PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedric Lee, Zimmer Raz refuse to enter plea in serious illegal detention case filed by Vhong Navarro

Cedric Lee and Zimmer Raz ask court for continuance of their detention at the NBI headquarters.
by Arniel C. Serato
Published Apr 30, 2014
Hindi naghain ng anumang plea sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa ginawang arraignment ng kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro kanina, April 30, sa Taguig Regional Trial Court.

Hindi naghain ng anumang plea ang mga akusadong sina Cedric Lee at Simeon “Zimmer” Raz Jr. sa ginanap na arraignment ng kasong serious illegal detention, na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro.

Dahil dito, ang korte na mismo ang naghain ng “not guilty plea” para sa dalawa.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni State Prosecutor Hazel Valdez ng Department of Justice (DOJ) na ginanap ang arraignment o pagbabasa ng sakdal sa dalawa sa Taguig Regional Trial Court Branch 271 kaninang hapon, April 30.

Noong una raw ay nais pa ng kampo nina Cedric at Zimmer na ipagpaliban ang arraignment, ngunit kalaunan ay pumayag na rin ang mga ito na matuloy.

Ngunit hindi nga naghain ang dalawa ng anumang depensa.

Nahaharap sina Cedric, Simeon, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Jed Fernandez sa kasong serious illegal detention, isang non-bailable offense, dahil sa pambubugbog nila kay Vhong noong January 22, 2014 sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Nakatakda namang dinggin ang inihaing petisyon nina Cedric at Simeon na makapagpiyansa sa Martes, May 6, sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kasama rin sa diringgin ang mosyon ng mga ito para sa hiling nilang sa NBI compound sila makulong at hindi sa Taguig City Jail habang dinidinig ang kaso.

Kahapon, April 29, naglabas ang Taguig Regional Trial Court ng commitment order sa paglipat ng dalawa sa Taguig City Jail, ngunit kaagad din itong sinuspinde dahil sa petisyon nina Cedric at Zimmer.

Read: (UPDATED) Court suspends transfer of Cedric Lee and Zimmer Raz to Taguig City Jail

Nakakulong ang dalawa sa NBI detention facility simula pa noong Linggo, April 27, matapos silang madakip sa Eastern Samar noong April 26.



NO GAG ORDER. Ang mga abugado naman ng magkabilang kampo—si Atty. Alma Mallonga para kay Vhong at Atty. Howard Calleja para kina Cedric at Zimmer—ay kapwa tikom ang bibig tungkol sa ginanap na arraignment kahit walang gag order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inutusan daw kasi sila ng korte na huwag magbigay ng anumang komento sa media tungkol sa kaso at sa pagdinig.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi naghain ng anumang plea sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa ginawang arraignment ng kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro kanina, April 30, sa Taguig Regional Trial Court.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results