Heart Evangelista finds expression as an artist in her paintings

Now that she has found the love of her life, Heart Evangelista says the wedding can wait and, in fact, she is taking her time.


Therapeutic daw para kay Heart Evangelista ang pagpipinta.

Ano ba ang fulfillment na nakukuha niya sa pagpipinta?

Sagot ng Kapuso actress-TV host, “It’s being able to express youself on a different level.

"There are things that you cannot find words on how to describe what you’re feeling at that moment.

“That’s why sometimes it’s frustrating, hindi siya biro na magpinta.

“Kasi hindi madali na gumawa ng isang imahe na nasa utak mo or hindi mo ma-express yung sarili mo nang tama.

“O minsan, hindi ka nagagandahan sa ginawa mo o kulang.

“So, ‘yon! That’s what I use actually to start my painting.”

Masasabing fulfilled na si Heart bilang pintor, at magkakaroon nga raw siya ng exhibit sa Ayala Museum sa Makati City.

Pagbabalita niya, “May 8 na siya. And then it’s open to the public…

“Bale 19 paintings yung isu-showcase ko, so I’m very excited!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) si Heart pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, May 4.

WOMEN AS SUBJECT. Sa mga paintings niya, kapansin-pansin na paborito niyang theme ang kababaihan.

“Yes, women, emotions of a person… ganyan.

“Pero meron din hindi girls yung ano sa painting.

"Meron din akong mermaid, meron ding medyo may pagka-fantasy… ganyan.

“And I love bright colors.”

Wala raw siyang insiprasyon sa kanyang pagpipinta.

“Wala, it was more of what I was feeling.

“Or what I… yung emotions ko. Yung present na emotion na available nung time na ‘yon.

“So, it’s really therapeutic para sa akin.”

May naging formal training ba siya sa painting? Marami kasi ang nagsasabing mahusay siya.

Sabi ni Heart, “Nung bata ako, actually when I was 10 or 11, I had a short course sa Ayala Museum.

“Meron silang art class dun, e. That’s why tuwang-tuwa naman sila na sa kanila ako nag-exhibit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa man nagsisimula ang kanyang exhibit ay may mga pre-sold na raw sa kanyang paintings.

“Meron nang mga sold. So, nakakatuwa naman na maraming nakaka-appreciate ng art work ko.”

Yung mga pupunta sa exhibit niya, they can also bid?

Paglilinaw ni Heart, “Actually, hindi naman for bidding.

"Kung sino lang ang magkagusto o kung sino lang ang mauna, parang gano’n.

“First come, first served. At meron na ngang mga naka-reserve kaya… nakakatuwa.”

THE PROCESS. Kapag nagpipinta ba siya, kailangang laging masaya ang mood niya? O meron ding pagkakataong malungkot o depressed siya?

Tugon niya, “Depende. Happy or sad, it really doesn’t matter.

“Kung ano man yung available na nararamdamam mo.

"Parang sa artista, iyon din ang ginagamit mo.

“Nangyayari sa akin minsan, meron akong nasimulang painting na hindi ko nagustuhan, ’tapos papatungan ko.

“Kasi hindi naman siya… it never ends, actually. The story never ends when you paint.

“You always go back to a certain painting, unless may kumuha na.

“Pero habang nasa bahay mo pa siya o kahit minahal mo na siya, year after you go back to it.

"So, it’s really a journey.

“At saka kapag nagpipinta ako, mas gusto ko na may tao sa paligid ko o minsan may kausap.

“Kung minsan, maganda rin ang mag-isa. Pero most of the time, gusto ko may tao.

“Kasi natatakot din akong mag-isa, natatakot ako sa multo!” natawang biro pa ni Heart.

SENATOR CHIZ. Ang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero, nagpipinta rin ba?

Pagkumpirma ni Heart, “Yeah, nagpi-painting din siya.

“Pero hindi siya kasama sa exhibit, nandun naman daw siya.”

May ibinigay o nairegalo na ba siyang painting niya kay Senator Chiz?

“Actually, meron siyang nagustuhan, pero natutuwa siya sa idea na may ibang nagkakagusto.

“So, siya yung tipong, ’I like it, but if someone gets it, you give it to them.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi iba rin yung feeling na may napupuntahan yung painting mo, na parang you share a part of you.

“Kaya kapag wala akong trabaho, most of the time, nagpi-paint ako. Whenever I can, I paint.”



HOLIDAY IN PARIS. Kapag hindi siya busy sa mga showbiz projects ay nagpipinta si Heart, kaya naman naisipan nitong magbakasyon sandali.

Kuwento niya, “Sa June, I’m going to Paris. So, that’s also something.

“Medyo nagpapahinga ako nang konti. I’m giving myself and my mind time to relax.

“Kaya magpa-Paris ako, ’tapos pagbalik ko, magpi-paint ulit ako.”

Kasama raw niya si Senator Chiz na magbabakasyon sa Paris.

Nakakuwentuhan daw ni Heart ang kaibigan niyang si Lovi Poe, na nanggaling sa Paris kamakailan kasama ang rumored boyfriend na si Rocco Nacino.

Sabi niya, “One time-fun time. Double saya daw!

“’Pag dinala ko raw yung selfie, matutuwa raw lahat ng mga Europeans. Kasi tayo [mga Pinoy] ang pinakagrabeng mag-selfie.”

Magiging sobrang busy na naman ba siya sa trabaho pagkatapos niyang magbakasyon?

“Well, I’ll still be doing Sunday All Stars. I’ll still be doing Startalk.

“I’m still finishing Trophy Wife and then I’ll start a new movie.”

Bagong soap, kailan naman?

“May mga naririnig na ako, pero tungkol diyan, it’s too early.

“So, okey lang naman din na wala pa. Kasi it’s nice to ano… portray Heart naman for a long time.”

NO DREAM WEDDING. Noong May 1 ay ikinasal na ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales sa TV host-model na si Kim Jones.

Read: Jericho Rosales and Kim Jones wed in Boracay

At hindi maiwasang matanong din si Heart hinggil dito. Friends na ba sila ng aktor?

“Uhm… hindi!” mabilis ngunit nakangiting sagot ni Heart.

“Pero I’m super-happy.

"Everybody that get’s married o engaged, it’s a different chapter in your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And uhm… masaya. Ang saya nila, ’di ba?”

Siya na ba ang susunod na ikakasal? Nakaantabay ang publiko kung may announcement nang magmumula sa kanilang dalawa ni Senator Chiz.

Sagot ni Heart, “Hindi... actually I’m taking my time.

“Ngayong nahanap ko na siya, okey na ako.

"Masaya na ako na nahanap ko siya,” pagtukoy niya kay Senator Chiz bilang itinakda ng kapalaran para sa kanya.

Dagdag niya, “You know, that’s it.

"Kahit five years pa ‘yan, okey lang kasi I know na siya na ang makakatuluyan ko.

“Masaya na ang buhay ko.”

Ano ba ang kanyang dream wedding?

“Wala akong dream wedding. Basta ang importante, nahanap ko na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN