Sam Concepcion confirms confrontation with Anne Curtis; says "all is well" now between them

Sam Concepcion on confrontation with Anne Curtis, sister of Sam’s rumored girlfriend Jasmine Curtis Smith: "We all didn’t expect it to happen. It was a surprise. We did talk. Nag-usap nga kami. There was a confrontation that happened but, you know... ‘buti diyan kasi, I really understand... I understand where she’s coming from and nagkakaintindihan rin kaming dalawa ni Anne, so..."


“All is well...”

Ito ang panimulang pahayag ni Sam Concepcion nang tanungin tungkol sa isyu nila ni Anne Curtis.

Matatandaang unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa naging kumprontasyon sa pagitan nina Sam at Anne sa birthday party ni Vice Ganda, noong madaling-araw ng March 31, sa 71 Gramercy, Makati City.

Read: PEP SCOOP. Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: “You’re not even classy enough to be here!”

Kaninang tanghali, April 10, dinumog ng media ang press conference ng Chef’s Noodle, kung saan si Sam ang endorser.

Ito ang unang pagkakataon na humarap sa media ang Stages at Star Magic talent pagkatapos pumutok ang isyu sa kanila ng prized talent ng VIVA Artists Agency.

Sa simula, puro tungkol sa Korean restaurant na iniendorso ni Sam ang tanong ng reporters na dumalo, hanggang sa nadako ang usapan sa: Sino ang mga isasama niyang kumain sa Chef’s Noodle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sam, “Marami akong gustong isama dito, mga kapitbahay ko. Magsasama ako ng aso ko, baka puwede...”

Dagdag na tanong ng PEP: May special someone ba siyang pakakainin sa nasabing restaurant?

Ani Sam, “A, meron! Special someone, si Jasmine mahilig sa Korean food, mahilig kami sa pagkain in general, so we’ll be frequenting this [resto]."

Ang tinutukoy ng binata ay ang rumored girlfriend niyang si Jasmine Curtis Smith, na nakababatang kapatid ni Anne.

Dalawa pang follow-up questions: Mahilig din ba si Jasmine ng Korean? Madalas ba kayong kumain sa Korean restos?

“Oo naman...” sagot si Sam sa magkasunod na tanong.

"ALL IS WELL." Dito nakakuha ng tiyempo ang writer na ito na tanungin si Sam tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya: May nagpapatanong dito, yung ate daw ba ni Jasmine, iimbitahan mo rin bang kumain sa Chef’s Noodle?

“Oo naman, oo naman...” mabilis na sagot ni Sam.

Dugtong nito na may halong biro, “Order pa ako ng bulk para to share.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na kayo ni Anne?

Pahayag ni Sam: “All is well. A… that I can really say na Anne and I are okay. We’ve talked and everything is well between us.”

Wala rin daw silang problema ni Jasmine.

Aniya, “Me and Jasmine, very much okay siyempre. As always.”

Hindi nagbigay ng detalye si Sam tungkol sa nangyari sa kanila ni Anne.

Hindi rin siya sumagot nang inusisa ng PEP kung sinabi ni Anne sa kanya ang mga sumusunod: “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

Sabi lang ng Kapamilya young actor-singer, “And, I think… I’m really glad that we’ve come to this point na na ayos na ang lahat.”

"THERE WAS A CONFRONTATION..." Pero inamin ni Sam na nagkaroon nga ng kumprontasyon sa pagitan nila ni Anne.

“A, what can I say? Well, ganun lang talaga.

“I mean, it... we all didn’t expect it to happen. It was a surprise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We did talk. Nag-usap nga kami.

“There was a confrontation that happened but, you know... ‘buti diyan kasi, I really understand...

“I understand where she’s coming from and nagkakaintindihan rin kaming dalawa ni Anne, so..."

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Anne na pinagsalitaan niya si Sam o may kumprontasyong naganap sa kanila.

Sabi ni Anne sa kanyang Instagram account, ilang oras pagkatapos lumabas ng report ng PEP noong April 1:

"Of course I spoke to Sam that night and as always, I told him to take care of my baby sister. Like any ate would do BUT to clarify I DID NOT say any of those words written in the article. Kahit tanungin nyo pa si Sam. Even he doesn’t know where those words came from. Basta. Ang mahalaga Sam and I are ok. End of story, no issue here."

Read: Anne Curtis denies humiliating Sam Concepcion at Vice Ganda’s party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong muli ng PEP kay Sam: Hindi ba siya na-offend?

Hindi direktang sinagot ni Sam ang tanong, bagkus, sabi niya, “The thing is that’s [what] happened kasi...

“The reason why I say that I understand where she’s coming from, because, alam mo yun, ang ate naman talaga or kuya [na mas] nakatatanda sa isang kapatid, well, we’ll do that for a sibling.

“I have a sister, may nakababata rin akong kapatid…

“Siyempre manliligaw ka, ‘di ba, o ikaw yung guy, yung nakababata mong kapatid, siyempre you will protect her."

Bakit, may dapat bang ikabahala Anne sa kanya?

Ang ibang kuwentong lumabas kasi tungkol sa isyu ay nagpapahiwatig na may kasalanang ginawa si Sam kaya siya kinumpronta ni Anne.

Diumano, sinabihan siya ni Anne ng: “Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?”

Sagot ni Sam dito, “Sa akin, whatever her reason is, meron siyang rason for that, but I know she has nothing to worry about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know Jasmine... nothing to worry about.”

JULIA BARRETTO ANGLE. At sa kabila raw ng isyu, nananatiling matatag ang relasyon nina Sam at Jasmine.

“Oo naman, very much... walang problema,” sabi pa ni Sam.

Ano naman yung tungkol kay Julia Barretto?

Pagkatapos kasing lumabas ng report ng PEP tungkol sa insidenteng nangyari kina Sam at Anne, may mga balita namang lumabas na dahil diumano sa pambababae ni Sam kaya ito pinagsabihan ni Anne sa birthday party ni Vice.

Read: Latest reports allege that Anne Curtis confronted Sam Concepcion to protect sister Jasmine

Nakatawang sagot ni Sam, “Baka kasi nanonood sila ng Mira Bella!”

Ang Mira Bella ang early primetime series ng ABS-CBN na pinagsasamahan nina Sam at Julia.

Patuloy ng 21-year-old actor-singer, “Pero, but… hindi ko alam siyempre...

“Nung huli na nga, yung story medyo lumaki na nang lumaki, nagkaroon na ng mga iba’t ibang istorya.

“Pero siyempre, ‘di ba, there’s really no truth to that kasi...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For whatever reasons, wala siyang [Anne] kailangang… she has nothing to worry about.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN