Bianca Gonzalez and JC Intal plan to get hitched at the end of 2014

Hindi raw talaga inasahan ni Bianca Gonzalez na magpu-propose na ng kasal ang kasintahan niyang si JC Intal. Kuwento ng TV host, “As in, zero clue. I really did not expect it. Especially because a week ago, we came pa from a big fight talaga. Akala ko... and the fight was my fault. Akala ko, sobra akong bad shot sa kanya. I really didn’t expect it, sobra.”


Ikinuwento ng TV host na si Bianca Gonzalez ang naganap na surprise wedding proposal sa kanya ng PBA player na si JC Intal, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, noong March 20.

Papunta noong madaling-araw na iyon si Bianca sa London.

Read: Bianca Gonzalez and cager JC Intal now engaged after surprise airport proposal

Sa pamamagitan ng Skype ay nakausap ng Buzz Ng Bayan si Bianca, at niya inilahad ang ginawang sorpresa sa kanya ni JC.

Ayon sa Kapamilya TV host, pagdating niya sa NAIA ay nagtaka siya kung bakit nakatanggap siya ng mga bulaklak mula sa airport personnel.

“Unang guard na I passed, dalawa sila, mayroon silang two rose each.

“So, may rose ako papasok ng airport.

“Paglusot ko sa X-ray, dalawa na naman ang rose na ibinigay.

“Sa reception area, yung tatlong rose, they had one rose each.

“I kept telling nga yung kasama ko, parang frank ‘to, kasi ang weird.

“I checked in sa counter, before I left, may nagbigay na naman ng rose.

“And even sa before Immigration, may nagbigay na naman ng rose.

“I-message ko si JC. Sabi ko, ‘Hoy, may kinalaman ka ba dito? Bakit ako may roses dito sa airport?’

“I just thought he planned something sweet, kasi nga, matagal akong mawawala.

“Until somebody said I had to go out to verify.

“Yun na yun, paglabas ko, grabe yung luha ko. Bumabagsak na lang!”

Patuloy na kuwento ni Bianca, “The girl na may sabi na dapat may ibe-verify daw akong baggage, binigyan ako ng tarp.

“Binuksan ko, it said, ‘Bianca, please say yes.’

“And when I turned around, my friends, JC and his parents were there.

“Wala na. Sobra yung luha ko talaga.

“Right after I said yes, ang una kong tinanong, ‘Oh, my gosh, does my mom know?’

“And it meant so much kasi naayos na pala niyang [JC] lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakausap na niya mommy ko, ate ko, kuya ko, friends ko.

“They had this one chat group na lahat sila, nandoon. ‘The Proposals’ ang title ng chat group nila.

“It was everything that the whole plan, the ring, the speech before he asked me, talagang beyond my wildest dreams, grabe!”



THE GROOM-TO-BE. Nakausap din ng Buzz Ng Bayan ang groom-to-be na si JC Intal.

Inamin ng Barako Bull Energy player na habang ginagawa niya ang surprise proposal kay Bianca ay kabadung-kabado siya.

“I was really nervous. My hands are really shaking until now.

“But that moment… actually, si B, ayaw ngang magpo-propose ako.

“But it’s all worth it. Her expression, her reaction, she was crying all the time.

“She was in tears talaga.

“I’m glad she said yes.

“And she kept on talking, it’s so unreal.”

Isang 2-karat diamond ring ang ibinigay ni JC kay Bianca bilang engagement ring.



CLUELESS. Ayon kay Bianca, bago ang proposal, may hindi sila pagkakaintindihan o hindi pagkakaunawaan ni JC. Kaya wala raw siya kaide-ideya na magaganap ang naturang proposal.

“As in, zero clue. I really did not expect it.

“Especially because a week ago, we came pa from a big fight talaga.

“Akala ko... and the fight was my fault.

“Akala ko, sobra akong bad shot sa kanya.

“I really didn’t expect it, sobra,” pahayag ng TV host.

Sa parte naman ni JC, noong December pa raw niya pinaplanong mag-propose sana kay Bianca. Pero dahil parehong busy ang schedules nila noon ay hindi ito natuloy.

Ayon kay JC, “Last Christmas, I have no time to prepare and she wasn’t here in the Philippines.

“Last March 11, she just celebrated her birthday but she had so many plans. And I think, sobrang busy niya during that day.

“Sabi ko, sige, palipasin ko muna ang birthday niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinaymingan ko actually sa airport because Bianca loves to travel and we love travelling also together.

“So, I think, perfect na yung spot na yun sa airport.”



MORE SURPRISES. Hindi natapos sa nangyaring proposal sa airport ang mga sorpresa ni JC kay Bianca.

Sa mismong flight ni Bianca papuntang London, may tatlong notes pa si JC para sa kasintahan na inabot ng flight attendant sa TV host.

In-upload lahat ito ni Bianca sa kanyang Instagram.

Ang unang note base sa caption ni Bianca: “My fiancé is the sweetest part 1: during breakfast on the plane, I was served this note in a wine glass.”

Ang nakalagay sa note: “Thank You for saying YES my Love.”

Ang ikalawang note, ayon kay Bianca: “My fiancé is the sweetest part 2: around 5 hours into the flight, while eating my in-flight adobo lunch, this note came in another wine glass.”

Ang nakalagay sa ikalawang note: “I am the happiest man in the whole world right now.”

At ang ikatlong note: “My fiancé is the sweetest part 3: when I woke up on the plane, the pilot (yes, as in the pilot of the plane!!) comes out to talk to me and congratulate me, hands me JC’s passport holder (that I was borrowing from JC’s before I left pero he said no). and inside was his third and final note."

Ang nakalagay sa ikatlong note: “Let’s plan your dream wedding when you get back Sweetheart. I love you.”



WEDDING THIS YEAR. Sabi naman ni JC, “I don’t believe in long engagement.

“And personally, of course, I want to have my own family.

“We have short time to talk kanina after the proposal, ’After this, if it’s okay, we get married November or December.’

“Okay naman sa kanya and, for sure, masusunod yung girl sa wedding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ngang problema kay Bianca kung ngayong taon na rin sila magpakasal.

“If ever, yeah, why not? I said yes. Yeah. Sobrang surreal!” tila hindi pa rin makapaniwalang sabi ng TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN