Erwin Tulfo files P12-M libel complaint against Philippine Daily Inquirer

Mariing itinanggi ng radio and TV personality na si Erwin Tulfo ang diumano’y suhol na kanyang natanggap mula sa isang government-owned corporation. Kaya naman naghain ito ng P12-M libel suit laban sa broadsheet na naglabas ng balitang ito.


Naghain ng reklamong libelo ang TV5 news anchor na si Erwin Tulfo laban sa national daily na Philippine Daily Inquirer kaninang umaga, March 24, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Hiling ng kampo ni Erwin ang P12 million na danyos dahil sa artikulong nailathala sa pahayagan noong March 19, 2014.

Laman dito ang pagkakasangkot ng radio-TV personality sa suhulan diumano sa National Agribusiness Corporation (Nabcor), isang government-owned coporation noong 2009.

Bukod kay Erwin, sangkot din diumano ang dzBB commentator na si Carmelo del Prado Magdurulan sa naturang suhulan.

Read: TV5 and GMA Network to probe allegations against broadcasters



THE LIBEL COMPLAINT. Kasamang inireklamo ni Erwin sa kanyang libel complaint sina Leticia Jimenez-Magsanoc (editor-in-chief), Jose Ma. Nolasco (managing editor), Artemio Engracia, Jr. (news editor), at Nancy Carvajal (reporter at nagsulat ng artikulo).

Pahayag ng broadcaster sa Aksyon ng TV5 ngayong gabi, March 24, "Wala sa intensiyon ko ho na may makulong, e, pare-pareho kaming may mga pamilya din, e.

"Abala din ho sa trabaho yun, dahil din minsan, may hindi maiwasan na ang mga journalists ay nakakasuhan ng libel.

"Abala ho sa trabaho yun, e.

"Imbes na magtrabaho ka, mag-cover ka, e, narito ka sa korte, magbibigay ka ng testigo, testimonya.

"Hahanap ka ng abugado, which is very inconvenient.

"Pero, I think, this is the only way to let them know na nagsasabi ako ng totoo."

Isa sa mga banner story ng Inquirer ang istorya tungkol sa diumano’y suhol na tinanggap ng dalawang mamamahayag, base na rin sa mga sinumpaang salaysay ng mga dating opisyal ng Nabcor na sina Rhodora Mendoza at Victor Cacal.

Ayon pa sa kanilang affidavits, tumanggap diumano ng kabuuang tig-P245,535 ang dalawang broadcasters bilang “advertising expenses.”

Pero mariin na itong itinanggi ni Tulfo.

Ayon sa kanya, ang naturang halaga ay bayad diumano sa kanyang programa sa radyo noong nasa dzXL ng Radio Mindano Network (RMN) pa siya nagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga kaukulang resibo rin daw ang naturang tsekeng ibinayad sa kanya mula sa Department of Agriculture.

Ayon sa abugado ni Erwin na si Atty. Nelson Borja, "We have to consider na nasira ang pangalan ni Erwin Tulfo, not to mention the mental anguish, the sleepless nights and public ridicule, nung siya ay napagbintangan.

"So, kung i-equate natin, in the form of compensation, we are asking that he is entitled to the damages of at least P12 million."

Read: Erwin Tulfo on alleged ’pork’ payoff: “Meron po bang suhol na reresibuhan? Hindi naman ho suhol ‘yon, e.”



"FORGIVE AND FORGET KUNG..." Ang Nabcor ay dawit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na diumano’y minanipula ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Sa pinakahuling ulat, naglabas na ang Nabcor ng pahayag na legal ang mga naturang "advertising payment" kay Tulfo.

Ayon naman kay Erwin, "Well, forgive and forget kung sakaling babawiin nila yung report nila."

Hindi raw muna maglalabas ng pahayag ang Inquirer dahil wala pa silang natanggap na kopya ng reklamo.



"IT’S LEGAL: NABCOR." Sa kaugnay na ulat ng Aksyon, sinabi naman ng kasalukuyang pangulo ng Nabcor na si Honesto Baniqued, base sa nakalap niyang dokumento, legal at dumaan sa tamang proseso ang transaksiyon.

Ito daw ay mga paid advertisement para sa information campaign ng Department of Agriculture na ipinadaan sa kanilang ahensiya.

Saad nito, "You cannot just get hold of any project of government na hindi dumadaan ng screening. In fairness, legitimate talaga siya."

Kasama raw sa mga hawak nilang dokumento ang voucher at kopya ng tseke na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.

Pirmado pa ito ng noon ay vice president ng Nabcor na si Rhodora Mendoza, na siyang naging source ng Inquirer sa kanilang istorya.

May kontrata rin ito na kasamang ipinakita ni Baniqued sa News5 para sa programa ni Erwin noon sa dzXL na Birada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpakita rin ang Nabcor ng dokumento mula sa bids and awards committee na nagpapatunay na legal ang kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN