Chynna Ortaleza still struggling to move on from breakup with Railey Valeroso

Naging emosyunal si Chynna Ortaleza sa presscon ng kinabibilangan niyang pelikula na Hustisya. Paliwanag niya tungkol dito, “Alam niyo naman, parang ilang taon na akong nandito [sa showbiz], pero parang wala. Yun kasi ang na-observe ko rin kung ano ang ginawa ko sa career ko for the past thirteen years. I was here, but I really wasn’t. Nandito ka, pero hindi ka naman fully present. Kasi, hindi mo naman talaga sineseryoso at binibigyan ng puso.&am


Sa presscon at story conference ng Cinemalaya 2014 entry na Hustisya noong Lunes, May 5, biglang naging emosyunal at napaluha ang isa sa cast members na si Chynna Ortaleza.

Ngunit paglilinaw ng Kapuso actress, dahil sa kasiyahan kaya siya naging emosyunal.

Natatawang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, alam mo, nakakatawa, hindi ko akalaing maiiyak ako!

“Hindi ko alam ang nangyari kanina.

“Naiyak ako kasi parang na-overwhelm nga ako sa mga nangyayari.

“Parang sunud-sunod siya na lahat ng mga pangarap ko, natutupad kasi.

“Alam mo yung… minsan kinakatok ko ang sarili ko na, ‘Ano ba, nangyayari ba talaga ‘to?’

“’Tapos, nanggaling pa ako sa interview kanina na first time ko rin, na parang openly sinabi sa kanila na, ’Eto ang naging process ng buhay ko last year.’

“’Tapos, siyempre, parang may tinik na natanggal din sa ‘yo.

“You are able to… yung progress mo lang kasi, nakaka-overwhelm kapag nakikita mong, ‘Uy, kaya ko na siyang pag-usapan ngayon na hindi ako parang guguho.’

“So, doon, parang may realization pa na ganoon, ‘tapos kailangan ko pang magsalita.

“Kaya sabi ko talaga, ‘Sorry, medyo naluha ako, medyo madrama, pero hindi naman ako ganito, pasensiya!’”

NOT REALLY PRESENT. Ano ang ibig sabihin ni Chynna sa naging pahayag niyang unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap?

Paliwanag niya, “Kasi, ‘di ba, hindi ko nga alam kung bakit naisip ko talagang sabihin na…

“Alam niyo naman, parang ilang taon na akong nandito [sa showbiz], pero parang wala.

“Yun kasi ang na-observe ko rin kung ano ang ginawa ko sa career ko for the past thirteen years.

“I was here, but I really wasn’t.

“Nandito ka, pero hindi ka naman fully present.

“Kasi, hindi mo naman talaga sineseryoso at binibigyan ng puso.”

Hindi niya ba sineseryoso ang mga ginagawa niya noon?

Saad niya, “Sineseryoso ko, pero hindi lang siya yung parang nandoon ka, 100 percent present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ganito yun, passion ko naman talaga ang pag-arte.

“Ang difference lang na natutunan ko after ng workshop namin, and over what happened to me last year, parang, ‘E, kaya naman pala ganun, hindi mo naman pinursue ang craft.

“’O, sige, okay ka, ganyan ang performance mo, pero talaga bang nandiyan ang puso mo 100 percent all the time?’”



NORA AUNOR. Kasama ni Chynna sa magkasunod niyang pelikula ang Superstar na si Nora Aunor.

Natapos na nilang i-shoot ang Dementia, at ngayon naman ay sinisimulan na rin nila ang Hustisya.

Isa ba sa dahilan kung bakit siya naging emosyunal ay ang paggawa niya ng pelikula kasama si Nora?

Sagot ni Chynna, “Isa rin yun sa mga parang… siguro yung presence ni Ms. Nora dito sa part na ito ng career ko, parang toppings.

“Pero hindi naman just because of her.

“It was really me, trying to figure out what I really wanted to pursue in my life.”

Sa Hustisya, na idinidirek ni Joel Lamangan, isang lesbian ang karakter na ginagampanan ni Chynna.

Kagaganap lang niya ng tomboy sa isang episode ng drama anthology na Magpakailanman.

Pero ayon sa aktres, “Yes, lesbian siya, pero hindi katulad sa Magpakailanman.

“Dito, babae pa rin, pero ang preference, babae rin.”



MOVING ON. Kailan lang ay umamin si Chynna na matagal na pala silang break ni Railey Valeroso, na naging boyfriend niya sa loob ng halos isang dekada.

Read: Chynna Ortaleza takes a break from nine-year relationship with Railey Valeroso

Naka-move on na ba siya?

Aniya, “Ang sagot ko nga riyan kasi sa kanila, malalaman mo na lang paggising mo, parang choice mo rin ‘yan kung gusto mong mag-move on o hindi.

“So ako, ever since talaga, noong panahon na nag-decide ako na mag-jump out, yung motivation ko sa sarili ko is every day, you move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paggising mo… kasi it’s a process.

“May time na mapu-pull back ka. May times na you can’t free yourself from memory that easy.

“Especially in a relationship like that, ten years, and it wasn’t all bad. Most of it was beautiful.

“So, when you think about it, the good times, you get pulled back.

“Pero ako talaga, ang palagi kong sinasabi kapag nangyayari yun, ‘No, move on, move forward.’”

Kumusta na siya ngayon?

“Okay naman,” nakangiti niyang sabi.

“Sabi ko nga, kapag minsan naiisip ko, ‘Kumusta ka last year kung ano ka this year?’

“’Tapos yung kapag makikita ko ang pinagdaanan ko over the past nine months, yung difference ng pagkatao nun, is enough validation to know that I am on the right track.”

Patuloy ni Chynna, “At saka, malaki ang nadala nung finally, nag-usap kami as friends.

“At saka, parang… siyempre ano pa yun, meron pang nice words na exchange after.

“Parang we also agreed on the fact that, you know, you just really have to expand yourself.”



OPEN HEART. Bukas na ba ang puso niya sa panibagong relasyon?

Saad ni Chynna, “Open naman ang heart ko, it’s just that kanina lang din, sinasabi ko na napagdaanan ko na ang kabataan ko.

“Alam mo yung feeling mo na makukuha mo ang next happiness mo sa isang fleeting possibility, ‘di ba?

“Pero alam ko na ang pakiramdam ng serendipity, so bakit ko ipagpapalit yun?

“Bakit ako magse-settle for something na less magical?

“So, sabi ko, kung darating siya, alam ko ang pakiramdam, so I’ll go with the flow when I feel that it’s right.

“But I’m open to friendship at isa rin yun sa malalaking bagay na parang nanibago ako.

“Kasi dati, very close na tao, hindi ako ma-chika, napapangunahan ng fears, insecurity, na iko-close ko ang sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ba, meron na siyang ini-entertain na manliligaw?

“Wala pa,” sambit ni Chynna.

“Pero ang sa akin lang, nakakatawa, okay.

“Kasi, kapag bata ka, iisipin mo, ‘Oh, my gosh, may ano? Pero ano ‘to, balik lang ng 18-year-old?’

“May mga ano lang… naa-appreciate ko yung may mga taong ganoon ka-straight na sasabihing ‘I admire you, you’re very beautiful. I admire your intelligence.’ Yung mga ganyan.

“There are times when I feel down, something weird happens in a day, you encounter a person, and they say something like that.

“It makes you feel like, ‘Where did it come from?’

“But, you know, when I’m given compliments like that, I’m very gracious about it, but I don’t chase it.”

Nakikipag-date na ba siya?

“Makikipag-date ako kapag alam ko na yun na ‘yan,” sagot niya.

Nandoon na ba siya sa puntong kapag nakipagrelasyon siya, yun na ang makakatuluyan niya?

“Kung alam ko na ang experience ko with this person will gonna be worth it and will teach me to become a better individual…

“Pero kung feeling ko, ‘Is this worth it?’

“May mga nagpaparamdam, pero alam ko na I’m not the easiest woman to approach.

“And for me, it’s how I am. It will take a special kind of guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN