Alwyn Uytingco finally gets a title role after 18 years in showbiz

Alwyn Uytingco on marrying girlfriend Jennica Garcia: “Well, kami kasi ni Jennica, matagal na kami. Four years na kami, at wala naman sigurong ibang pupuntahan kung hindi doon. We don’t know, we don’t know... I mean, ako, I just want to work right now, and I’m very busy with work. So, yung plano, nandiyan lang ‘yan. Siguro, with enough time, enough savings. Pero nandiyan ‘yan.”


Labing-walong taon na ang nakalilipas mula nang pasukin ni Alwyn Uytingco ang mundo ng showbiz.

Isinama na niya rito ang kanyang pagiging commercial model noong bata pa siya, hanggang sa makasama siya sa huling batch ng dating youth-oriented gag show ng ABS-CBN na Ang TV.

Pero sa loob ng labinwalong taon, ngayon pa lang siya nabigyan ng pagkakataong makagawa ng isang teleserye na siya ang bida at nasa title role.

Ito ay sa pamamagitan ng Beki Boxer, na magsisimula na sa March 31 sa TV5.

Ayon kay Alwyn, isa itong oportunidad na hindi niya inaasahang darating pa sa kanyang career.

“Hindi ko talaga ‘to ine-expect. I didn’t expect anything like this.

“And ako, I always pray kay Lord na bigyan lang ako ng work.

"And sa Tropa Mo ‘Ko [TV5 gag show], sobrang saya ko. Doon lang, kuntento na ako.

“Ganun ako, e. Gusto ko lang trabaho, gusto ko lang magtrabaho. Gusto ko lang masaya.

"And nakakatuwa lang, yung TV5, parang gusto nila akong bigyan ng chance na gawin ‘to.

“Lalo na akong sobrang thankful kay Lord, thankful sa TV5.”

Mas maganda ba yung attitude niyang kuntento na siya at hindi naghahangad na maging bida o maging title role?

Saad ni Alwyn, “Siguro maganda rin kasi hindi ka nag-e-expect.

“Ang title role, mahirap din, like dito sa Beki Boxer, hindi siya yung love story, doon ako kinabahan.

“But then again, part naman ang kaba sa lahat ng ginagawa natin.”

Hindi ba dumating ang punto na nagtanong siya noon kung bakit hindi siya nabibigyan ng lead role kahit na magaling naman siya?

“Hindi, e,” nakangiting sabi ng Kapatid actor.

“Ang gusto ko lang talaga, magkaroon ako ng chance.

“Ayan, may role, kahit ano pa siya, gagawin ko siya. Paglalaruan ko.

“Whether kontrabida o bida, gagalingan ko.”



PREPARATIONS. Malaki ang ipinayat ni Alwyn at bahagi raw ito ng ginawa niyang preparasyon para sa kanyang karakter sa Beki Boxer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kailangan talaga, kasi boksingero ako.

“I already lost ten pounds, pero minsan bumabalik-balik dahil hindi ako nakakapag-training.

“Pero dahil na rin sa training, kahit hindi ako required na pumayat, papayat talaga ko.

“Boxing din ang ginawa ko.”

Sa Beki Boxer, si Alwyn ang beki o bading na boksingero.

Minsan nang gumanap na bakla si Alwyn sa Ang Tanging Ina movie franchise, at isang bagay raw ito na hindi siya takot gampanan kahit pa natsismis na rin siyang bading dati.

Aniya, “Dati kasi, akala nila bading talaga ako.

“Pero yung reaksiyon na yun ng tao, tinanggap ko yun bilang compliment.

“Ibig sabihin, napapaniwala ko ang tao.

“And, I think, yun ang importante when you act—yung kumonek ang tao sa ‘yo.”



WEDDING TALK. Sa isang banda, hindi nawawala ang balitang may plano na raw siyang pakasalan ang girlfriend na si Jennica Garcia. Totoo ba ito?

Sagot ni Alwyn, “Well, kami kasi ni Jennica, matagal na kami.

“Four years na kami, at wala naman sigurong ibang pupuntahan kung hindi doon.”

Posibleng ngayong taon na ang kasalan?

Sagot ng 26-year-old actor, “We don’t know, we don’t know…

“I mean, ako, I just want to work right now, and I’m very busy with work.

“So, yung plano, nandiyan lang ‘yan.

“Siguro, with enough time, enough savings. Pero nandiyan ‘yan.”

Ang maganda sa kanila, kahit nagsimula ang relasyon nila na maraming intriga noong una, nagawa nila itong pagtibayin.

Saad ni Alwyn, “Hindi rin madali.

“Sabi nga ni Kuya Bayani Agbayani, nobody’s perfect.

“Mahalaga talaga na kilala niyo ang isa’t isa at alam niyo kung sino ang paghuhugutan niyo ng lakas.”

Parehong Christian sina Alwyn at Jennica bilang mga miyembro ng Victory Christian Fellowship.

Kapag napag-uusapan nila ang kasal, magkaiba raw sila ng gustong lugar na pagdadausan nito kung sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alwyn, “Ako kasi, gusto ko beach wedding.

“Pero ayaw niya ng beach kasi mainit. Mas gusto niya, garden.

“So, siyempre, ako ang mag-a-adjust.

“Pero wala pa, wala pa talaga.”

Kung sakaling magpakasal sila, okay lang bang tuluy-tuloy pa rin sa pag-aartista si Jennica?

Sagot ni Alwyn, “Kung bibigyan siya ng work, bakit hindi?

“Para sa amin, ang work, blessing ‘yan kay Lord.

“Kapag dumating, tanggap lang.”



NETWORK TRANSFER. Sa isang hiwalay na interview ay inamin ni Jennica na lilipat na siya ng network pagkatapos ng kasalukuyang umeereng teleserye ng GMA, ang Carmela.

Read: Jennica Garcia to leave GMA after non-renewal of her contract

Tinanong namin si Alwyn kung saang network lilipat si Jennica—sa ABS-CBN ba o sa TV5?

Sagot niya, “Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin namin at pinag-iisipang mabuti.

“Especially siya, pinag-iisipan niya kung ano ang the best na next step niya para sa career niya.

“Sa ngayon, hindi pa siya sure, wine-weigh pa niya.”

Aware ba si Alwyn na may ilang nanghihinayang kay Jennica dahil parang kuntento na ito sa pagiging suporta sa mga teleserye?

Pahayag ng aktor tungkol ditto, “Alam niyo po kasi, si Jennica, doon kami nagkakaparehas.

“Siya, kahit anong ibigay mo sa kanya, as long as gusto niya ang character, ang story, gagawin niya, e.

“Hindi ko rin naman siya pipigilan kung dumating sa point na ayaw na niyang mag-artista.

“Dahil kung yun ang plano sa kanya ni Lord, hindi ko pipigilan yun.

“Lalo na ngayon, nahihilig siya sa pagbi-bake.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN