Pauleen Luna knows her place in three-year relationship with Vic Sotto: "I don’t live in fantasy."

Pauleen Luna on relationship with Vic Sotto: "I know na dito ako and his children come first, alam ko yun, kaya siguro maganda ang relasyon namin. It was never my intention and never will be my intention to take him away from his children."


Hanggang ngayon ay hindi pa maalis ang ’sanlibong saya at tuwa sa mukha ng actress-TV host na si Pauleen Luna matapos ang surprise birthday party na inorganisa niya para sa kanyang boyfriend na si Vic Sotto.

Katuwang niya ang mga anak ng birthday celebrator sa paghahanda nito.

Ang nasabing surprise party ay ginanap sa mismong araw ng 60th birthday ni "Bossing Vic" noong April 28 sa Acropolis.

Read: Vic Sotto celebrates 60th birthday via surprise party prepared by girlfriend Pauleen Luna

Bungad ni Pauleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na halatang may pagmamalaki, "He deserves the best.

"With all his hard work, he really deserves to be happy on his birthday.

"And I know for a fact that his children make him the happiest.

"It’s not every day na ang mga mahal niya sa buhay ay nasa iisang bubong at iisang kuwarto.

"So, it was really a special day and, ako, kasama ang mga anak niya, mission accomplished kami.

"Napasaya namin talaga siya.

"Naluha nga siya dahil na-touch talaga siya."

Ang mga anak ng comedian-TV host ay sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto kay Dina Bonnevie; si Vico na anak nito kay Coney Reyes; at si Paulina na anak naman niya kay Angela Luz.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen sa bloggers’ conference para sa Kapuso afternoon soaps, sa GMA Network Center, kahapon, Linggo, May 4.

Kabilang si Pauleen sa cast ng The Borrowed Wife.

PAULEEN KNOWS HER PLACE. Sa kabila ng katotohanan na ang nobyo ni Pauleen ay may mga anak na sa nakaraang mga karelasyon nito, hindi raw ito hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Ayon sa 25-year-old Kapuso star, "I’m the type of person naman na alam kung saan ako lulugar.

"Bukas ang mata ko sa katotohanan, hindi naman ako... I don’t live in fantasy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know na dito ako and his children come first, alam ko yun, kaya siguro maganda ang relasyon namin.

"It was never my intention and never will be my intention to take him away from his children."

Si Pauleen pa nga raw ang laging nagpapaalala kay Vic na laging magkaroon ng panahon para sa kanyang mga anak.

"I will always tell him na spend time with them, tell them how much he loves them.

"Kaya siguro maganda ang harmony ng relationship namin."

Maging siya rin naman ay gumagawa ng paraang mapalapit sa mga anak ng mahal niya sa buhay.

Sabi ni Pauleen, "Yes, I do, pero hindi naman yung sa point na parang...

"Kasi ako, malaki ang respeto ko sa mga anak ni Vic, and the last thing that I would want them to feel is that I’m interfering.

"Basta ako, I’m just here.

"I mean, I’m free anytime na gustong mag-usap, magkita-kita kami, nandito lang ako."

POTENTIAL WIFE. Sa puntong ito, kinuha namin ang reaksiyon ni Pauleen sa sinabi ni Danica na masyado pa raw maaga para masabi niyang isang "potential wife" ang kasalukuyang nobya ng kanyang ama.

Sabi ni Pauleen tungkol dito, "Ngayon lang din kami naging close ulit [nina Danica], alam mo yun?

"We’re going three years now [ni Vic], pero ngayon din lang kami nag-reunite ulit, so I perfectly understand where she’s coming from.

"Ako natutuwa, kasi si Danica, she’s always nice to me, she makes me feel na I can talk to her about anything.

"And I’m very grateful for that."

Sa parte niya, nararamdaman ba niyang si Vic na ang magiging huling lalaki sa kanyang buhay?

Mabilis niyang tugon, "Well, you wouldn’t stick naman sa isang relationship kung hindi mo gusto na you would end up with the person, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, kasi kami ni Vic, we’re very careful and we just wait for things to happen.

"Like, yung party na yun, ipinagdasal ko talaga yun and, one day, ibinigay na lang siya sa akin ng Diyos.

"So, kung ano yung plan ng Diyos, maghihintay lang kami.

"And if it’s yours, no one can take it from you."

Maging ang agwat ng kanilang edad na 35 taon ay hindi raw hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Sabi ni Pauleen, "No, not at all.

"Kasi, I think, for a person to have a perfect match when it comes to personality, I have the highest respects for him and vice versa.

"He respects my values and I respect his relationship with his children.

"So, para sa akin, wala sa edad ’yan kundi kung paano niyo minamahal at nirerespeto ang isa’t isa."

BIRTHDAY WISH. Ano ang birthday wish niya para kay Vic?

Sagot ni Pauleen, "He has everything.

"Plus, marami ang nagmamahal sa kanya, maraming-marami talaga.

"Tanggalin mo na kaming nasa buhay niya, yung mga nanonood na lang [ng Eat Bulaga!], napakaraming nagdadasal para sa kanya.

"So, ang pinaka-wish ko na lang talaga sa kanya is good health.

"Alam mo naman na napaka-workaholic ni Vic, and he likes it, at ’di mo siya mapipigilan.

"Pero once in a while ay nagpapahinga din ’yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN