Deniece Cornejo mug shots released by PNP

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang mug shots ng modelong si Deniece Cornejo, isa sa mga akusado sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.


Kumakalat na ngayon sa Internet ang mug shots ng modelong si Deniece Cornejo matapos siyang sumuko sa headquarters ng Philippine National Police (PNP), sa Camp Crame, kahapon, May 5.

Read: Deniece Cornejo surrenders to PNP chief

Si Deniece ay isa sa mga akusado sa kasong serious illegal detention, isang non-bailable offense, na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog kay Vhong ng grupo nina Deniece at Cedric Lee noong January 22, 2014, sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

Ngayong araw, May 6, nakatakdang humarap si Deniece kay Taguig Regional Trial Court Branch 271 Judge Paz Esperanza M. Cortes, na nag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya at sa iba pang mga akusado.



FAMILY DECISION. Ayon sa report ng 24 Oras kagabi, May 5, nang sumuko si Deniece ay kasama niya ang kanyang lolo na si Rod Cornejo at mga abugadong sina Connie Aquino at Arleo Magtibay.

Pahayag ni Rod tungkol sa boluntaryong pagsuko ni Deniece, “There’s this feeling of relief, lahat kami sa family. Mas safe na yung nandito kesa yung nagtatago sa labas at maraming naghahabol at naghahanap sa kanya.”

Ayon naman kay Deniece, wala siyang intensiyong magtago mula sa mga awtoridad nang matagal.

Nagpalipat-lipat daw siya ng tinutuluyan dahil sa diumano’y mga banta na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN