Mayor Joseph Estrada does not want to talk about the baptism of daughter Jerika’s baby with Bernard Palanca

Manila Mayor Joseph Estrada says he does not interfere with his children’s love affair: "When I was a teenager, my parents never interfered with my love affair. The same thing, I won’t interfere with their love affair.”


Hindi nga ba boto si Manila Mayor Joseph Estrada kay Bernard Palanca para sa panganay nilang anak ni Laarni Enriquez na si Jerika?

Lumabas ang balitang ito, nang isilang ni Jerika ang bunga ng dalawang taon nilang relasyon ni Bernard nung May 7, na pinangalanan nilang Isaiah Joseph.

Sa press conference ng Miss Manila beauty pageant kahapon, May 12, sa Manila Hotel, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Mayor Estrada tungkol sa bagong miyembro ng kanyang pamilya.

“Okey lang, welcome.

"Kamukha ko? ’Di ko pa nakikita.

Masaya raw ang lahat kapag may ipinapanganak, sabi pa ng alkalde ng Maynila.

Sa isang interview naman kay Bernard, binanggit nito na gagawin niya ang lahat para makuha ang loob ng pamilya ni Jerika, partikular na ang ama nito.

May ginawa na bang effort ang aktor para makapag-usap sila ni Mayor Estrada?

Sagot ng dating pangulo ng Pilipinas at ngayo’y mayor ng Maynila, “I never knew about it.

“Effort? No."

Matatanggap niya ba si Bernard alang-alang kay Jerika at dadalo ba siya sa binyag ng bagong apo?

“Nag-e-enroll ba? May sariling pamilya yun, bahala siya.

“Binyag? Let’s not talk about it.”

Nang hingan ng mensahe para kay Bernard, isang salita lang ang binitawan ni Erap.

“Good luck.”

SON JAKE. Usap-usapan din na nagkabalikan daw sina Andi Eigenmann at ang anak nilang lalaki ni Laarni na si Jake Ejercito.

Nitong mga nakaraang araw lang ay nag-post sina Andi at Jake ng kanilang mga larawan sa kani-kanilang Instagram accounts. Magkasama sila sa Boracay.

Ano naman ang reaksyon ni Mayor Joseph dito?

“I don’t interfere with the love affair of my children.

"When I was a teenager, my parents never interfered with my love affair.

"The same thing, I won’t interfere with their love affair.”

Mother’s Day nitong nakaraang Linggo, May 11. Paano naman nila in-spend ang araw na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa bahay lang with my children and grandchildren,” sagot ng dating aktor na ngayo’y full-time sa pagiging pulitiko.

ON JINGGOY. Tungkol naman sa kaso ng anak niyang si Senador Jinggoy Estrada na itinuturong sangkot sa pork barrel scam, ipinahayag ng alkalde na bukas daw sa lifestyle check ang senador, kagaya ng pagiging bukas niya.

“They are welcome, kagaya din ng pag-lifestyle check sa akin.

"Were they able to prove anything, mayroon ba silang nailabas?

"Siguro kung may nakita sila, araw-araw headline.

"Kaya nag-a-apologize lahat ng mga tao.

"Noong araw, guilty by publicity. Ni hindi pa nailalalabas sa korte, ni hindi pa nadidinig sa korte, guilty na agad.

"Any man is presumed innocent unless proven guilty.

"Was I proven guilty before? They even created a special court, they even created a task force.

"All the evidences, wala silang maipakita.

"Do you think I’m guilty? Do you think I will still win as Mayor of Manila?

“He [Jinggoy] can defend himself. I know he can defend himself.

"I went through that experience already, they ganged up on me.

"They apologized, even the church apologized through Bishop [Antonio] Tobias, he apologized in front of the church.

"They came up to me even the so-called mga ’elitista,’" may pagmamalaki pang pahayag ng dating pangulo ng Pilipinas.

Matatandaang napaalis sa kanyang puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas si Erap nung 2001 matapos magsagawa ng malawakang protesta na tinawag na EDSA Dos.

Hiningi noon ng taong bayan ang pagbaba sa puwesto ni Erap matapos na idawit siya ng matalik niyang kaibigan noon na si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa pagtanggap ng perang galing sa jueteng at masabit sa iba’t ibang maanomalyang transaksyon sa ilang ahensiya ng gobyerno, gaya ng GSIS at SSS.

Siya rin ang itinuturong tunay na may-ari ng kuwestiyonableng "Jose Velarde" bank accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung 2007, dinesisyunan ng special division ng Sandiganbayan na "guilty of plunder beyond reasonable doubt" si Erap dahil sa mga nabanggit na akusasyon at hinatulan ng Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkabilanggo.

Read: Former President and actor Erap Estrada guilty of plunder

Nung taon ding iyon, binigyan siya ng executive clemency ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at pinalaya sa kanyang pagkakabilanggo sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal.

Read: Former president Joseph Estrada granted executive clemency



MISS MANILA. Konsepto ni Mayor Joseph Estrada na i-revive ang Miss Manila kung saan nanalo pala noon ang yumao niyang ina na si Mary Ejercito at ang dating first lady at konsehal ngayon na si Imelda Marcos.

Ayon kay Mayor Erap ito ang nakita niyang paraan para makalikom ng funds na gagamitin sa pagpapatayo ng dialysis hospital sa Manila sa ilalim ng kanyang termino.

Aniya, “Ako rin kasi naghahanap ako kung paano maitatayo yung dialysis hospital.

"Naisip ko yung Miss Manila na dating nakalimutan, i-revive yung dating Miss Manila pageant.”

“Ang ultimate objective is to put up a dialysis hospital for the poor.

"Kasi masyadong mahal, too expensive [ang dialysis] for the poor.

"The cheapest is P1,600 per session. E, twice or three sessions per week [ang kailangan].

"If you’re just an ordinary employee, you can’t afford it.

"Kaya marami ang namamatay dahil ’di maka-afford na magbayad.”

CRITERIA. Para kay Mayor Erap hindi lang kagandahang panlabas ang dapat taglayin ng sinumang mananalo as Miss Manila 2014.

“’Di lang yung kagandahan na panlabas kundi matulungin din sa mahirap.

"’Tsaka siyempre, she should also be intelligent to understand the problem of our people.

"Yung heritage ng Manila, kailangang malaman din niya kung saan nangggaling ang Manila.

"Parang incentive yung P1 million cash price nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN