Willie Revillame’s camp clarifies gambling rumors

Pinabulaanan ni Jay Montelibano, chief operating officer ng WiRe (Willie Revillame) Holdings Inc., ang isyung nalululong na raw sa sugal ang TV host na si Willie Revillame (nasa larawan). Sabi niya, “I’d like to say na yung nalulong is not true. Yes, he may have played, but out of fun, and he already have his share of win and losses. Pero yung malulong is not really true and it’s not accurate.


Matagal nang isyu at napapabalita ang diumano’y pagkalulong sa sugal ng TV host na si Willie Revillame.

Diumano, ilang daang milyon na raw ang naipapatalo ni Willie sa sugal.

Hinahatid-sundo rin daw si Willie ng isang private chopper papuntang casino at saka ito didiretso sa VIP room.

Umaabot daw sa lima hanggang sampung milyong piso ang mga sinasalihan nitong laro.

Pinabulaanan na ito ni Willie sa exclusive interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nailathala noong December 13, 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Willie Revillame denies rumors of gambling and sale of his high-end hotel in Tagaytay

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung ito.

NOT TRUE. Sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, March 16, pinabulaanan muli ng chief operating officer ng WiRe (Willie Revillame) Holdings Inc. na si Jay Montelibano ang balitang ito tungkol kay Willie.

Sabi niya, “I’d like to say na yung nalulong is not true.

“Yes, he may have played, but out of fun, and he already have his share of win and losses.

“Pero yung malulong is not really true and it’s not accurate.

“I heard of the amount... actually, the latest pa nga, I heard, he won kasi he bought the Aventador.”

Ang Aventador ay isang modelo ng Lamborghini car.

May isang empleyado naman daw ng casino, na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang nagpatunay na nakikita sa parking lot ng casino si Willie.

Ayon naman kay Willie, talagang nagpupunta siya sa naturang lugar dahil doon sila madalas na nagmi-meeting ng kanyang business partners.

Bukod dito, may isyu ring lumabas na diumano’y na-hold sa Solaire Casino si Willie dahil umabot daw sa mahigit P300 million ang pagkakautang niya dahil sa pagkatalo nito sa sugal.

Umabot pa raw sa punto na kinailangang kausapin ng management at may-ari ng casino ang TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Jay, “That I really wouldn’t know.

“But they are friends, may mga ganun siyang story.

“In one tabloid, I read he lost mga 300 [million] and hindi raw siya pinauwi. I think that’s not true.

“And like I said, if he goes there, it’s not frequent, hindi siya madalas ‘tulad ng napapabalita.”

SELLING WILLIE’S PROPERTIES. May mga balita ring dahil daw sa milyun-milyong piso na naipapatalo ni Willie sa pagsusugal, unti-unti na rin daw naibebenta ng TV host ang mga ari-arian niya.

Isa na raw rito ang isang luxury car niya at ang kanyang Wil Event’s Place sa Quezon City na nagkakahalaga ng P200 million.

Kinumpirma naman ni Jay na ibinenta nga ang isang property ni Willie sa Tagaytay.

“Totoo, talagang meron siya… katulad sa Tagaytay, meron siyang dalawang properties dun.

“Isa sa midland, yung plantation property niya.

“Upon the advice of his lawyer, ‘Kuya, kapag hindi mo na ginagamit ang property mo, might as well sell it and use the money.’

“Even yung chopper, might as well sell it.

"Kasi to have it maintain on a monthly basis, yun lang hangar, kunsaan mo inilalagi yung chopper, eroplano, and even yung yate, may corresponding fees ‘yan.

“So, yun din ang reason kung bakit yung share niya sa chopper, ibinenta na rin niya.”

Ilang linggo na ang nakararaan, nag-post naman si Angelica Panganiban ng picture sa kanyang Instagram account, kunsaan kasama niya ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at si Willie sa Tagaytay.

Paliwanag ni Jay tungkol dito, “Nandoon sila, kasi si John Lloyd asked kung puwede niyang magamit ang rest house para sa family.

"Inalok sila, pero hindi ko alam kung may signified yung intent nila to purchase it.

"But they stayed there."

Wala naman daw dapat ipag-alala ang mga taong sumusuporta kay Willie dahil abala raw ito ngayon sa pagpapatayo ng kanyang high-end hotel sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MERYLL SORIANO. Nakausap din ng Buzz Ng Bayan ang anak ni Willie na si Meryll Soriano sa nakaraang ABS-CBN trade launch.

Sabi ni Meryll, hinggil sa isyu ng diumano’y pagkalulong ng ama sa sugal, “Whatever he does in his life, it’s his prerogative.

“Kumbaga, he has worked hard with his wealth right now.

"So, whatever he wants to do with that, we don’t have any right to judge or to say something bad about it because it’s his money, pinaghirapan niya yun.

“Bakit natin panghihimasukan ang desisyon niya sa buhay niya when, you know, pera niya yun?”

May sinasabing ibinebenta na raw ng ama ang properties nito. Ano ang reaksiyon niya rito?

“I doubt kung ibinebenta niya dahil wala siyang work. I don’t know.

"Maybe it’s business, we cannot naman make speculations on that because we don’t know what’s happening."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN