Kris Aquino says James Yap should exert more effort to bond with Bimby

Kris Aquino on bonding between ex-husband James Yap and their son Bimby: “That’s one thing na harutan na panlalaki where it’s not within my capacity. So, I hope yung every Saturday na pagkikita nila, sana um-exert ng effort, because hindi mo maibabalik itong moments na ito, so that they’ll have happy memories together. Or kung hindi man maganap ‘yon, may God bless me with a partner who will be willing to do that in God’s time.&


Sinabi ni Kris Aquino na dapat ay magbigay pa ng effort ang dating asawang si James Yap pagdating sa pakikipag-bonding sa kanilang anak na si Bimby.

“Dapat um-effort si James, naghahanap talaga si Bimb [Bimby] ng masculine companionship and playmate,” pahayag ni Kris sa kanyang morning show na Kris TV ngayong araw Martes, March 18.

Sinabi ito ni Kris habang pinapanood si Bimby at ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga na naglalaro sa pool ng resort sa Palawan na featured sa nasabing episode ng kanyang programa.

Sabi pa ni Kris, “Naaawa ako, kailangan talaga [ng bonding ni Bimby with his father].”

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang ianunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram account (@krisquino214) na nagkasundo na sila ni James, at puwede nang makita ng basketball player si Bimby ng isang beses sa isang linggo.

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

Kinumpirma naman ni James sa isang press conference na nagsimula na ang weekly bonding nila ni Bimby noong March 7.

Read: James Yap begins weekly bonding with Bimby



QUALITY TIME. Sabi pa ni Kris sa Kris TV kanina: “I hope ang magkaroon ng realization, yung father ni Bimb, na sana mag-exert siya ng effort na gawin ‘yon.

"Kasi yun yung one thing na hindi ko talaga kaya no matter how much I love my sons.

“That’s one thing na harutan na panlalaki where it’s not within my capacity.

“So, I hope yung every Saturday na pagkikita nila, sana um-exert ng effort, because hindi mo maibabalik itong moments na ito, so that they’ll have happy memories together.”

Dugtong pa ng TV host-actress, “Or kung hindi man maganap ‘yon, may God bless me with a partner who will be willing to do that in God’s time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN