James Yap on rumored Kris Aquino-Herbert Bautista romance: "Sana masaya siya, kung totoo man talaga."

James Yap on ex-wife Kris Aquino: “Sabi ko nga sa kanya, stay in love! Sabi ko nga, niloloko ko pa siya, thank you sa lalaki kung sinuman na nagpapasaya sa kanya. Sinabi ko ‘yon sa kanya.”


Usap-usapan ngayon ang diumano’y namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kaya naman ito ang isa sa mga itinanong sa dating asawa ni Kris na si James Yap sa announcement of winners para sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013, kahapon, March 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si James ang nanalong Male Newsmaker of the Year.

Reaksiyon ng San Mig Coffee Mixers player tungkol sa balitang pagkakamabutihan nina Kris at Herbert, “Well, wala naman.

“At least, ‘di ba? Sana masaya siya, kung totoo man talaga.

“Ganun naman talaga ang buhay, e. Kailangan happy lang, ‘di ba?”

So, okey sa kanya si Herbert para kay Kris?

“Ayoko na pong makialam sa ganung bagay. Bahala na po siya,” iwas ni James.

Nabanggit ni James sa isang interview sa kanya noong nagkita sila ni Kris sa Makati Regional Trial Court—para sa visitation rights ni James sa anak na si Bimby—napansin nga niyang parang in love ang dating asawa.

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

That time, may idea na ba siya kung sino?

Sagot ni James, “Wala akong idea. Dahil kasi… wala naman siyang sinabi sa akin na pangalan.

“Pero sinabi lang niya sa akin na politician.”

Nagulat ba siya sa nabanggit na iyon ni Kris sa kanya?

“Actually, hindi na naman ako nagugulat na, e.

“Basta kung saan siya masaya… maganda ‘yon dahil happy ang buhay niya, ‘di ba?”

Naniniwala ba siya sa napapabalita ngang Kris-Herbert romance?

Sagot ni James, “Ay, hindi na po ako nakikialam. Hindi po ako makikialam dun.

“Kung totoo, e, di mas okey. Kung hindi, hindi natin… ‘di ba?

“Hindi ko man alam, basta ang mahalaga kasi is kailangang maging masaya siya sa buhay niya.

“Para masaya lahat, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ASKING BIMBY. Pero totoo nga bang tinanong niya ang anak na si Bimby kung sino talaga ang idini-date ni Kris ngayon?

Natatawang sabi ni James, “Well, niloloko ko lang yung anak ko!

“Niloloko ko lang yung anak ko na, ‘O, sino yung idini-date ng mom mo?’

‘“Tapos sabay sabi niya, ‘Secret!’ Tsismoso!

“Pero last Friday na nagkita kami ng anak ko, siya na mismo ang nagsabi sa akin kung sino.

“’Tapos sabay sabi sa akin ni Bimby, ‘Joke lang!’

“After naming mag-swimming, sinabi sa akin ni Bimby na ano… ito nga, si ganito, ganyan.

“Pero hindi ko puwedeng sabihin kung sino. Secret!

“Ayoko lang makialam, ’no. Mamaya magalit pa sa akin si Kris, ‘di ba?”

Pero politician talaga ang bagong lovelife ni Kris, gaya ng naunang nasabi niya?

“Nasabi ko ba na politician? Baka sa ibang bansa!” palusot naman ni James.

“Baka sa ibang bansa na politician, ‘di ba?

“Hindi ko sinabi na dito, ha! Oo, wala akong sinabi!”



CURRENT RELATIONSHIP. Matapos ba ang pagkikita nilang iyon ni Kris sa korte, regular na ang kanilang communication?

Saad ni James, “Well, sa totoo lang, hindi kami nag-uusap talaga.

“Dun lang kami nag-usap nung magkita kami sa Makati Trial Court.

“’Yon lang, iyon ang first time namin na mag-usap.”

How would he describe his relationship with Kris nowadays?

Saad ni James, “Madi-describe ko na okey naman kami. Okey na hindi kami nag-uusap.

“Mas maganda na lang yung gano’n para iwas na lang sa gulo.

“And alam namin ang isa’t isa na naka-move on na kaming dalawa.

“And the ang focus na lang talaga namin is yung anak namin, kung papano namin papalakihin.”

Ngayon ay puwede na ngang makasama ni James ang anak niya kay Kris na si Bimby isang beses sa isang linggo.

Every Friday ang napagkasundaang araw ng kanilang pagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking tulong ba na may lovelife ngayon si Kris para maging positibo ang pakikitungo ng dating asawa sa kanya?

“Sabi ko nga sa kanya, stay in love!” sabay tawa ni James.

Ano naman ang reaksiyon ni Kris?

“Wala. Alam mo naman si Kris, gaganyan-ganyan lang. Ngiti-ngiti lang.

“Sabi ko nga, niloloko ko pa siya, thank you sa lalaki kung sinuman na nagpapasaya sa kanya.

“Sinabi ko ‘yon sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN