PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elmo Magalona takes steps to be more open about his feelings for Janine Gutierrez

If he had his way, Elmo Magalona would have brought home to Janine Gutierrez a twig of cherry blossoms from his Japan trip.
by Ruben Marasigan
Published Apr 8, 2014
Elmo Magalona on Janine Gutierrez bashers, the die-hards of his previous loveteam with Julie Anne San Jose: “Sana walang mga gano’n... ayaw namin ng mga away-away. Sa good vibes lang ako dumidikit palagi. And ‘yon din ang sinasabi ko kay Janine.”

Kababalik lang sa Pilipinas ni Elmo Magalona galing sa ilang araw na bakasyon sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya.

“First time naming lahat actually na makapunta sa Japan.

“Masaya, sumabay kami sa panahon na iyong cherry blossom nagbu-bloom yung mga sakura [flowers] doon,” sabi ni Elmo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, April 6.

Originally ay ang mga kapatid ni Elmo na sina Maxene at Saab lang daw ang magkasama sa biyaheng ito.

“Biglang naging family trip na siya.

"Nandun na yung opportunity na pupunta sa Japan, so, why not?" sabi ng young actor-rapper.



SAAB ENGAGED. At nataon din na sa Japan nag-propose sa sister niyang si Saab ang boyfriend nitong si Jim Bacarro na ikinagulat ng buong Magalona family.

Read: Saab Magalona now engaged to musician Jim Bacarro

“Actually, sobra akong natutuwa para sa kanya.

"At nun ngang nalaman ko do’n na may mag-i-engage na at may magpu-propose sa kapatid ko, parang, 'Ang tanda na pala nila!'” sabay tawa ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa niya, “Dati, kasama ko lang sila sa bahay.

"Ngayon, magsisimula na sila ng bagong pamilya.

“So, ako, parang… kasi madalas sa pamilya namin puro kulitan lagi.

"Pero when it comes to these things na medyo seryoso naman, ako, sobrang natutuwa ako kapag may nangyayaring gano’n sa family."

THE PROPOSAL. Ikinuwento ni Elmo sa PEP kung paano nag-propose ang kanyang future brother-in-law kay Saab.

“Bago yung proposal, si Jim, lumapit muna siya kay Mom [Pia Magalona].

"Nag-usap daw sila, mahabang usapan.

“And, ‘yon! Sabi nga ni Saab, parang may feling daw siya na mangyayari ‘yon.

“Hindi lang daw niya alam kung kailan o kung sa paanong paraan mangyayari ‘yon.

“And ako, hanga rin ako kay Jim. Ipinakita niya talaga how important Saab is to him, na gusto niya talaga.

"Magsisimula na siya ng future with her and that makes me happy na nakahanap ng gano’n si Saab.”



MEMORABLE. Hindi naman daw nakaabala ang Japan trip ni Elmo sa kanyang trabaho sa Villa Quintana, ang afternoon soap na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung pag-leave ko naman, wala namang natamaang taping day para sa akin."

Dagdag pa niya, “So far, ito ang most memorable travel for me.

“Kahit ilang beses akong kumain doon, hindi ako nag-gain ng weight kasi sobra-sobrang lakad.

“Do’n kami nag-ikot-ikot sa Tokyo, nagpunta kami sa cherry blossoms farm.

“'Tapos tumikim kami ng iba’t ibang ramen, yung curry at saka yung katsudon… mga gano’n.

“Ang dami naming napasyalan, sinulit naming yung buong Japan trip.”

JANINE. Ano ang kanyang pasalubong sa napapabalitang girlfriend niyang si Janine Gutierrez?

“Sana nga, cherry blossom,” nangiting sagot ni Elmo.

“Pero bawal magdala no’n dito.

“Hindi siya katulad ng sampaguita na puwede kang kumuha o pumitas ng gano’n.”

Mula nang lumabas ang isyung nagkakamabutihan na sina Elmo at Janine, balitang mas lalong dumami ang bashers ng young actress.

Marami raw kasi sa mga tagasuporta ng dating loveteam nina Elmo at Julie Anne San Jose ang hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibitaw sa pagnanais na muling pagtambalin ang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Elmo tungkol dito, “Naririnig ko rin nga po ang tungkol do’n.

“Sana walang mga ganun. Because kami naman, wala kaming pinu-promote na mga away-away.

"Hindi gano’n ang gusto naming mangyari, ayaw namin ng mga away-away."

Narinig na ba niyang nag-complain si Janine hinggil dito?

Sabi ni Elmo, “Hindi naman, aware lang siya na may gano’n, pero hindi naman siya nagpapaapekto.

“Sana hindi maging personal kung anuman yung mga nararamdaman nila.

“Basta sana walang mag-spread ng bad vibes, sana good vibes lang palagi.

“Hindi ko ini-entertain ang bad vibes. Sa good vibes lang ako dumidikit palagi.

“And ‘yon din ang sinasabi ko kay Janine.”

OPENING UP. Hindi naman daw apektado si Elmo sa mga sinasabi ng mga hindi pabor kay Janine para sa kanya.

“Hindi naman, marami din namang sumusuporta sa aming dalawa.

"Yun na lang ang mas pinapansin ko.

“Masaya rin nga kami ni Janine na hanggang sa ngayon, marami pa rin ang sumusubaybay sa Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, sobra akong natutuwa na araw-araw pinapanood nila.

"Napakaganda ng kuwento at kaya pang humaba ng ilang buwan pa ang Villa Quintana.

“At marami pa pong dapat abangan, kasi may mga papasok pa pong mga bagong characters.”

Ano sa palagay niya ang magandang naidulot ng pagiging open nila ngayon ni Janine hinggil sa estado ng pagtitinginan nila?

Sagot ni Elmo, “Nakakagaan ng loob when you’re open.

"And mas connect ka with people.

“Kasi kapag hindi, madi-distract ka, maraming papasok sa utak mo.

“So ako, as much as possible, I open up to people now.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elmo Magalona on Janine Gutierrez bashers, the die-hards of his previous loveteam with Julie Anne San Jose: “Sana walang mga gano’n... ayaw namin ng mga away-away. Sa good vibes lang ako dumidikit palagi. And ‘yon din ang sinasabi ko kay Janine.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results