Mabilis na kumalat ang mug shot ng businessman na si Cedric Cua Lee at ang kanyang kaibigang si Simeon "Zimmer" Palma Raz Jr. ilang oras matapos silang dalhin sa NBI Headquarters, Taft Avenue, Manila.
Ang mug shot ay ang photographic portrait ng isang tao na may kaso at inaresto.
Ginagamit ng mga law enforcer ang mug shot para sa photographic record ng akusado, identification ng mga imbestigador at ng biktima.
Seryoso na ang mukha at hindi na nakangiti si Cedric sa mug shot sa kanya ng NBI.
Kapansin-pansin din ang kanyang pagpayat pati na ang pagpapatubo niya ng bigote at balbas.
Nadakip kahapon, April 26, ng NBI agents sina Cedric at Zimmer sa Oras, Eastern Samar.
Read: Cedric Lee, Simeon Raz arrested in Eastern Samar, says Justice Secretary Leila de Lima