Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?

Maugong ang balitang break na naman diumano ang Kapuso stars na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda. At sa pagkakataong ito, ang naituturong dahilan ay ang leading man ni Louise sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica.


Maugong ngayon ang usap-usapang break na diumano sina
Louise delos Reyes at Enzo Pineda.

At ang itinuturong dahilan ng kanilang breakup ay ang leading man ni Louise sa teleseryeng Kambal Sirena—si Aljur Abrenica.

Maging sa StarTalk kahapon, March 30, ay naging topic ito at ang nagbanggit tungkol dito ay ang isa sa mga host na si Lolit Solis.

Kinumpirma naman ng isang mapagkakatiwalaang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang ito.

Ayon sa source, si Louise ang nakipag-break kay Enzo.

Nangyari raw ang breakup ng dalawa noon lamang Sabado, March 29.

Kaya kahapon, Linggo, March 30, ay hindi na raw nagkikibuan sina Louise at Enzo sa Sunday All Stars, kung saan parehong regular performers ang dalawa.

Noong Huwebes, March 27, ay nagkaroon pa ng pocket presscon sina Louise at Aljur sa GMA Network Center para sa Kambal Sirena.

Tinanong dito si Louise kung nagseselos ba si Enzo kay Aljur.

Sagot ni Louise, hindi raw dahil secure ang kasintahan sa relasyon nila.

Read: Louise delos Reyes feels secure in relationship with boyfriend Enzo Pineda

Dagdag pa ng PEP source, nakita niyang magkasama sina Louise at Aljur sa event ng Ducati, sa Eastwood City, noong Huwebes ng gabi, March 27.

Mula naman sa isa pang source, nakita rin ang dalawa sa Subic, Olangapo, noon ding Huwebes ngunit magha-hatinggabi na raw ito.

Hindi nabanggit ng source na ito kung sa isang resort, restaurant o hotel niya nakita sina Louise at Aljur.

Pero sigurado siyang sina Louise at Aljur ang mga ito.

Sinubukan naming kunin ang side ni Enzo tungkol sa isyung ito, ngunit ayaw pa nitong magsalita dahil medyo nabigla raw siya sa mga nangyari.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-break sina Louise at Enzo.

Nagkahiwalay na ang dalawa noong 2013 ngunit nagkabalikan din pagkalipas ng ilang buwan.

Sa pagkakaalam naman ng PEP, si Aljur pa rin at ang kasintahan nitong si Kylie Padilla, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN