Ellen Adarna on ex-boyfriend JC Intal: “Yun ang pinakamalabong boyfriend ever.”

Ellen Adarna calls past relationship with JC Intal "ang pinakamalabong six months ever in my life." She recalls, “May boyfriend-girlfriend ba na magti-text na three days lang? Ganun lang. It was nothing serious.”


Sunud-sunod na nilinaw ni Ellen Adarna ang mga isyung kinasasangkutan niya nitong mga nakaraang linggo—dahilan para muling maging maingay ang pangalan niya sa showbiz.

Una ay ang pagkakaroon niya ng kaugnayan kay Cedric Lee, na siyang natuturong pasimuno ng pambubugbog at pag-extort diumano ng pera sa It’s Showtime! host na si Vhong Navarro.

Pangalawa ay ang pagiging viral ng isang video interview sa kanya kunsaan halos hindi maintindihan ang kanyang pagsasalita.

Read: Kat Alano “no comment” about controversial tweets; Ellen Adarna avoids talking about viral interview video

Pag-amin ni Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ibang entertainment media sa press launch ng Moon of Desire, ang bagong daytime series sa ABS-CBN, wala raw siya sa katinuan nang magbigay siya ng comment noon.

Saad pa niya, “Lasing po ako noong in-interview po ako.

"First time ko po yun na mag-trade launch and I don’t dance.

“And then, I was super-nervous.

"So, inubos ko po yung half ng bottle ng tequila and nagpa-interview. Parang tanga.

“Kasi yung question no’n... Nag-sorry naman si Marie [Lozano, TV Patrol]. Yung question no’n, wala akong message kay Cedric.

“Ang nakalagay dun, ’Ellen Adarna message to Cedric.’ Wala talaga akong message sa kanya.

"E, lasing nga ako and it was taken out of context and yun pa ang headline.

“Wala talaga akong mali. Wow, mali!”

Kabilang si Ellen sa cast ng Moon of Desire na pinagbibidahan rin nina Meg Imperial at JC de Vera. Naganap ang presscon noong Huwebes ng gabi, March 20, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound.

Hindi ba kinabahan si Ellen na baka mapigilan ang pagpasok niya sa ABS-CBN dahil sa negative comments ng mga nakapanood ng interview?

Sagot niya, “No naman po, hindi naman po.

"I mean, everything will fall into place.

"Kung walang mangyayari sa akin, maybe showbiz is not for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang leksiyon na natutunan niya sa maling impression ng interview niya tungkol kay Cedric?

Pakli niya, “Ay, hindi dapat nagpapa-interview pag lasing.”

VHONG MOVIE. Ang isa pang controversy ay ang pagkaka-pull out sa kanya sa pelikula ni Vhong dahil sa pagkakaroon niya umano ng kaugnayan kay Cedric.

Paliwanag ni Ellen, “Yun po, I don’t know.

"Decision po yun ng management. Hindi pa naman nila ako kinausap pa. But, kasi mahirap din.

“Feeling ko, every day na rin sila magti-taping.

"Ipu-push din yung April 19 na showing. E, yung time ko nandito sa series.”

Ano ang nararamdaman niya at natanggal siya sa project?

“Nanghihinayang rin ako, pero thankful po ako kasi hirap ako sa character ko rito, hirap ako sa soap.

“Minsan nagti-taping kami ng twenty-seven hours, walang tulog. How much more kung pagsasabayin ko yung dalawa?

“Wala na akong kaluluwa, wala na akong spirit pagdating ko sa set,” pahayag ng sexy actress.

Natakot at nabulabog ba si Ellen nang ma-associate ang pangalan niya kay Cedric?

Pagtanggi niya, “No, totoo naman na kilala ko si Cedric.

"But yung friendship namin, hindi naman yung level na... I don’t even have his number.

“Kilala ko siya. I meet him when I go out.

"May mga friends kami na... you know. Pero hindi kami best friends or hindi kami nagti-text.”

Pero siguradong nakatanggap si Ellen ng harsh comments mula sa bashers.

“Deadma lang po,” sagot ng Cebuana model turned actress.

Naapektuhan ba siya o natakot dahil sa negative comments na ito sa kanya?

“Yeah, naapektuhan ako.

"Tanga-tanga ako, e. Nagpa-interview ako, e.

"Wala, lesson-learned.

“I mean, mga the first two days, I got affected.

"Pero wala, moved on. Life goes on.”

ON PAST RELATIONSHIP WITH JC INTAL. Natanong naman si Ellen tungkol sa basketball player na si JC Intal, na kamakailan lang ay nag-propose kay Bianca Gonzalez bago lumipad patungong London ang TV host-writer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Bianca Gonzalez and cager JC Intal now engaged after surprise airport proposal

Agad na comment naman ng nangingiting sexy newcomer, “Ay, good for them, good for them! Happy naman ako sa kanya.”

Itinanong namin kay Ellen kung nag-date ba sila ni JC dati. Naging magkarelasyon? At gaano katagal, kung totoo nga.

“Yun ang pinakamalabong boyfriend ever.

"Wala talaga... huwag na lang nating pag-usapan kasi engaged na, e. ’Tapos pag-uusapan pa? Huwag na.”

Nanghinayang ba si Ellen na dapat sa kanya ang proposal na yun ni JC at hindi kay Bianca?

“Ay! No! No at all, I’m so happy now. Hindi talaga!” natatawang bulalas niya.

Ayon kay Ellen, apat na taon na ang nakalilipas mula noong naging sila ni JC.

Sabi pa niya sa relasyon nila noon ng basketbolista, “Ang pinakamalabong six months ever in my life.

“May boyfriend-girlfriend ba na magti-text na three days lang? Ganun lang. It was nothing serious.

“But I’m happy for him. I’m happy for them.

"Mukhang haping-happy naman sila. I wish them the best.

“Saka hindi na kami nag-uusap. Ang tagal-tagal na no’n!”

Meron daw kasintahan ngayon si Ellen pero hindi ito taga-showbiz. Base sa deskripsyon niya, may taas itong 6’1.”

Naka-base daw ito dito sa Pilipinas at hindi ito high-profile personality.

ON SAM PINTO. Nagkaroon din ng issue si Ellen kay Sam Pinto nang mabalitang pinintasan daw nito ang kanyang kutis.

Napakunot-noo si Ellen sa intriga at nagpaliwanag agad ito tungkol dito.

Saad niya, “Hindi. Tinanong lang sa Forbidden Questions ni Mo [Twister] na who would you think na mas maganda sa TV and sa real life?

“I said Sam Pinto is very pretty. But iba yung dating niya.

"I mean, yun ang opinyon ko, that’s what I think.

"You want the truth from me. You can’t take my opinion from me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But she’s very pretty. Saka right now, nagti-text pa kami.

"She invited me to go to Boracay this May pero parang malabo.

“Sabi nila na-hurt raw, pero sa taping nung Bubble Gang, ’pag nagbi-breakout siya, ’Oy, anong nangyayari sa balat mo?’ Ginagano’n ko siya.

“I don’t think there’s anything wrong with that.

"She’s very pretty, she’s very sexy.

"Yeah, we’re still friends.

"Of course, para lang dun? Ang babaw naman.”

ON MEG IMPERIAL. Tinanong naman ng PEP si Ellen tungkol kay Meg Imperial, ang co-star niya sa Moon of Desire.

Saad niya, “Kami ni Meg, we haven’t hung-out.

“Kasi magkaiba kami ng unit palagi.

"If same unit man kami, she’s taping, ako nagpapahinga, siya naman yung nagti-take.

"Minsan ako, siya naman yung nagpapahinga.

“Wala pa. Wala pa kaming bonding moment.”

Dahil pareho silang sexy ni Meg, may conscious-effort ba na magpaseksihan silang dalawa o magpatalbugan?

“Actually, hindi ’yan ang iniisip ko.

"Actually, everytime I’m on the set, pressured ako. Kailangan kong gawin what the director wants me to do.

“So, yung competition is the last thing in mind.

"Kumuha pa ako ng acting coach. Pumupunta sa bahay.

“Gano’n po ako kahirap sa character ko.

“So, yung competition, wala po talaga sa isip ko for now. Wala po talaga,” mariin niyang pahayag.

Hindi ba naaapektuhan si Ellen sa mga sinasabi ng iba na liberated, open, at prangka siya?

Pagmamalaki naman niya, “I mean, people love that about me.

"Gano’n na talaga ako. I’m not gonna change.

"Mahirap maging plastik.

"Kung ayaw nila ng pagka-frank and truthful, hindi ko na problema yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN