Anne Curtis on breakup rumormonger: “I think, whoever started it, nice try for making negative publicity.”

Anne Curtis admits to being clueless about the intentions of the breakup rumormonger. She says, “I really don’t know kahit ang kanyang intention. Pero mabuti na rin na nalinawan kaagad-agad within the same day na it’s not true.”


Pinagtawanan lang ni Anne Curtis ang lumabas na balitang hiwalay na raw sila ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.

Kahit itinanggi na ito mismo ni Erwan sa pamamagitan ng Twitter noong Miyerkules, May 14, wala pang paglilinaw na galing mismo kay Anne.

Read: Erwan Heussaff denies rumored breakup with Anne Curtis

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne pagkatapos ng kanyang Annekapal: The Forbidden Concert sa Smart Araneta Coliseum kagabi, Biyernes, May 16, inalam namin sa kanya ang totoong estado ng relasyon nila ni Erwan.

Natatawang pahayag niya, “Oo nga, ang labo!

“I think whoever started it, nice try for making negative publicity.

“It’s not true and we’re very happy. He’s here tonight.”

Hindi nga raw nila alam kung sino at kanino nagsimula ang intriga na yun at talagang clueless raw ang Kapamilya actress.

Saad pa niya, “I really don’t know kahit ang kanyang intention.

“Pero mabuti na rin na nalinawan kaagad-agad within the same day na it’s not true.

“He’s [Erwan] non-showbiz so he doesn’t really get the whole tsismis na lumabas. Hindi pa niya nage-gets.

“Kaya medyo sarcastic ang kanyang mga posts [sa social media].”

Kumusta naman sila ngayon ni Erwan?

Nangingiting sabi ng 29-year-old actress, “We’re fine, we’re super fine. We’re okay.”

SUCCESSFUL CONCERT. Samantala, sobra naman ang kaligayahang nararamdaman ni Anne dahil sinuportahan muli ng kanyang mga tagahanga ang kanyang ikalawang major concert.

Ang kanyang first major concert na AnneBisyosa: No Other Concert ay naganap noong January 2012.

Halos nagtititili siya nang humarap sa PEP at TV media: “Hay, I’m just so happy and it’s amazing na tapos na siya...

“And I survived. I survived everything, so I’m just so happy.”

Anong bahagi ng kanyang concert ang na-enjoy niya nang todo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Anne, “Masaya yung opening.

“Sobrang enjoy ako dun sa death-defying stunt ko, kasi parang first time sa Araneta na may ganun.

“So, sobra akong nagpapasalamat sa Araneta for allowing us to do it.”

Dugtong pa niya, “Alam niyo, to be honest,when I tried it [sa rehearsal] na ganun kataas, hindi ko magawa yung flips, ayaw pa ng loob ko.

“To know that it was successful tonight, sobra akong happy.

“Sobrang ikling panahon lang na pinaghandaan namin yung stunts kasi nagte-taping pa kami ng Dyesebel.

“That’s why sobrang relief kasi kahit alam namin na sobrang ikli yung time to prepare, na-achieve naman namin yung dapat kong gawin.”

Isa rin raw na “dream come true” para sa kanya ang maka-duet ang tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Kinanta nila ang “On the Wings of Love” ni Jeffrey Osborne.

Muli siyang napatili sa sobrang excitement sa pagsasabing, “Ayun talaga, isa yun sa bonggang-bonggang highlight.

"To sing that song with Regine is just crazy!”

Kabilang pa sa naging guests ni Anne sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Luis Manzano, Billy Crawford, at Robert Seña.

FOLLOW-UP CONCERT? Nasa isip na ba niya ang pangatlong concert sa lalong madaling panahon?

Ayon kay Anne, hindi pa niya alam kung kailan.

Aniya, “Ang hirap-hirap.

“Hindi ko pa alam kung ano pa ang kaya kung ibigay.

“So, happy na ako na napuno ito ng tao.

“Sobra akong nagpapapasalamat sa lahat ng pumunta.

“Honestly, I didn’t expect ’coz you know, hindi ako nagpapa-update. Hindi ako nagtatanong kung soldout na ba ang tickets, bahala na sila.

“Sobrang thank you! Ang dami pa ring nakikitawa, nakikikanta, at nakikisigaw.

“Thank you, thank you talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN