PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikki Gil happy but secretive about growing romance with non-showbiz suitor

Named and identified, restaurateur and marketing executive BJ Albert is the suitor and constant companion of Nikki Gil who won't reveal anything more.
by Rachelle Siazon
Published Apr 8, 2014
Nikki Gil is looking radiant and slimmer these days, and she's not telling if her blooming romance with a non-showbiz suitor is the reason. “Ay, grabe naman yun! Basta, ayoko na muna mag-share ng detalye. Basta happy ako. I have a happy heart,” says the actress-TV host.

Nananatiling mailap si Nikki Gil, 26, pagdating sa estado ng relasyon nila ng non-showbiz guy na ilang buwan na niyang madalas ka-date.

Ito ang pahayag ni Nikki nang direktang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung napasagot na ba siya ng “oo” ng kanyang manliligaw:

“Ay, grabe naman yun! Basta, ayoko na muna mag-share ng detalye. Basta happy ako. I have a happy heart."

Hindi naman niya itinanggi na kung wala rin lang siyang trabaho ay lumalabas pa rin sila ng kanyang non-showbiz suitor.

“Gano’n pa rin, date-date. Hashtag ‘pag may time,” nakangiting sabi ng Kapamilya actress-TV host.

Nakausap ng PEP si Nikki sa media launch ng analog hours campaign ng McDonald’s at Coca-Cola sa Centris, Quezon City branch ng nabanggit na fast food chain kahapon ng tanghali, April 7.



HINTS. Sadyang matipid ang sagot ni Nikki tuwing natatanong siya ng media tungkol sa bagong lalaking nauugnay sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangga’t maaari ay nais ng dalaga na maging pribado ang kanyang buhay-pag-ibig para na rin makaiwas ng intriga.

Ang tanging detalye na nabanggit ni Nikki ay 29 years old ang kanyang non-showbiz suitor, pareho silang graduate ng Ateneo De Manila University, at nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang common friends.

Read: Nikki Gil admits dating non-showbiz guy

Hindi pa rin nagpo-post si Nikki ng larawan nila ng binata sa kanyang Instagram account (@nikkigil) hanggang sa ngayon.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiwasang magkaroon ng ideya ang publiko kung sino ang non-showbiz suitor ng actress-TV host, lalo pa’t ilang beses na rin silang namataang magkasamang nagde-date.



ID'd. Patunay nito ang group photo na ibinahagi ni Paolo Valenciano, isa sa mga kaibigan ni Nikki, sa Instagram dalawang buwan na ang nakararaan.

Kalakip nito ay ang caption na may mga katagang: “quadruple date.”

Ang katabing lalaki ni Nikki na nakasuot ng salamin, na nagngangalang BJ Albert, ang sinasabing suitor ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan na ring nag-post ang isa pang malapit na kaibigan ni Nikki, si Patty Laurel, ng group photo kung saan naroon din sina Nikki at BJ, ngunit deleted na ang naturang larawan ngayon.

Ayon sa pagsasaliksik ng PEP, Psychology graduate ng Ateneo si BJ at kasalukuyang co-owner ng isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Bukod dito, nagtatrabaho si BJ bilang finance and marketing director ng isang local real estate developer.

Ang mga magulang ng binata ay parehong top executives ng isang kilalang shoe brand sa bansa.

SO OVER IT. Ang patuloy na blooming lovelife ni Nikki ay patunay lamang na talagang naka-move on na ito sa hiwalayan nila ng dati niyang nobyo na si Billy Crawford.

Kinumpirma naman ito ng actress-TV host nang tanungin siya ng isa pang entertainment reporter hinggil sa isyu.

Sabi ni Nikki, “It feels like such a long time ago. Mag-iisang taon na.

“Nasabi ko na lahat ng puwede kong sabihin about it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I’m fine. I’m okay.

“I think a lot of people are still concerned.

"Thank you. I appreciate it. But I’m okay."

Si Billy ay nakarelasyon ni Nikki sa loob ng anim na taon. Naghiwalay sila bandang July 2013.

Sa kasalukuyan, si Billy ay nanliligaw sa kanyang It’s Showtime co-host na si Coleen Garcia.

Read Next
Read More Stories About
Nikki Gil, Nikki Gil BJ Albert
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Gil is looking radiant and slimmer these days, and she's not telling if her blooming romance with a non-showbiz suitor is the reason. “Ay, grabe naman yun! Basta, ayoko na muna mag-share ng detalye. Basta happy ako. I have a happy heart,” says the actress-TV host.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results