Marian Rivera on Dingdong Dantes waiting for her to say yes: "Bilang babae, ang haba ng hair ko."

"Palagi lang niya tinatanong, ’Ano ba ang gusto mo gawin sa buhay mo bago ang lahat?’ Masasabi ko na si Dong very open-minded. Hindi niya iisipin yung siya lang. Sobrang laki ng respeto niya sa akin pagdating sa mga ganyang bagay," says Marian Rivera, photographed here during a mini-presscon at Polo Bistro, Marco Polo Hotel in Davao City on March 15.


Ikinatuwa ni Marian Rivera ang rebelasyon ni Dingdong Dantes na nakasalalay sa Carmela star ang desisyon kung kailan sila pwedeng lumagay sa tahimik.

Taliwas ito sa impresyon ng publiko na si Marian ang matagal nang naghihintay na yayain siya ni Dingdong na magpakasal.

"Yung iba minsan natatawa na lang ako. ‘Ay, parang hindi balak magpakasal ni Dingdong kasi whatever.’

“Ayan, ikaw na ang nagsabi na sa kanya na mismo nanggaling na ako ang hinihintay niya [pumayag magpasakal].

“Bilang babae, parang ang haba ng hair ko. ‘Hintayin mo ako!’” masayang bungad ni Marian.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa Marco Polo Hotel sa Davao City bago ito nagtungo sa isang mall show kagabi, March 15.

Naunang dumating si Dingdong sa Davao City noong Biyernes, March 14, para rin sa Kapuso regional tour.

Dito sinabi ni Dingdong na marami pang kailangang gawin si Marian bago nito masabing handa na itong sumabak sa isang lifetime commitment.

READ: Dingdong Dantes keeps mum about rumored engagement with longtime girlfriend Marian Rivera

Patuloy na kuwento ni Marian na mas makakatulong sa pundasyon ng relasyon nila ni Dingdong kung mayroon siyang sense of fulfillment sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Showbiz-related ba ang pangarap na gusto niyang tuparin bago siya lumagay sa tahimik?

“Hindi siya showbiz. Bilang tao, gusto ko lahat ready ako.

“Paano ko ba i-explain? Gusto ko mag-culinary rin. Gusto ko maging chef.

“Siyempre pag nag-asawa ako, nabuntis ako, nagkaanak ako, paano ko magagawa ’yon?

“So, gusto ko muna i-try ang mga bagay-bagay. Hindi ko naman sinasabi na, ‘Ay, siguro mga 10 years pa.’”

Idinaan na lamang ni Marian sa tawa nang tanungin ng PEP kung totoong engaged-to-be-married na sila ni Dingdong.

Ayon sa usap-usapan, nag-propose ang Kapuso actor kay Marian nang magbakasyon sila sa Vietnam noong December 2013.

Ngunit itinanggi ni Marian na officially engaged na sila at binigyan na siya ni Dingdong ng engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Carmela star, “Nakakatawa no? Hindi talaga mamatay-matay yung issue na kasal na kami.

“So, palagi ko sinasabi na maga-announce naman ako if ever. At hindi ko ililihim ‘yan.

“Nagkaroon ng Dong-Yan dahil sa mga taong nagmamahal sa amin, especially dito sa showbiz.

“Hindi namin ipagdadamot ‘yan sa kanila. At ia-announce namin ’yon.”


KILIG MOMENTS. Sa loob ng anim na taon nila bilang magkasintahan, aminado si Marian na may mga pagkakataong dumadaan sa pagsubok ang kanilang relasyon.

Dagdag pa raw rito ang mga taong pilit na nagsasabing maghihiwalay din sila sa huli.

Ngunit ang mahalaga ay hindi raw sila bumibitiw sa pagmamahal at commitment nila sa isa’t isa.

Ayon pa kay Marian, isa sa mga sikreto kung bakit hindi sila nagkakasawaan ni Dingdong ay alam nila kung paano panatilihin ang “kilig factor” sa kanilang relasyon.

Ang pinakahuling romantic gesture ni Dingdong kay Marian ay nang bigyan daw siya nito ng bouquet of flowers noong nakaraang Valentine’s Day.

“Paggising ko ng umaga, pagbukas ko ng condo ko, ‘Ay, may flowers ako!’ Sinusundo niya ako kasi aalis kami, papunta kami ng Balesin nun.”

Sa kabilang banda, hilig naman ni Marian na magluto ng kung ano mang special request ni Dingdong kapag naglalambing ito sa kanya.

Ilan sa mga paboritong ipaluto ni Dingdong sa kanya ay kaldereta at pork steak. Kapag nagda-diet daw si Dingdong ay banana cake naman ang hinihiling nito na i-bake ni Marian.

“Sa totoo lang hindi kami nawawalan ng kilig factor sa isa’t isa. Feeling ko ‘yan ang secret namin.

“Hindi kami nauubusan ng surprise para i-amaze ang bawat isa. Hindi kami nawawalan ng time together. Kahit one hour lang na dinner or lunch together gagawin namin ‘yan.”

Kuwento pa ni Marian, mahilig sila ni Dingdong na dumiskubre ng masasarap na kainan saan mang parte ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kami pihikan,” sagot ni Marian nang tanungin kung ano ang paborito nilang pagkain ni Dingdong.

“Minsan may magsa-suggest sa amin na i-try ang isang restaurant. Pupunta na lang kami kahit wala kaming idea kung anong meron dun. Gano’n kami basta pagkain.”


LOVE AND FRIENDSHIP. Bukod sa kilig moments nila, importante rin kay Marian na best friends ang turing nila ni Dingdong sa isa’t isa, kaya mas tumitibay ang kanilang relasyon.

“Maipagmamalaki ko na kung kailangan ng boyfriend-girlfriend na usapan, ganoon kami. Kahit ano pag-uusapan namin, walang judgement.

“Kung hindi siguro kami artista at makikita n’yo kami sa labas, iisipin n’yo kung mag-boyfriend ba ito o mag-best friend? Hindi kami puro sweet-sweetan lang, kaya healthy rin.

“At saka very transparent ako sa kung anong meron ako. Si Dong ganoon din. Very open kami ano mang mangyari.”

Nabanggit din ni Marian na kahit sa mga simpleng bagay ay todo ang suporta sa kanya ni Dingdong. Sa katunayan, ang Kapuso actor ang nag-udyok sa kanya na ibahagi sa publiko ang random sketches niya via Instagram.

Noon pa man ay mahilig na talaga si Marian na mag-drawing ng kung anu-ano, ngunit nanumbalik muli ang hobby niyang ito matapos siyang bunutan ng wisdom tooth at payuhan siya ng kanyang dentista na magpahinga muna sa bahay.

“Nasa bahay lang ako, walang ginagawa. Nakita ko yung sketch pad ko na matagal ko nang hindi naggagamit. So nag-drawing ako, gamit ko charcoal.

“Tapos dumating si Dong, dinalaw ako. Sabi niya, ‘Sketch mo ‘yan?’ Sabi ko, ‘Oo.’ Nagulat siya na marunong pala akong mag-drawing. Sabi niya, ‘I-post mo sa Instagram mo.’

"Ako naman ayoko sana kasi nakakahiya naman, baka sabihin nila ang dali-dali lang naman gawin. Sabi niya sa akin, ‘Ano’ng madali gawin? Hindi naman lahat marunong mag-drawing.’”

Mula noon ay ibinabahagi na ni Marian ang kanyang sketches sa kanyang Instagram followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami sa fans ng Carmela star ang natuwa sa kanyang drawing na may kasamang inspiring messages, kaya mas naeengganyo si Marian hindi lang mag-drawing kundi mag-painting na rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN