PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro camp refutes Deniece Cornejo's second rape complaint

The preliminary investigation is slated for May 9, but will Deniece Cornejo show up?
by Rachelle Siazon
Published Apr 26, 2014
Nakatakdang magkaroon ng pangalawang pagdinig para sa pangalawang rape complaint ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro sa May 9. Subalit dahil sa warrant of arrest na iniisyu para sa dalaga, marahil ay hindi raw ito sumipot.

Nanindigan si Vhong Navarro na walang katotohanan ang reklamong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Umaga ng April 25, Biyernes, nang magsumite si Vhong ng counter-affidavit kaugnay ng second rape complaint na inihain ni Deniece laban sa actor sa Taguig Prosecutor's Office.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Alma Mallonga, legal counsel ng It's Showtime host, sinabi nitong may kinalaman ang ikalawang reklamong panggagahasa ni Deniece sa unang pagbisita ni Vhong sa condo unit ng dalaga noong January 17.

Matatandaang nauna nang nabanggit ni Deniece ang tungkol sa insidenteng panggagahasa diumano sa kanya ni Vhong sa isinumiteng reply affidavit ng modelo sa Department of Justice (DOJ) noong February 21.

Dito ay inilahad ni Deniece na dalawang beses siyang pinagsamantalahan sni Vhong, hindi lamang noong gabi ng January 22 kundi pati na rin noong una silang nagkita ni Vhong sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong January 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice

Ngunit ibinasura ng DOJ ang reklamong panggagahasa ni Deniece dahil sa kawalan ng "probable cause."

Sabi pa ni Atty. Mallonga, ang second rape complaint ni Deniece ay taliwas sa sinumpaang salaysay na isinumite ng modelo sa Taguig Prosecutor's Office noong January 29.

Ito ay sa kadahilanang walang anumang nabanggit si Deniece sa kanyang unang rape complaint affidavit na ginahasa siya ni Vhong noong gabi ng January 17.

Patuloy na lahad ni Atty. Mallonga tungkol sa naganap na hearing sa Taguig Prosecutor's Office noong April 25, "We went through the submission of Vhong's counter-affidavit for Deniece's second rape complaint.

"Nandoon yung abugado ni Deniece. She didn't have to be there. The lawyer asked for time to submit her reply affidavit."

Pinayagan umano ni Assistant City Prosecutor Patrick De Dios ang hiling ng abugado ni Deniece at saka itinakda ang ikalawang pagdinig para sa preliminary investigation sa May 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, I said is it possible to set the hearing before May 9? And I asked if she's going to appear or not so that we will not be wasting our time.

“Sabi ng prosecutor, ‘No, no, let’s just have the hearing. We will see.’

“I don't want to make a big thing out of it so I said ok. I yielded to the prosecutor,” saad ng abugada.

Ayon pa kay Atty. Mallonga, kung maghahain ng reply affidavit si Deniece ay kailangan niyang personal na panumpaan at lagdaan ito sa harap ng investigating prosecutor.

SERIOUS ILLEGAL DETENTION CASE. Ngunit sa ngayon ay hindi malinaw kung magpapakita si Deniece sa May 9 hearing, lalo pa’t may warrant of arrest para sa modelo kaugnay ng serious illegal detention case na isinampa sa kanya ni Vhong.

Sa April 29 itinakda ang pagdinig hinggil sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee sa Taguig Regional Trial Court.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang iba pang respondents ay sina Simeon “Zimmer” Raz Jr., Ferdinand Guerrero, at Jed Fernandez.

READ: Court orders warrant of arrest for Cedric Lee, Deniece Cornejo for serious illegal detention case filed by Vhong Navarro

Ayon pa rin kay Atty. Mallonga, nakapagsumite na ng motion for reconsideration sa Taguig RTC ang kampo nina Cedric at Deniece kaugnay ng arrest warrant laban sa kanila para sa magkahiwalay na kasong serious illegal detention at grave coercion.

“But the court has decided right now that there is a warrant of arrest against them. We will probably ask during the hearing where are they.

“Hindi puwedeng humingi ka ng release from the court, at the same time, you are evading the exercise of authority over your person. That is not fair,” giit ng abugada.

At press time, nadakip na ng awtoridad sina Lee at Raz sa Samar.

READ Cedric Lee, Simeon Raz arrested in Eastern Samar, says Justice Secretary Leila de Lima

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ACCUSED-TURNED-WITNESS? Sa kabilang banda, nakatakdang iapela ng kampo ni Vhong ang pag-dismiss sa reklamong serious illegal detention laban sa dalawa pang respondents na sina Berniece Lee at Jose Paolo “JP” Calma dahil sa “lack of probable cause.”

“Next week we will file a motion for reconsideration from the ruling of the court excluding JP and Berniece from criminal liability.

“We strongly believe that there is strong legal and factual basis to include them in the case for conspiracy.”

Nakarating na rin kay Atty. Mallonga ang balita na isa sa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong ay nagprisinta nang maging witness sa kaso.

Sa ulat ng The Philippine Star kahapon, April 25, kinumpirma ni DOJ Secretary Leila De Lima na nasa kustodiya na ng Witness Protection Program ang ‘di pa pinapangalanang witness.

Ayon pa kay De Lima, nakapagsumite na rin ang naturang witness ng sinumpaang salaysay, kung saad ibinunyag nito ang lahat ng detalye tungkol sa plano ng grupo ni Cedric na bugbugin si Vhong hanggang sa mismong insidente noong gabi ng January 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin ng PEP si Atty. Mallonga tungkol dito, sinabi ng abugada na interesado siyang marinig kung ano man ang pahayag ng accused-turned-witness hinggil sa kaso ni Vhong.

Naniniwala ang abugada na nasa panig ni Vhong ang katotohanan, at bukas ang kampo ng aktor sa kung ano mang legal development na magbubunyag ng karahasang natamo nito sa kamay ng mga akusado.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang magkaroon ng pangalawang pagdinig para sa pangalawang rape complaint ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro sa May 9. Subalit dahil sa warrant of arrest na iniisyu para sa dalaga, marahil ay hindi raw ito sumipot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results