Atty. Felipe Gozon confirms talks with San Miguel’s Ramon Ang

Kinumpirma ng mismong chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon ang negosasyong nagaganap sa pagitan nila ng presidente ng San Migue Corp. na si Ramon Ang. Pahayag ni Atty. Gozon, “I don’t know why Mr. Ang is very interested in buying into GMA. Beyond that, I am not at liberty to close the details because this is covered by confidentiality agreement.”


Kinumpirma ni Atty. Felipe L. Gozon, chairman at CEO ng GMA Network, na may negosasyong nagaganap sa pagitan ng pamunuan ng Kapuso network at ng presidente ng San Miguel Corp. na si Ramon Ang.

Interesado si Ang na bumili ng stake sa GMA.

Ayon sa ulat ni Danessa Rivera ng GMA News Online, ginawa ni Atty. Gozon ang kumpirmasyon tungkol dito sa briefing ng first quarter results ng GMA Network, kaninang umaga, May 5.

Sabi pa ni Atty. Gozon, nagsimula ang negosasyon sa pagitan ng magkabilang kampo noong January 2014.

Ngunit tumanggi nang magbigay ng detalye ang chairman at CEO ng GMA tungkol dito, dahil aniya, ang pakikipag-usap nila kay Ang ay “covered by confidentiality agreements.”

Ayon pa kay Atty. Gozon, “very, very interested” si Ang na bilhin ang shares ng Kapuso network.

Saad niya, “I don’t know why Mr. Ang is very interested in buying into GMA.

“Beyond that, I am not at liberty to close the details because this is covered by confidentiality agreement.”

Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa GMA News Online, kinumpirma rin ni Ang pakikipag-usap niya sa GMA controlling shareholders.

Bago ang kumpirmasyong ito, maugong noon ang balita tungkol sa offer ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan na bumili ng minority stake sa GMA.

Napaso ang negosasyon ng dalawang kampo noong February 2014.

Read: MVP losing interest in acquiring a stake in GMA; says his offer has expired


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN