Anne Curtis on slapping controversy: “Akala ko talaga end na ng career ko.”

Malaki raw ang pagsisisi ni Anne Curtis nang masangkot siya sa slapping incident na nangyari noong November 23, 2013, sa Privé Luxury Club sa The Fort. Gayunpaman, humingi na raw siya ng tawad at natuto na siya mula sa pagkakamaling iyon.


“Akala ko talaga wala na talaga akong career.”

Ito ang inamin ni Anne Curtis kaugnay ng kinasangkutan niyang slapping incident sa Privé Luxury Club sa The Fort noong November 23, 2013.

Naging malaking balita ito na unang nailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 1, 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Na-interview si Anne kagabi, March 17, sa Aquino & Abunda Tonight, ang late-night show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN.

Sinabi ni Anne na malaki ang kanyang pagsisisi sa nangyari, pero ang mahalaga ay natuto siya sa malaking kontrobersiyang iyon.

“Of course, ang laki ng regret, pero andun talaga yung… it’s a lesson learned.

“I know now kung ano dapat ang limitations ko if I go out.

“Siyempre huwag nang mag-diet ‘pag ganon…” medyo natatawang paliwanag pa ng bida ng primetime teleseryeng Dyesebel, na nagsimula rin kagabi.

Sa apology ni Anne via Twitter, binanggit niya na nung naparami ang kanyang pag-inom ay nasa ikatlong araw siya ng juice diet, kung saan ang juice mula sa prutas at gulay lamang ang kanyang iniinom at wala nang iba pang kinakain.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Pagpapatuloy pa ni Anne, “Talagang there is a lesson learned and from there, I picked myself up.

“I was at a low point.

“Akala ko talaga wala na, end na po talaga ng career ko.”

Humingi rin daw siya agad ng paumanhin at natuto na siya mula rito.

Kanino niya nakuha ang suporta para malampasan ang isyung iyon?

Sagot ng Kapamilya actress, “Kumapit ako sa mga taong nasa paligid ko who could be honest to me, who could tell me the truth.

"And, of course, the Lord was the big factor kasi hindi mo talaga alam kung sino ba talaga ang mga totoo mong kaibigan, unless your family is there, and, of course, your boyfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kasintahan ni Anne ay ang food blogger na si Erwan Heussaff.

Samantala, nag-trend kagabi sa Twitter ang pilot episode ng Dyesebel , a may hashtag na #DyesebelAngSimula sa Pilipinas at sa buong mundo.

Sa Kantar Media rin ay malayo ang agwat ng Dyesebel sa katapat nitong programa sa GMA Network, na Kambal Sirena.


Ang rating ng Dyesebel ay 32.8 percent, habang ang Kambal Sirena naman ay 17.9 percent.

Sa AGB Nielsen naman ay nakaungos din ang Dyesebel kontra sa Kambal Sirena.

Nakakuha ang Dyesebel ng 25.2 percent, habang ang Kambal Sirena naman ay 23.6 percent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN