Vice Ganda embraces Star Awards Best Actor trophy despite controversy

“Kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award.” Ito ang tinuran ni Vice Ganda sa It’s Showtime ngayong Miyerkules, March 12, hinggil sa isyung kinapapalooban ng Best Actor trophy na napanalunan niya sa 30th PMPC Star Awards for Movies.


Nagbigay ng maiksing pahayag si Vice Ganda sa It’s Showtime kaninang tanghali, March 12, hinggil sa kontrobersiyal na Movie Actor of the Year award na iginawad sa kanya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 30th Star Awards for Movies.

Nanalo si Vice sa pagganap niya sa 2013 movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Hindi personal na natanggap ni Vice ang kanyang award noong Linggo, March 9, sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City.

Kauuwi lang kasi ni Vice sa Pilipinas mula sa ilang araw na shows sa Amerika.

“Gusto kong magpasalamat sa PMPC Star Awards for my first acting trophy,” simula ni Vice.

“Maraming-maraming salamat po sa Best Actor na award na ibinigay niyo sa akin.

“Sobrang kontrobersiyal ng award na ‘yan… narinig ko, nabasa ko. Nakakaloka!”

Sa puntong iyon ay iniabot kay Vice ang kanyang tropeyo.

Tila hindi naman apektado si Vice sa kontrobersiyang kinapapalooban ng parangal na iginawad sa kanya.

“Nagpapasalamat lang ako.

“Ayoko nang masyadong magbigay pa ng statement.

“Nung nabasa ko nga, [at] sinabi sa akin, natawa ako, tumahimik lang ako.

“Sabi ko, kung kakausapin ko ang konsensiya ko, ano kaya ang sasabihin ng konsensiya ko sa akin?

“Sabi ng konsensiya ko sa akin, ‘Kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award.’

“Ito ang award…” at niyakap niya ang tropeyo.

Pagkatapos nito ay pinasalamatan ng It’s Showtime host ang ABS-CBN executives, ang Viva boss, ang staff ng kanyang mga programa sa ABS-CBN, mga kaibigan, at pamilya.



THE CONTROVERSY. Pumutok ang kontrobersiya tungkol sa resulta ng 30th PMPC Star Awards for Movies nang mag-post ng isang mahabang mensahe ang showbiz columnist at radio host na si Jobert Sucaldito sa kanyang Facebook account (@SucalditoJobert), ilang oras pagkatapos ng awards night.

Dito ay naglabas siya ng sama ng loob dahil natalo sa Movie Actor of the Year category si Pangasinan Governor Jeorge "ER" Ejercito Estregan para sa pagganap nito sa Shoot To Kill: Boy Golden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jobert, na tumatayong “PR man” ni ER, ni-“lobby” niya sa voting members ng PMPC ang gobernador upang masiguro ang pagkapanalo nito sa nasabing kategorya.

Sa 38 voting members daw ng PMPC, kinomisyon ni Jobert ang 22 sa kanila upang matiyak ang pagkapanalo ng kanyang “anak-anakan.”

Subalit nagkaroon daw ng “dagdag-bawas” at sa halip na si ER ang nanalo ay kay Vice napunta ang award.

May isa raw voting member ng PMPC ang nag-lobby naman kay Vice.

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation

Naglabas ng official statement ang pamunuan ng PMPC at itinangging nagkaroon ng pandaraya sa napiling winner ng Movie Actor of the Year ng 30th PMPC Star Awards for Movies.

Read: PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN