Marvin Agustin on former screen partner Jolina Magdangal giving birth: "I’m sure she’ll be a wonderful mother."

Bagamat matagumpay na siya ngayon bilang isang negosyante, sinabi ng aktor na si Marvin Agustin na nami-miss niya ang pag-arte kapag hindi niya ito ginagawa. At kahit busy raw siya sa negosyo, sisikapin pa rin niyang bigyan ng panahon ang kanyang showbiz career.


Malaki ang pasasalamat ni Marvin Agustin dahil nasasabay niya ang pag-arte at ang kanyang pagiging restaurateur.

Bida si Marvin sa ongoing TV5 weekly TV series na Obsession na kinabibilangan din nina Bianca King, Martin Escudero, at Neri Naig.

Kung tutuusin ay isa nang matagumpay na negosyante si Marvin, ngunit patuloy pa rin ang kanyang showbiz career.

“Mahirap yatang iwanan yung acting,” sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media sa isang pocket press conference na ginanap kahapon, March 20, sa Boqueria, ang kanyang bagong restaurant sa 3rd floor ng SM Megamall.

Wala rin daw siyang balak iwanan ang showbiz.

“Basta naman gusto ko yung project at ’di masyadong mahirap gawin in terms of schedule, pero lahat ng acting mahirap.

“Nami-miss ko naman talaga ’yan pag ’di ko ginagawa.

“Sabi ko nga, I think ako yung artista na hahanap-hanapin ‘yan…

"Kahit ano’ng ginagawa ko, babalik at babalik ako sa acting.”



OBSESSION. Bago ang Obsession, nag-host din si Marvin ng Artista Academy (2012) at Karinderya Wars (2013) sa Kapatid Network.

Hanggang ngayong taon daw ang non-exclusive contract niya sa TV5.

Malapit na raw magtapos ang Obsession, at natapos na raw nila ang taping.

Ang nasabing proyekto ay medical drama na may halong pagka-suspense.

Proud daw si Marvin na makagawa ng ganitong proyekto.

“TV5 is so brave to do something like this. This is very edgy.

“It’s something na akala mo ’di magagawa sa TV, but they’re brave to conceptualize something like this material for a series,” papuri ni Marvin.

Pagkatapos ng Obsession ay wala pa siyang kasunod na acting project, pero may reality-based cooking show na nakatakda niyang gawin.

ON JOLINA MAGDANGAL. Bigla namang napangiti si Marvin nang tanungin kung nabalitaan na niya ang panganganak ng dati niyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal.

Si Jolina ay ikinasal sa Rivermaya band member na si Mark Escueta at nito lang Pebrero ay nanganak na ang singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jolina Magdangal gives birth to healthy baby boy

“I congratulated her nga,” sabi ni Marvin.

“’Di ko pa ma-imagine na nanay na si Jolina, beybing-baby pa rin siya sa paningin ko.

“But I’m sure she’ll be a wonderful mother.

“They deserve this happiness, am sure they’ll be great parents.”

Nalaman daw niya ang update kay Jolina sa social media.

“Nakita ko yung mga posts nila.

“Yun yung maganda sa social media ngayon, kahit hindi mo nakakausap yung tao, nakikita mo sila kung gaano sila kasaya,” sabi ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN