Newcomer Ryle Paolo uneasy about reconnecting with estranged dad Junjun Santiago

Bilang anak ng kilalang showbiz personalities, handa na raw si Ryle Paolo sa pagsulpot ng mga isyu at intriga sa kanya. "I’m ready for it. Hindi naman magulo ang buhay ko. I was raised properly by my parents." Ang tinutukoy nito ay ang ina na si Sherilyn Reyes at ang stepdad niyang si Chris Tan.


Hindi malayong mag-krus ang landas ng showbiz newcomer na si Ryle Paolo at ang biological father nitong si Junjun Santiago dahil parehong network ang pinaglilingkuran nilang dalawa.

Si Ryle, isa sa mga bagong artista ng Star Magic, ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa dati nitong asawa na si Junjun.

Si Junjun naman ang business unit head ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime; at kapatid nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

Mula nang maghiwalay sina Sherilyn at Junjun ay hindi na naging normal ang relasyon ng mag-ama.

Lalong napalayo ang loob ni Ryle sa ama nang magkatuluyan si Sherilyn at ang dating basketball player na si Chris Tan, kung saan mayroon na siyang dalawang kapatid.

Isa si Ryle sa supporting young stars sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN—ang Mira Bella na pinagbibidahan nina Julia Baretto, Enrique Gil, at Sam Concepcion.



UNEASY. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryle sa press launch ng Mira Bella noong March 18, inamin nito ang nararamdaman para sa kanyang estranged father.

Aniya, "I don’t feel comfortable seeing him again.

"Matagal na rin po kaming hindi nagkikita, hindi po talaga kami nagkakausap."

Ngunit nilinaw niyang "Facebook friends" naman sila ng ama at minsan pa nga raw ay nagpapalitan sila ng messages.

Pero diin din ni Ryle, “Mahal ko ang mom ko at saka si Dad—si Chris Tan.

“Ilagay niyo po yun, mahal na mahal ko po si Chris Tan at si Sherilyn.

"Mahal na mahal ko po sila."

Matagal nang tanong sa showbiz ang pagiging malayo ang loob ni Ryle sa kanyang tunay na ama.

Sinagot naman ito ni Sherilyn sa isang panayam, at sinabing hindi siya nagkulang ng pangaral sa anak pagdating sa paglapit nito sa amang si Junjun.

Pero desisyon daw ng bata ang pagdistansiya sa ama nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sherilyn Reyes denies forbidding ex-husband Jun-Jun Santiago to see their son

Inalam ng PEP kay Ryle kung bakit malayo ang loob nito sa kanyang ama.

Paliwanag ng binatilyo, “Kasi he moved away, hindi ko na siya nakita.

“Bumalik pala siya, hindi naman ako comfortable na makipagkita, kasi matagal na rin kaming hindi nagkikita.”

Malayo rin daw si Ryle sa pamilya ng kanyang tunay na ama.

“Maybe because yung nag-move away nga [si Junjun], lumayo na rin ako.

"Medyo nagka-distance, hindi na rin kami nagkikita," sabi niya.

Alam ba ng kanyang ama na nasa ABS-CBN na siya bilang isang artista?

Tugon niya, "Siguro naman po, kasi Tatay ko siya."

Kung sakaling magkita sila ng ama ay babatiin naman daw niya ito.

"Papansinin ko naman po.

"Hindi naman po ako pinalaki na bastos ng parents ko,” pagtukoy ni Ryle sa kanyang ina at stepfather.



ENTERING SHOWBIZ. Inalam ng PEP kay Ryle kung paano niya napapayag ang mommy at stepdad niya na mag-artista, gayong wala namang binabanggit si Sherilyn na gustong pumasok ng panganay na anak sa showbiz.

Nakangiting tugon ng 16-year-old newcomer, “Tumawag po ang Star Magic sa amin.

"Trust naman nina Mommy at Daddy ang Star Magic.

"Umoo na lang kami since I want to do it.

"I sat down with my parents and talked about it.

“We decided to give it a chance, give it a try, and see where this gets me.”

Bilang anak ng kilalang showbiz personalities, handa na raw si Ryle sa pagsulpot pa ng mga isyu at intriga sa kanya.

“Kung lalabas man or kung may intriga man, I’m ready for it.

"Hindi naman magulo ang buhay ko.

“I was raised properly by my parents.

"Ayos lang, I’m prepared,” pahayag niya.

Bilang baguhan sa industry at ngayon pa lang nagsisimula, may mga habilin daw ang mommy ni Ryle sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito, "Be considerate to your co-workers.

"Be courteous kasi po hindi maganda kung laging late.

“Kailangan considerate to the people around you."



SANTIAGO AND BARRETTO. Incidentally, ang bida sa Mira Bella na si Julia Barretto ay pamangkin ni Claudine Barretto, na estranged wife naman ng tiyuhin ni Ryle na si Raymart Santiago.

Dahil dito, hindi malayong intrigahin ang dalawa, lalo’t may koneksiyon ang kani-kanilang pamilya.



Sabi naman ni Reily, “Kami po ni Julia, childhood friends naman kami.

"Ewan ko nga po kung bakit hindi niya maalala nung nag-a-ice skating kami, yun yung naalala ko.

"Dati naman, we used to get along.

"What more now, kasi matanda na kami and we both enjoy life.

“Nag-uusap kami kapag nagkikita kami, nagkakamustahan.

"Saka yung family niya, kinukumusta ko rin."

Wala naman daw alam si Ryle sa problema nina Claudine at Raymart.

"Pero sana naman maayos po nila in time," asam niya.

Bukas ang PEP sa paglathala ng anumang pahayag mula kay Junjun Santiago tungkol sa tinuran ni Ryle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN