Sandara Park says she is loveless now; explains "kiss" from Justin Bieber

Dumating sa bansa kahapon, May 14, ang 2NE1 member na si Sandara Park. Magkakaroon ng concert ang kanilang grupo sa Sabado, May 17, sa MOA Arena.


“Na-miss ko po kayo.”

Ito ang nakangiting bungad ni Sandara Park nang makapanayam siya nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN kagabi, May 14.

Dumating sa Pilipinas si Sandara kahapon para sa concert ng kinabibilangan niyang K-Pop group na 2NE1 na gaganapin sa Sabado, May 17, sa MOA Arena.

Ngunit nauna siyang dumating sa bansa kaysa sa mga kagrupo niyang sina CL, Park Bom, at Minzy, na inaasahang dumating bukas ng umaga, May 16.

Bago siya naging international superstar bilang bahagi ng 2NE1, unang sumikat si Sandara sa Pilipinas nang maging runner-up siya sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (SCQ), kung saan naging runner-up siya ng nanalong si Hero Angeles.

Bilang isa sa pinakasikat na young stars noon sa Pilipinas, nakilala rin ang Koreana bilang “Pambansang Krung-Krung.”



BEAUTIFUL SANDARA. Sa live interview niya sa show nina Kris at Boy kagabi, nakiusap si Sandara na kung puwede ay kausapin siya nga mga ito sa Tagalog.

Naikuwento ni Kris na nang magpunta siya sa Korea, tuwang-tuwa siya dahil madalas niyang makita ang mga larawan ni Sandara sa mga ini-endorse nitong mga produkto, kasama na ang beauty products.

Nakasama rin sa listahan ng “Most Beautiful K-Pop Idols” noong 2013 si Sandara.

Sabi ni Sandara tungkol dito, “Siyempre, sobrang saya ko. Sobrang nakaka-touch ako sa mga fans.”

Ano ang sikreto ng kagandahan niya ngayon?

“Ay, wala po. Siguro love ng mga fans… masayahin,” nakangiti niyang sabi.

May boyfriend ba siya ngayon?

“Wala pa,” sagot niya.

Ibig sabihin, may parating?

“Sana, sana meron!” natatawang sabi niya.

Ayon kay Sandara, sa kabila ng maraming bansang narating na niya dahil sa pagiging miyembro ng 2NE1, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pinagmulan niya sa mundo ng showbiz—ang Pilipinas.

Kapag nami-miss niya ang Pilipinas, ano ang ginagawa ni Sandara?

“Nanonood po ako ng mga DVD ng Tagalog movies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakapaborito niya?

“Lately, napanood ko yung This Guy’s In Love With You Pare. Sobrang gusto ko yun.”

Ang naturang pelikula ay pinagbidahan nina Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Luis Manzano.



TRAINING DAYS. Bago naging miyembro ng 2NE1, pinagdaanan daw ni Sandara ang lahat ng puwedeng pagdaaanan o gawin ng mga aspiring K-Pop stars—voice, dance, at iba pang trainings.

Kuwento niya, “Lahat po niyan meron kami—singing, dance lesson…

“Nagdyi-gym kami. Meron din kaming acting lesson, marami talaga.”

Gaano katagal niya yun ginawa?

“For me, two years lang ako nag-training. Pero yung iba, may four years, six years.”

May suweldo siya sa dalawang taong pagti-training niya?

“Hindi po,” sabi niya.

Paano siya nabuhay sa panahong iyon?

Nakangiting pag-amin ni Sandara, “Nahirapan po ako.”

Ang ginagamit lang daw na pera noon ni Sandara ay kung anuman ang naipon niya sa pag-aartista sa Pilipinas.

Gaano na siya “kayaman” ngayon?

Natatawang sagot ni Sandara, “Hindi pa po ako masyadong mayaman. Hindi pa.”



OLD FRIENDS. Bilang isang K-pop superstar, kilala si Sandara hindi lamang sa Pilipinas at sa Korea kung hindi sa buong Asia, at gayundin sa iba’t ibang panig dahil ganoon kalaki ang market ng K-Pop ngayon.

Pero paano niya hina-handle ang pagiging sikat niya ngayon? Kumportable siya?

“Yes, sanay na ako, ten years ago,” pagtukoy ni Sandara sa pagiging artista niya sa Pilipinas.

Nagawa naman daw ni Sandara na maging in-touch pa rin sa mga dati niyang kaibigan sa Pilipinas.

“Marami po akong friends, like SCQ, mga friends ko dati.

“At may bago akong friends, katulad ni Ryan Bang,” pagtukoy niya sa Korean comedian na napapanood sa It’s Shwotime at Banana Split.

Hindi ba siya kinukulit ni Ryan na baka gusto rin nitong mag-artista sa Korea?

“Hindi naman, ang bait niya talaga. Sabi niya, treat niya ako ng pagkain pagpunta ko rito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-treat na ba siya ni Ryan?

“Hindi pa, pero sabi niya, ‘Aalis tayo after this.’”



2NE1 CONCERT. Anong klaseng mga kanta ang ipe-perform ng 2NE1 sa concert nila dito sa Pilipinas?

Ayon kay Sandara, “Meron kaming bagong album at meron kaming ten new songs.”

Sa kabila raw ng tinatamong popularidad ngayon ni Sandara, hindi pa rin daw siya nagbabago.

“Yeah, pero feeling ko, wala pong nagbago. Walang pinagbago. Same Sandara.”

Mukha siyang palaban ngayon?

“Sa stage, oo, kasi ganoon ang music namin.”

Ang kapatid na lalaki ni Sandara na si Cheondong o Thunder ay miyembro rin ng isang K-pop group, ang MBLAQ.

KISS FROM JUSTIN BIEBER. Tinanong din si Sandara tungkol sa lumabas na larawan kung saan hinalikan siya ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Sabi ni Sandara, “Pumunta siya sa Korea para mag-concert. Wala lang, ‘Hi, pa-picture tayo. Bye,’ ganun lang.”

Read: Justin Bieber kisses 2NE1 member Sandara Park on the cheek

May commercial si Sandara sa Korea kung saan ang sikat na Korean actor na si Lee Min Ho (Boys Over Flowers, The Heirs) naman ang kahalikan niya. Nanliligaw ba ito sa kanya?

“No, we’re just friends,” sagot ni Sandara.

Bukod sa Aquino & Abunda Tonight, mapapanood din si Sandara sa iba pang mga programa ng ABS-CBN gaya ng It’s Showtime, PBB All In, at Gandang Gabi Vice ngayong linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN