Maricar de Mesa confirms split from husband Don Allado

Inamin ng Villa Quintana star na si Maricar de Mesa na hiwalay na sila ng asawang basketbolista na si Don Allado. “Single and ready to mingle—but not available,” ang tugon ng aktres nang makapanayam ng media sa Boracay.


Kumpirmadong hiwalay na sina Maricar de Mesa at Don Allado.

Mula mismo kay Maricar nanggaling ang rebelasyon, sa panayam ni MJ Marfori ng News5 sa aktres noong May 1 sa Boracay, at lumabas sa InterAksyon ngayong araw, May 5.

Sabi ng aktres sa estado niya ngayon: “I’m single, ready to mingle—but not available.”

Matatandaang unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Abril 2014 ang balitang hiwalay na si Maricar at ang cager-husband niyang si Don pagkatapos ng pitong taong pagsasama.

Ayon sa ulat ng PEP, isa raw sa malaking dahilan ng hiwalayan ng dalawa ay ang hindi nila pagkakaroon ng anak.

Ikinasal sina Maricar at Don noong December 1, 2006, sa Quezon City, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbunga ang pagsasama nila.

Ayon pa sa isang source ng PEP noon, walang third party sa kanilang hiwalayan.

Read: FIRST READ ON PEP. Maricar de Mesa and Don Allado reportedly separate



“PAGOD NA PAGOD ANG PUSO…” Ngunit sabi ni Maricar tungkol sa report na walang third party sa hiwalayan nila ni Don, “I don’t know. I’d like to think wala…

"My life revolved around him, but now, ako naman muna.

"Sarili ko naman muna iniisip ko. My own happiness naman muna."

Saad pa niya, “Pahinga muna ako kasi masyadong pagod na pagod yung puso ko ngayon… sumobrang pagod lang.

Nag-a-adjust pa rin daw ang Villa Quintana star sa pagiging single muli.

“I [was] with my partner for [several] years.

"Ano siguro, it’s also the freedom of doing what you want and finding yourself, who you are.

"Kasi naging dependent ka na dun sa partner mo, kasi yung buhay ko dun na lang umiikot."



NOT IN GOOD TERMS. Nagkataon namang nakasabay ni Maricar sa bakasyon niya sa Boracay ang ex-husband at Meralco Bolts player, kung saan gabi-gabi raw itong nakikipag-party kasama ang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Maricar dito, “I can see naman in his posts, mukhang enjoy naman e… I’m with my friends, enjoying.

"Family naman kami rito. Hindi naman kami nagwawala.”

Inamin din ni Maricar na “not in good terms” sila ni Don.

“Medyo may konting initan pa kami.”

Mensahe naman niya sa mga single na katulad niya: "For all the single ladies, keep being single… Be stronger and be wiser."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN