Vice Ganda says meeting Senator Nancy Binay was not awkward

Ikinuwento ni Vice Ganda ang biglaang pagkikita nila ni Senator Nancy Binay sa isang birthday party, ito ay pagkatapos ng isyung kinasangkutan nila noong 2013 elections.


Noong March 25 ay nag-post si Vice Ganda sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Senator Nancy Binay.

Read: Vice Ganda posts photo with Senator Nancy Binay on Instagram

Ito ay hudyat ng pagwawakas ng kanilang hidwaan na nag-ugat noong 2013 elections pagkatapos kuwestyunin ni Vice ang kakayahan ni Nancy, na tumatakbo pa lang noon sa senatorial race.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice, nagkuwento ang comedian-TV host/comedian sa naging pagtatagpo nila ng senadora sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng mga intriga noon sa kanila.

“Nagkita kami sa birthday ni Bernard Cloma, nagkita kami ni Senator Nancy Binay.

“Nandun siya, nauna siyang dumating sa akin.

“Pareho kasi naming kaibigan si Bernard Cloma, e, pareho niya kaming bisita.

“Nung dumating kami dun, inilapit siya sa akin ni Bernard. Kumakain nga siya, inistorbo siya ni Bernard.

“Ipinakilala siya sa akin, sabi niya, ‘Hi, Vice, nice to meet you.’

“Sabi ko naman, ‘Nice to meet you po.’

“Oo, picture, kasi magkakasama kami sa isang table, e.”

Ayon pa kay Vice, wala naman silang masyadong napag-usapan ng senadora.

“Okay naman siya. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan.

“Hindi naman kami yung clumosing. Nagkasama lang kami sa isang event.

“Mabait naman, pleasant. Chika lang naman siya.”

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila noon ni Senator Nancy ay wala naman daw siyang pagkailang naramdaman nung nagkita at nagkasama sila sa isang mesa.

“Walang awkward or anything. Masaya yung mood kasi.”

Hindi raw hiningi ni Vice ang number ni Senator Binay dahil ayaw naman niyang isipin nito na nagpi-feeling close siya agad.

“Ay, hindi. Nakakahiya naman, baka sabihin masyado naman akong assuming na close agad.”

Okay lang bang mag-guest ang senadora sa show niyang Gandang Gabi Vice, kung saan ilang pulitiko na rin naman ang naging panauhin na rin sa show niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vice, “Siyempre pag ako ang tatanungin, gusto ko.

“Pero siyempre, depende yun sa availability niya pa rin bilang senadora siya at marami din naman siyang pinagkakaabalahan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN