Vhong Navarro, Cedric Lee, Deniece Cornejo face each other in court

According to GMA News’ report, Vhong Navarro avoided to speak with alleged assailants Cedric Lee, Zimmer Raz, and Deniece Cornejo during the pre-trial conference in Taguig Regional Court yesterday, May 6.

Seen in photo: Vhong (leftmost) at the March 29 presscon of Star Cinema’s Da Possessed; Cedric (middle) and Deniece (rightmost) at the February 21 hearing at DOJ.


Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mangyari ang insidenteng pambugbog kay Vhong Navarro ay nakaharap ng aktor ang mga akusadong sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Zimmer Raz sa Taguig Regional Trial Court kahapon, May 6.

Sina Cedric, Deniece, at Zimmer ay sinampahan ni Vhong ng kasong serious illegal detention at grave coercion.

Ginanap ang naturang pagdinig bandang 1:20 p.m. hanggang 4:30 p.m.

Dinaluhan din ito ni Bernice Lee, kapatid ni Cedric at isa sa mga akusado sa kasong grave coercion.

PETITION FOR BAIL. Mahigpit na ipinagbawal ang media coverage sa sala ni Judge Paz Esperanza Cortez, na siyang namahala sa isinagawang pre-trial conference para sa non-bailable offense ng tatlong akusado.

Ngunit base sa ulat ng 24 Oras kagabi, March 6, kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na nakapagsumite ang magkabilang kampo ng mga dokumento at ebidensiya hinggil sa kaso.

Nabanggit din niyang nakatakdang magsimula ang pagdinig sa petition for bail ng mga akusado sa May 16, Biyernes.

Ayon pa rin sa ulat ng GMA News, wala pang inilabas na resolusyon ang korte tungkol sa petisyon nina Cedric at Zimmer na makapagpiyansa para sa kasong serious illegal detention.

Maging si Deniece ay nakatakda ring magsumite ng petisyon na pansamantalang makalaya.

Nauna nang ipinahayag ng legal counsel ni Deniece na si Atty. Connie Aquino na kahit non-bailable ang serious illegal detention, maaari pa ring maghain ng petisyong makapagpiyansa ang isang akusado “as long as the evidence of the guilt is not that strong.”

Pagkatapos ng hearing ay ibinalik ng pulisya si Deniece sa Camp Crame, kung saan siya pansamantalang nakakulong sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sina Cedric at Zimmer naman ay agad ding ibinalik sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).



DENIECE’S ARRAIGNMENT. Samantala, umaga pa lang ng May 6 ay nagtungo si Deniece sa Taguig Regional Trial Court Branch 271 para sa arraignment procedure o pagbasa ng sakdal sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit tumangging maghain ng not guilty plea si Deniece kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa kanya.

Bunsod nito, ang korte na mismo ang naghain ng “not guilty plea” para sa 22-year-old model.

Naghain din ng mosyon ang kampo ng dalaga na siya ay manatili sa detention facility ng Camp Crame.

Bukod dito, nakabinbin pa rin sa Taguig Prosecutor’s Office ang ikalawang reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban kay Vhong.

Ayon sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment) sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, sa May 9 gaganapin ang pagdinig para sa preliminary investigation hinggil sa rape complaint ni Deniece laban sa kanyang kliyente.

READ: Vhong Navarro refutes Deniece Cornejo’s second rape complaint


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN