Dingdong Dantes keeps mum about rumored engagement to longtime girlfriend Marian Rivera

“On your younger years, meron kayong ideal na iniisip kung paano niyo gustong ikasal. But you know, the truth is kung anong essence, yun ang important sa akin kahit ano pa ’yan. Walang problema sa akin,” says Dingdong Dantes when asked about his wedding preferences.


Tila makahulugan ang reaksiyon ni Dingdong Dantes nang tanungin siya kung totoong engaged na sila ni Marian Rivera mula noong manggaling sila sa isang out-of-the-country vacation ilang buwan na ang nakakaraan.

Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng Kapuso actor nang pilit siyang pasagutin kahit simpleng yes or no hinggil sa isyu.

“Darating ang tamang pagkakataon. Ikaw pa lang ang taong nagtanong sa akin niyan, ha. Bilib ako. I like that!” natatawang pag-iwas ni Dingdong sa tanong ng isang entertainment reporter.

Hindi rin kinumpirma ng aktor ang espekulasyon na sa susunod na taon na nila balak magpakasal ni Marian.

Pahayag ni Dingdong, “If you ask me about specific plans, wala pa.

“Sabihin na lang natin na sino ba’ng hindi gustong mag-settle down, especially to someone like her?

“It’s something that I look forward to one of these days, sa tamang panahon.

“It’s something that I should work for. It’s something that I should earn also.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment reporters si Dingdong sa Gusteau’s restaurant sa Gaisano Mall, Davao, kahapon, March 14.

Kasama si Dingdong sa Kapuso stars na nakibahagi sa pagdiriwang ng Araw Ng Dabaw ngayong weekend.

PATIENTLY WAITING. Patuloy na kuwento ni Dingdong, walang dapat ikabahala si Marian pagdating sa long-term plans nila bilang magkasintahan.

Bukod sa pareho silang secured sa kanilang relasyon, iginiit ng aktor na mismong si Marian ay marami pang obligasyon na kailangang tapusin pagdating sa showbiz career nito.

Kaya naman kahit na nasa tamang edad na sila ay hindi sila nagmamadaling lumagay sa tahimik.

Thirty-three years old na si Dingdong habang si Marian ay 29.

Sabi ng Kapuso actor, “May effort ako to assure her.

"Pero she’s also in a position na maraming commitments, hindi lang sa isang tao, hindi lang sa sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She has endorsements. Maraming tao ang umaasa sa kanya sa ibang bagay, which hindi pa siya ina-allow to engage in such long-term commitments.

“Marami rin kailangan i-weigh. Lalo na sa stature niya ngayon, lalo siyang nagiging busy. She’s so in demand.

“Ito ang mga bagay na kailangang i-savor. You have to make the most out of it.”

Kaya ba sinasagad na ni Marian ang pagiging daring, ’tulad na lamang ng second sexy pictorial nito sa FHM Magazine?

“Hindi naman sa sinasagad. Nagkataon din talaga na ‘andun yung demand for her.

"Inumpisahan na, e. Siyempre tuluy-tuloy na ‘yan.

“Maganda rin na hindi niya ginawa before.

"As a fan, may pananabik to see her in a different way.

"Feeling ko, nagkataon lang," pag-ulit ni Dingdong.

Nabanggit din ng Kapuso actor na hindi siya selosong boyfriend at kahit kailan ay hindi niya paghihigpitan si Marian sa mga gusto nitong gawin sa buhay.

Sa katunayan, hindi problema kay Dingdong ang kaalamang mas dumami ang lalaking nagpapantasya kay Marian dahil sa pag-pose nito ng naka-bikini sa FHM.

Sabi pa niya, “Gano’n talaga. Wala tayong magagawa. She’s beautiful. It’s a gift.

“No matter what she does, kahit maglakad siya sa kalye, meron at merong magkakagusto sa kanya.

“Lalo na sa trabaho niya bilang artista, hindi lang nagkakagusto, maraming nagmamahal sa kanya.”

QUALITY TIME TOGETHER. Ayon pa kay Dingdong, wala siyang maisip na pagkakataon kung saan na-threaten siya sa mga lalaking nakakasalamuha ni Marian.

Kung mayroon man siyang dapat katakutan, iyon ay walang iba kundi ang ama ng aktres na naka-base sa Spain.

Matatandaang huling binisita ni Marian at Dingdong ang ama ng dalaga, si Francisco Javier Gracia, noong 2012.

Read: Marian Rivera talks about recent visit to Spain with boyfriend Dingdong Dantes

May plano ba sila ni Marian na magpunta ulit ng Spain upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga mula sa ama nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging sagot ni Dingdong: “Galing na ako nun. Pero ang tagal na nun.

“Walang plano [na magpunta ng Spain ngayong taon]. Meron akong U.S. trip. May iba-iba akong gagawin.”

Ngunit kahit na pareho sila ni Marian na abala sa trabaho ay naisisingit pa rin naman nila ang pagbakasyon sa iba’t ibang lugar. ’Tulad noong nagpunta sila sa Balesin Island para sa kanilang Valentine celebration.

Kung sakaling magkaroon sila ng libreng oras, ano ang susunod nilang beach destination ngayong summer season?

“Personally, parang gusto ko bumalik ng Palawan.

"May nakita akong bagong bukas na resort doon. Gusto kong check-in.

"Bilang sa Palawan kami... Very memorable sa amin. Nandun ang Dyesebel, e,” saad ni Dingdong, na pinatutungkulan ang pinagbidahan nilang teleserye ni Marian noong 2008.

Naging magkarelasyon ba sila ni Marian noong nagkatrabaho sila sa Dyesebel?

“Siguro towards the end,” nakangiting sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN