PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies

Ayon sa ipinadalang pahayag ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC), naninindigan sila na patas ang naging resulta ng kanilang botohan sa lahat ng kategorya sa nakaraang 30th Star Awards for Movies.

Noong Lunes, isang mahabang Facebook status ang ipinost ni Jobert Sucaldito kung saan sinabi nitong may vote-buying daw na naganap kaya nanalo si Vice Ganda (gitna) para sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy laban kay E.R. Ejercito (kaliwa)


Naninindigan ang pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na patas at walang bahid ng pandaraya ang naging resulta sa Movie Actor of the Year category na iginawad nila sa nakaraang 30thStar Awards for Movies.

Ito ang naging tugon ng grupo isang araw matapos kuwestiyunin ng columnist at radio host na si Jobert Sucaldito ang paggawad ng grupo ng Movie Actor of the Year award kay Vice Ganda para sa pagganap nito sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Natalo ang "alaga" ni Jobert na si Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito Estregan para naman sa pagganap nito sa Shoot To Kill: Boy Golden.

Ayon kay Jobert, may sigurado na siyang "22 voting members" para sa ikapapanalo ni ER ngunit bumaligtad daw ang mga ito.

Dahil dito, isang mahabang post ang isinulat ni Jobert sa kanyang Facebook account (@SucalditoJobert) kung saan ibinulgar niyang may isang insider diumano na nagla-lobby para manalo si Vice.

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation



“WE STRONGLY REFUTE THE ALLEGATION.” Kahapon, March 10, nagpasabi ang pamunuan ng PMPC na magkakaroon sila ng pagpupulong upang pag-usapan ang isyu bago maglabas ng opisyal na pahayag.

Ngayong gabi, March 11, inilabas na ng PMPC ang kanilang official statement kaugnay ng akusasyon ni Jobert.

Natanggap ito ng PEP sa pamamagitan ng email.

Ayon sa PMPC, isang “malicious allegation” ang kumalat na akusasyon kaugnay ng resulta ng 30th Star Awards for Movies, partikular na sa Movie Actor of the Year category.

“The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) is saddened by the unfortunate turn of events at the recently-concluded 30th PMPC Star Awards for Movies.

“Immediately after the awards ceremonies, a malicious allegation circulated in social media questioning the veracity of our Best Actor winner.”

Sinabi rin ng PMPC na lahat ng nanalo sa iba’t ibang kategorya ay pinili ng kanilang mga miyembro base sa masusing pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mariin din nilang pinabulaanang may nangyaring hindi kanais-nais sa resulta.

“We strongly refute the said allegation. The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable, and sacred.

“For the past three decades of Star Awards for Movies, the PMPC has weathered the hardest obstacles and has remained undaunted.

“There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the Club, but the PMPC will remain committed to its objectives and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.

“The PMPC, its Board of Directors and Members, will always stand firm on their decision.”

Bukas ang PEP sa panig ni Jobert sa pahayag na ito ng PMPC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN