PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson happy about Kim Chiu-Maja Salvador reconciliation

Gerald Anderson also settles issue with ex-girlfriend Kim Chiu.
by Melba R. Llanera
Published Apr 8, 2014
Gerald Anderson on winning Best Supporting Actor in Gawad PASADO for On The Job: “It’s another achievement, sana magkaroon pa ng mas marami pa. Hangang ngayon di pa rin natatapos, humahakot kasi ng award yung OTJ. The fact na kasama ako sa project, sana makasama uli ako sa ganung klaseng project in the future.”

Masaya si Gerald Anderson sa pagkakaayos ng current girlfriend niyang si Maja Salvador at ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Matatandaang noong 2013 ay nagkaroon ng alitan sa pagitan ng magkaibigan at Kapamilya actresses nang magkaroon ng ugnayan si Maja kay Gerald, na dati ngang boyfriend ni Kim.

Ngunit nito lamang nakaraang linggo ay tinapos na nina Kim at Maja ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Read: Kim Chiu and Maja Salvador finally settle their issue

Pahayag ni Gerald tungkol sa pagkakabati ng dalawa, “Oo naman, sobrang masaya ako, sobra.

“Wala namang gusto na may kaaway, ‘di ba?

“You want peace for everyone.

“Masaya, yun lang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa ASAP noong Linggo, April 6.

Ngayong nagkaayos na sina Kim at Maja, sa palagay ba ni Gerald ay may posibilidad na maibalik ang pagiging malapit na magkaibigan ng dalawa?

Tugon niya, “Hindi na ako ang dapat tanungin niyan, sila na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang importante na lang, ayos na ang lahat.”

Kasunod ng pagkakaayos nina Kim at Maja ay ang pagkakasundo na rin nina Gerald at Kim.

Namataan ngang nag-uusap ang dalawa sa event ng Dreamscape unit ng ABS-CBN noong March 30.

Pero sabi ni Gerald tungkol dito, “Siyempre dahan-dahan lang muna. Step by step.”



ANNE CURTIS. Samantala, ang co-star ni Gerald sa Dyesebel na si Anne Curtis ay nakagat ng box jellyfish o dikya habang nagte-taping ng kanilang fantaserye sa Batangas noong April 3.

Read: Anne Curtis on box jellyfish sting: “I thought I was going to die.”

Ano ang reaksiyon dito ng Kapamilya hunk?

Sabi niya, “I guess ganun talaga, siyempre nagte-taping kami sa dagat, siyempre di namin hawak ang kalikasan, ang mga hayop dun.

“But siyempre nakakatakot, nakakalungkot.

“But, at the end of the day, alam niyo naman na gusto na ni Anne na bumalik sa taping para makapagbigay-saya kami sa tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalaman daw ni Gerald ang nangyari kay Anne isang araw pagkatapos ng insidente.

Kuwento niya, “Nasa taping ako, pero sa other set. Nalaman ko na lang the following day.

“It’s one of the most dangerous creatures sa dagat… one of the most dangerous jellyfish daw yun.

“She’s a strong girl and she will survive.

“Naka-text ko [si Anne] and sinabi din niya na she’s better, and that’s good.

“Sa awa ng Diyos, okay siya.”



ACTING AWARD. Ikinatutuwa naman ni Gerald ang pagkapanalo niya bilang Pinakapasadong Katuwang Na Aktor (Best Supporting Actor) sa Gawad PASADO para sa pagkakaganap niya sa On The Job.

Sabi niya, “It’s another achievement, sana magkaroon pa ng mas marami pa.

“Hangang ngayon di pa rin natatapos, humahakot kasi ng award yung OTJ.

“The fact na kasama ako sa project, sana makasama uli ako sa ganung klaseng project in the future.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on winning Best Supporting Actor in Gawad PASADO for On The Job: “It’s another achievement, sana magkaroon pa ng mas marami pa. Hangang ngayon di pa rin natatapos, humahakot kasi ng award yung OTJ. The fact na kasama ako sa project, sana makasama uli ako sa ganung klaseng project in the future.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results