Julia Barretto on dealing with bashers: "Siguro I just ignore it, basically."

Julia Barretto on her launching drama series, Mira Bella: “Ang laki ng pressure, of course, siyempre coming from a family na puro actresses din. But I don’t wanna pressure myself because how can I be as good as I just entered [showbiz]? Sana bigyan ako ng oras to learn and experience to improve. Kasi hindi naman iyan namamadali, e, kailangan talaga maraming experience."


“Best birthday gift” kung ituring ni Julia Barretto ang kanyang launching project at pagiging bida sa upcoming teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, ang Mira Bella.

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Julia noong March 10.

Saad niya, “For me, of course, matagal ko na itong hinintay.

“After Cofradia, ‘di ba, parang kinda lost ako? Pero parang I remained positive.

“So, ngayon na naibigay sa akin yung Mira Bella, I guess I should be thankful.

“Grabe, this is more than what I asked for, ‘di ba?

“So, yeah, this is the best birthday gift.”

Kaya naman ang birthday wish ni Julia, “Sana maging successful ang Mira Bella.”

Ang TV remake ng Cofradia—base sa komiks serial noong 1952 at movie version noong 1953 at 1973—ang dapat sanang magiging debut series ni Julia. Pero sa ilang kadahilanan ay kinansela ito ng ABS-CBN.

Ngunit tulad ng sabi ni Julia, naging postibo lang siya at hindi siya pinanghinaan ng loob.

Hindi naman nagtagal at inanunsiyo na rin ng Kapamilya network at Dreamscape ang kapalit ng proyektong gagawin ni Julia, ang Mira Bella, isang original fantasy drama series.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa pocket presscon nila ng leading man niya sa Mira Bella na si Enrique Gil, kahapon, Marso 11, sa Playland sa Fishermall, Quezon Avenue, Quezon City.

Nagsilbi rin itong birthday party with the press nina Julia at Enrique dahil kung ang young actress ay nag-birthday noong Marso 10, ang leading man naman niya ay magdiriwang ng ika-22 kaarawan nito sa Marso 30.



PRESSURE. Nararamdaman ba ni Julia ang bigat ng pressure sa kanyang kauna-unahang teleserye bilang bida?

Tugon niya, “Ang laki ng pressure, of course, siyempre coming from a family na puro actresses din.

“But I don’t wanna pressure myself because how can I be as good as I just entered [showbiz]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana bigyan ako ng oras to learn and experience to improve.

“Kasi hindi naman iyan namamadali, e, kailangan talaga maraming experience.

“But I’m also thankful na I get to work with Quen [palayaw ni Enrique], with Sam [Concepcion], because every taping day, I learn a lot talaga.”

Aminado rin ang young actress na nao-overwhelm siya dahil unti-unti ay nakukuha na rin niya ang breaks na naibigay noon sa kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine Barretto.

“Sobra, pero hindi lang yun, kasi nga ang laki nga nung pressure that comes with it, ‘di ba?

“Pero it’s nice that some of their supporters are also there.

“Parang nakakagana siya, the more that I want to be good.”

Isa rin sa mga nakadadagdag ng pressure sa sinumang inilu-launch ay ang mga intriga at pagsulpot ng mga basher sa social media. Paano ito hina-handle ni Julia?

“How am I handling it? How do I deal with it? Siguro I just ignore it, basically.

“Kasi sa lahat ng… with everything’s that’s been going on right now, parang I’d rather not put my time and effort sa mga negative.

“I’d rather stay positive and since malapit na rin ang Mira Bella, there’s really no time to waste my attention to those things.”



ENRIQUE GIL. Sa Mira Bella rin ilu-launch ang tandem nina Julia at Enrique. Si Sam naman ang magiging third party.

Unang inanunsiyo na sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga ang leading men ni Julia, pero nagkaroon nga ng pagbabago.

Ano ang naging reaksiyon ni Julia rito?

Sagot niya, “Wala na akong say doon. Sa management na yung decision.

“I guess they’re doing what’s best sa show.

“And I’m happy that I’m working with Quen and Sam. Bagong experience.

“Sana suportahan kami ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang bagong loveteam, hindi raw nahirapan sina Julia at Enrique na mag-adjust dahil kaagad din silang naging kumportable sa isa’t isa.

Sa tatlong buwan nilang pagsasama ay naging close daw agad sila.

Saad ni Julia, “Kasi pareho lang kaming cool-cool, alam mo yun?

“So, nagkasundo naman kami agad.

“At saka si Quen, masaya siyang katrabaho and maalaga rin siya.”

Kadalasan sa mga magka-loveteam ay nauuwi sa ligawan. Pero balitang sinabi ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto na bawal pa raw magpaligaw ang young actress.

Ano ang masasabi ni Julia rito?

“Tama rin naman yun, lalo na ngayon na I have Mira Bella to take care of.

“Pero it will come, e, it will come. There’s so much time to enjoy right now.”

Nang matanong sina Julia at Enrique sa presscon kung posible ba silang ma-develop sa isa’t isa, ang naging sagot ng young actor “puwede at posible.”

Read: Enrique Gil on possibility of falling for Julia Barretto: "Puwede talagang ma-develop."

Hindi ba nagulat si Julia sa sagot ng leading man niya?

“E, anything is possible nga, ‘di ba?” sabay tawa ni Julia.

“Pero yun nga, work muna. Focus muna kami sa Mira Bella.

“Sana alam namin yung future, ‘no?

“But we’re enjoying everything right now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN