Zoren Legaspi "willing to comply and cooperate" with the BIR

Agad na nagpadala ng opisyal na pahayag ang aktor na si Zoren Legaspi kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


Handa raw tumupad at makipagtulungan ang aktor na si Zoren Legaspi sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang maayos ang kanyang problema sa kagawaran ng pagbubuwis.

Sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR si Zoren dahil sa hindi niya tamang pagdeklara ng mga kinita niya sa kanyang income tax returns noong 2010 at 2012.

Read: BIR files P4.45-M tax evasion case against Zoren Legaspi

Sa pamamagitan ng kanyang business manager na si Shirley Kuan, ipinadala ni Zoren sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang official statement ngayong gabi, May 8.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

"Sumasang-ayon po ako na ang TAMANG BUWIS ay DAPAT BAYARAN PARA SA IKAUUNLAD NG ATING BAYAN!

"I’m more than willing to comply and cooperate regarding the ongoing investigation of my tax liabilities.

"Aalamin po namin kung saan kami nagkamali or kung nagkulang ba kami sa paliwanag.

"I’m glad that the BIR brought their initial findings to the DOJ—that means they are doing their job.

"I love my country kaya I will never evade any tax obligation.

"I just need to figure out kung saan kami nagkamali (without malice or intention) and I’m waiting lang po sa official complaint ng BIR.

"Salamat po sa mga concern."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN