyakan or sa sakit.

“Hindi ako nagdaan sa, ‘Ayoko na.’

“That’s why I’m always very open to dating and getting to know people.”



STRICTLY PRIVATE. Malaking bagay raw para kay Nikki na mas napapanatili niyang pribado ang kanyang lovelife ngayong hindi taga-showbiz ang lalaking malapit sa puso niya.

“Nakakatulong kasi na magkaiba kayo ng mundo, with anyone non-showbiz.

“Nakakakuha ka ng ibang perspective sa ibang bagay outside the world that you know.”

Hindi malinaw kung sinagot na ba ni Nikki ang kanyang 29-year-old suitor.

Ang tanging sabi lang ng MYX VJ host tungkol sa lagay ng puso niya ngayon, “I’m happy. I’m definitely much happier now. I’m at peace.

“Mapayapa ang life ko ngayon. I don’t want to do anything to mess that up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN