Richard Gutierrez happy about settlement between Sarah Lahbati and Atty. Annette Gozon-Abrogar

Bagamat hindi na nag-renew ng kontrata si Richard Gutierrez sa GMA Network, mapapanood pa rin siya sa ilang pelikula ng GMA Films. Nakatakdang ipalabas sa April ang Overtime at mayroon pa siyang dalawang gagawin para sa film arm ng Kapuso network.


Masaya raw si Richard Gutierrez na nagkaayos na ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati at ang GMA Films President na si Atty. Annette Gozon-Abrogar pagkatapos magsampa ng mga kaso ang magkabilang kampo.

Read: Sarah Lahbati and Atty. Annette Gozon-Abrogar end their rift after mediation

Saad ni Richard, “I’m very happy, finally tapos na ang gulo.

“And finally, they forgave each other kung anuman ang napagdaanan nilang dalawa.

“Alam ko, hindi na yun madali for both parties, kung anuman ang napagdaanan, kung anuman ang mga nasabi.

“At least, nagkaroon ng forgiveness.

"And ngayon, we can all move on with our lives.”

Dagdag ng 30-year-old actor, “And I’m very happy, kasi pinag-usapan din namin ni Sarah na, at the beginning of this year, gusto namin na we can start the year na clean slate, walang problema.

“So, nangyari na yun, answered prayer.

“Of course, pinag-usapan namin ang mga bagay.

“Wala nang tatalo pa sa forgiveness at sa payapang buhay na walang kaaway.

“Yun ang naging goal namin ni Sarah.”

Ano ang dahilan kung bakit nakipagkasundo si Sarah kay Annette?

Sabi ni Richard, “Well, siyempre matagal na rin.

“Matagal na balikan sa court. Nakakapagod na balikan sa court.

“Ang daming mga kaso, so much negative energy.

“And we just wanted to start the year positive.

“And napag-usapan namin na kung puwedeng tapusin na ang problema, tapusin na.

“Para pareho kaming mapayapang makapagtrabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa launch ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez kahapon, March 6, sa Holiday Inn, Makati City.

Ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay ang six-part reality show ng pamilya Gutierrez na ipalalabas sa E! Channel.



STILL WORKING FOR GMA. Kasunod ng pagkakaayos nina Sarah at Annette ay ang pagbabalik ng StarStruck alumna para tapusin nito ang kontrata niya sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 2015 pa magtatapos ang kontrata ni Sarah sa GMA.

Tinanong ng PEP si Richard kung mapapanood din ba siyang muli sa GMA o sa ibang nework.

Noong 2013 ay hindi na nag-renew ng kontrata si Richard sa GMA Network pagkatapos ng pagiging Kapuso niya sa loob ng labing-isang taon.

Read: Richard Gutierrez is now a "freelance actor" after expiration of GMA-7 contract

Tugon niya, “Well, I just finished a movie with GMA Films, ipapalabas sa April, ang Overtime.

“Ngayon, naka-concentrate kami sa reality show naming It Takes Gutz To Be A Gutierrez, so we’ll see kung ano pa ang mangyayari this year.

“But I have two more movies with GMA Films, so I’ll be working with GMA for the rest of the year.”

Sa telebisyon, wala pang plano?

“Wala pang plano for television. Sa ngayon, ang television, naka-concentrate sa E! Channel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN