Aiza Seguerra not affected by critics of her relationship with fiancée Liza Diño

Aiza Seguerra on her upcoming wedding to girlfriend Liza Diño: "I don’t wish naman to make it a public event. And ako naman ay hindi naman ako public person at gusto ko sanang i-keep yung privacy na yun sa aming dalawa. I’m just happy na people are so accepting and respectful. But, of course, may mga bashers but...”


Sinundo ni Aiza Seguerra ang kanyang fiancée na si Liza Diño sa ELJ Loop Garden ng ABS-CBN pagkatapos ng grand presscon ng teleseryeng Mira Bella kahapon, March 18.

Si Liza ay kasama sa cast ng bagong primetime series na ito ng Dreamscape Entertainment Television na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Enrique Gil, at Sam Concepcion.

Bago umalis sa venue sina Aiza at Liza ay nagpaunlak ng panayam ang singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong namin siya tungkol sa plano nilang pagpapakasal next year, pati na ang ilang updates sa kanilang relasyong pinag-uusapan ngayon.

Simula ni Aiza, "Yun nga, plano naming sa States muna magpakasal kasi dun yung legal, e. That would be first quarter of next year.

"Then, yung symbolic ceremony naman ay dito sa atin para sa lahat ng family and friends namin.

"Meron nang nag-aasikasong wedding planner, and ang motif naman ay rustic.”

Dagdag pa niya, “We are both excited, but right now, living one day at a time muna kami until dumating na yung day na we will be one.”



ACCEPTANCE. Matatandaan na noong February 7, sa gitna ng pagtatanghal ni Liza sa stageplay na Kung Paano Ang Maghiwalay ay nag-propose si Aiza.

Read: Aiza Seguerra and girlfriend Liza Diño are now engaged

Masaya si Aiza na ang mga taong nakapaligid sa kanilang relasyon ay buong-puso silang tinanggap kasama ang kani-kanilang pamilya.

Pati ang ideya nilang magpakasal ay wala halos kumontra.

Sabi ni Aiza, “They were all accepting.

"We feel good.

"I have a good relationship with her family, she has a good relationship with my family, and our families are okay and they’re good.

"It’s more than anything else we could ask for, ’di ba?"

Isa nga raw silang inspirasyon sa Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community, lalung-lalo na sa ibang katulad nila na gusto ring magpakasal sa kani-kanilang respective partners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Aiza, "Alam mo, nakakatuwa, kasi yung ‘tulad nito na empowerment and everything, I’m not doing this for that, e.

"Kumbaga, I’m just a person who knows who I am and fell in love with this person [Liza].

“And I’m just one person who wants to share my love for her.

"Kumbaga, nagkataon lang na we are both in the same industry…

“Yun lang yun, e, na basically, isa lang akong taong nagmamahal.

"I don’t wish naman to make it a public event.

“And ako naman ay hindi naman ako public person at gusto ko sanang i-keep yung privacy na yun sa aming dalawa.

"I’m just happy na people are so accepting and respectful.

“But, of course, may mga bashers but...”

Hindi nga itinanggi ng dating child wonder na mayroon pa ring mga tutol sa kanilang kakaibang relasyon, lalo na nang magdesisyon silang magpakasal sa susunod na taon.

Medyo malungkot na pahayag ni Aiza, "Oh, yeah. We get, like, Bible verses.

"It’s either that or yung very crass na ’coz I’m not a boy and those things na I don’t have the means to pleasure…

"I don’t get affected ’coz I’m very much secured in my relationship as much as she is secured with her relationship.

"Kumbaga, we know each other so much, and it’s not na ngayon lang kami nagkakilala, since we know each other way back."



SHE’S THE ONE. Ayon kay Aiza, labintatlong taon na silang magkakilala ni Liza, pero noong nakaraang taon lang sila muling nagkasama nang matagal hanggang sa umabot na nga ito sa isang relasyon.

Paano niya nasiguro sa kanyang sarili na si Liza na talaga ang babae para sa kanya at gusto niyang makasama habambuhay?

Sagot ni Aiza, "Sa buhay natin, kung saan meron tayong gustong makasama, we have a checklist, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’I want this person to be like this, I want this person to be like that’—she has all that and she exceeded my checklist.

"She has a quality na parang it’s too much to ask for na… she has all those things.

"You know, the way she loves me, she’s so generous giving her love, giving her time.

“And she makes it a point that every single day, she makes me happy.”



“SHE’S VERY MUCH A WOMAN.” Pagkatapos nito ay muli naming napag-usapan ang opinyon ng ilang tao tungkol sa kanilang pagsasama.

Ayon sa iba, baka isa ring lesbiyana si Liza kaya ito pumatol at umibig kay Aiza.

Natatawang pahayag ng 31-year-old singer, “For me, she’s very much a woman.

"Basically, these labels, you know…

“Sabi nga niya, she knows that she’s still a… but if being lesbian ’coz it means she’s with me, ayon sa kanya, so be it.

"Kumbaga, right now, that’s the least thing that matters—what she is.

"Ang importante is the love we share is so great that it transcends boundaries, it transcends labels.

"Parang it’s very minor."

Pati ang tungkol sa isyung baka pera lang ang habol sa kanya ni Liza ay pinagtatawanan ni Aiza.

“Natatawa na lang kami sa ganun… natatawa talaga kami.

"Kasi nga, we the know core of each other.

"Hindi nila alam what we go through every day. Hindi nila alam why we go together.

"So, hindi nila alam na we were together way back.

"Way back from the time na pareho pa lang kaming…

“Ako, that time, wala pa yung ‘Pagdating Ng Panahon’ and she’s barely starting sa business.

"They don’t know any of those details, so, ba’t papatulan, ’di ba?

“As long as we know where we are, where we stand, and very much secured with each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kantang “Pagdating Ng Panahon” ang muling nagpasikat kay Aiza noong 2001.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN