James Yap begins weekly bonding with Bimby

“Ito naman ang gusto ko rin, ang magkaayos na ang lahat. Ito yung pinagpe-pray ko na sana okay na,” says James Yap about his “long-term agreement” with ex-wife Kris Aquino about their son Bimby.


Simula ngayong araw, March 7, ay maaari nang makasama nang regular ni James Yap ang anak nila ni Kris Aquino na si Bimby.

Napagkasunduan ng dating mag-asawa na magkikita ang mag-ama tuwing Biyernes simula ngayong araw.

Sa victory party na inihanda ng koponan ng San Mig Coffee Mixers para sa kanilang fans kagabi, March 6, umiwas si James nang tanungin kung ano ang plano niya para sa pagkikita muli nila ni Bimby.

“Secret. Akin na lang ‘yon. Basta makikita this Friday. Ayaw ko lang [pag-usapan],” nakangiting sabi ni James sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Natutuwa raw ang PBA player dahil nagkaroon na nang maayos na kasunduan sa pagitan nila ni Kris.

“‘Yon ang maganda doon.

“Ito naman ang gusto ko rin, ang magkaayos na ang lahat.

“Ito yung ipinagpe-pray ko na sana okay na.

"So far, okay naman," sabi ni James.

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

Bagamat isang beses lang niya makikita sa isang linggo si Bimby, tinyak naman ni James, “Siyempre, nandito lang ang tatay niya.

“Once a week lang kami magkikita, pero nandito lang ako, sumusuporta sa kanya.

“Gusto ko sabihin sa anak ko na mahal na mahal ko siya.”



HAPPY FOR KRIS. Samantala, masaya naman si James para kay Kris dahil sa bago nitong lovelife.

Inamin ni Kris sa programang Aquino and Abunda Tonight noong Miyerkules, March 5, na in love siya ngayon.

Read: Kris Aquino admits she’s in love; refuses to reveal identity of her suitor

Kuwento ni James, “Masaya rin ako para sa kanya dahil in love.

"Sinabihan ko nga siya, e, sabi ko, ‘Iba ang ihip ng hangin ngayon, ah!’

"I’m happy for her.”

Nagkita sina James at Kris kamakailan para pag-usapan ang visitation rights ni James kay Bimby.

Dahil dito, bilang wish para sa dating asawa, sabi ni James, “Kailangan masaya rin siya sa lovelife niya. Sana maging happy siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN