James Yap tries to exert more effort to bond with son Bimby despite seeing him only once a week

James Yap on possibility of communicating with ex-wife Kris Aquino without their legal counsels: “Mangyayari at mangyayari ‘yan dahil may anak kami. Hindi puwedeng ganito na lang habang buhay dahil siyempre, may anak kami. Kung anuman ang problema sa anak namin, kung may problema ang anak namin, kami pa rin ang mag-uusap.”


Dumalo ang basketball superstar na si James Yap sa presscon para sa announcement ng winners sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013 kahapon, March 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si James ang nanalo sa kategoryang Male Newsmaker of the Year.

During the presscon proper ay natanong si James tungkol sa reaksiyon niya sa sinabi ng dating asawang si Kris Aquino na kailangang mag-exert ng effort ang basketbolista upang mapalapit nang husto sa kanilang anak na si Bimby.

Read: Kris Aquino says James Yap should exert more effort to bond with Bimby

Pahayag ni James tungkol dito, “Ginagawa ko yung kaya ko, hangga’t kaya ko.

“Kasi mahirap din naman na once a week lang. Once a week ko lang nakikita ang anak ko.

“So, medyo mahirap yun.

“Kailangan talaga double effort talaga.

“And ginagawa ko naman yung part ko as a father na mapalapit yung anak ko.”

Patuloy niya, “And then, hindi ko naman sinasabi kung ano ang ginagawa namin every Friday, kaya ngayon sasabihin ko na para alam nyo.

“Nag-swimming kami… kumbaga, naghahabulan kami.

“Alam mo yung bonding talaga para maging athletic yung anak ko.

“Talagang pinahahabol ko siya. Talagang naghahabulan kami, takbuhan.”

Nandun pa rin ba yung financial support niya kay Bimby? Hindi ba siya nagkukulang dito?

“Hindi naman ako nagkulang…” tugon niya.



FAMILY AFFAIRS. Bagamat nakakasama na ni James si Bimby, hindi pa rin siya maaaring makalapit kay Kris dahil sa Permanent Protection Order (PPO) na hiniling ng TV host-actress sa korte laban sa dating asawa.

Pero may activities si Bimby na kailangan ang presence ng parehong magulang. Napag-uusapan na ba nila ang tungkol dito?

Napaisip si James nang ilang segundo at saka nagsalita.

Saad niya, “Alam mo, sa totoo lang, hindi talaga napag-usapan yun na kapag may event yung anak ko, kailangan…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, ‘no? Kailangan ko talagang iano yun, i-consult sa lawyer ko.”

Siyempre, may pagkakatong gusto rin ni Bimby na kumpleto sila sa mga ganung pagkakataon.

Pahayag ni James, “Well, oo. Hindi natin… siyempre lumalaki na yung anak namin. And then, siyempre nagkakaisip na.

“’Tapos makikita niya yung classmates niya, kumpleto yung pamilya.

“Siyempre, baka parang magtataka siya kung bakit, ‘di ba?

“Sana nga maayos yung ganitong…

“Tama nga, ayusin ko ito para, kumbaga, si Baby James, maano yung loob niya na kumpleto pa rin ang pamilya niya.”



BONDING MOMENTS. Naikuwento ni James sa presscon proper na para makuha niya uli ang loob ni Bimby, sa unang araw ng pagkikita nilang muli, una muna niyang pinasakay si Josh sa kanyang motorsiklo.

Si Josh ang panganay na anak ni Kris.

At nang makita ni Bimby ang kanyang kuya, sumakay na rin ito at tatlo na sila sa motorsiklo.

Mukhang meron din silang bonding ni Josh?

Saad ni James, “Si Josh naman, nung dumating ako sa buhay ni Kris, maliit pa ‘yan.

“And then, nakikita ko na talagang sweet na bata at sobrang bait.

“Kahit na ganyan siya, pero sobrang bait at malambing na bata.

“E, napamahal na rin ako sa kanya.

“Kumbaga, masaya rin ako na isinasama si Josh kapag nagkikita kami ng anak ko, si Bimby.

"At least, kahit paano, nakakasama ko pa rin si Josh."

Nabanggit din ni James na once a week lang niya nakikita ang kanyang anak. Mayroon pa bang restrictions pagdating sa visitation rights niya kay Bimby?

Tugon niya, “Wala naman, wala naman.

“Basta ang napagkasunduan lang is every Friday.

“And then, wala namang ibang… sana madagdagan [yung visitation day]. Depende naman…

“Actually, napag-usapan naman na depende sa anak ko kung gusto niyang makita ako, hindi lang every Friday.

“Depende na sa anak ko.”

Ngayong Holy Week ba ay posible niyang makasama sa bakasyon si Bimby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, well, napag-usapan yun. And then, doon kasi parang manggagaling pa rin sa anak namin kung gusto niya.”

May naiisip na siyang pupuntahan nila ni Bimby?

Sabi ni James, “Nagpapaano na ako, nagpapahaging ako.

“And then, sa ngayon, medyo okey naman.

“And then, wala. Dito lang-dito lang sa Manila.

“Dahil hindi puwedeng ilipad,” na ang tinutukoy niya ay dalhin sa ibang bansa ang anak.



JAMES’S GIRLFRIEND. Naipakilala na ba ni James kay Bimby ang Italian girlfriend niyang si Michaela Cazzola?

Sabi ng PBA player, “Sa totoo lang, hindi pa.

“Siyempre, unahin ko muna ang sarili ko na kailangan maging close kami ng anak ko.

“Si Mic kasi… saka ka na lang. Unahin ko muna na maging close kami ng anak ko.

“And naintindihan naman niya.”

Masasabi ba niyang bumalik na uli ang closeness nila ni Bimby?

“Konti,” sambit ni James.

“Masaya ako sa nangyayari sa aming dalawa ngayon.

“Kahit paano, nakikipagkuwentuhan na siya sa akin. Kahit paano, lumalapit na sa akin.

“Kasi nung hindi nagkikita, talagang masakit sa loob, masakit sa puso na hindi lumalapit sa iyo ang anak mo.

“At least ngayon, lumalapit na ngayon, kaya masaya.”



NEWSMAKER OF THE YEAR. Nagwagi si James bilang Male Newsmaker of the Year sa PEPsters’ Choice Awards dahil sa isyung kinasangkutan nila ng dating asawang si Kris Aquino noong 2013, kaugnay ng custody battle nila para sa anak na si Bimby.

Ngunit gaya ng alam ng lahat, nagkaayos na ngayong taon ang dating mag-asawa.

Naisip niya ba na kung hindi dahil kay Kris ay hindi niya makukuha ang award? Nagpapasalamat din ba siya sa dating asawa?

“Dapat ba?” natawang sabi ni James.

“Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito, e. Hindi naman ako sanay sa ganito.

“So, sa lahat ng naniniwala sa akin, thank you. Thank you at pinili nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”

Maituturing niya bang malaking bahagi si Kris sa pagiging Newsmaker of the Year niya?

“Oo siyempre, at sa lahat na rin. Sa lahat ng naniniwala sa akin.”

Kailan kaya darating yung panahong makakapag-usap sila ni Kris na walang mga legal counsel o abugadong pumapagitna sa kanilang dalawa?

“’Yan ang hindi ko masasagot kung kailan,” sabi ni James.

Inaasam niya ba ito?

Sagot niya, “Mangyayari at mangyayari ‘yan dahil may anak kami.

“Hindi puwedeng ganito na lang habang buhay dahil siyempre, may anak kami.

“Kung anuman ang problema sa anak namin, kung may problema ang anak namin, kami pa rin ang mag-uusap.”

Gumawa ba siya ng paraan para kausapin si Kris na silang dalawa lang muna at walang abugado?

“Alam mo, sa totoo lang, may PPO. Hindi ako puwedeng lumapit sa kanya.

“Kahit nandito tayo sa loob at nandun siya, hindi ako puwedeng lumapit.

“Kasi mamaya, hindi ko alam, ma-contempt ako or ano… hindi ko alam.”

Maging ang gag order ay naka-implement pa rin sa kanila, kaya hiniling na lang ni James na huwag na itong idetalye sa media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN