Coco Martin admires Sarah Geronimo’s "no walls" attitude; quashes alleged debt rumor with Nora Aunor

Coco Martin on Sarah Geronimo’s endearing trait: “Ang nakakatuwa dito kay Sarah ay ’di nagbigay ng wall. Siya ang nagsasabi sa akin na, ’Wag kang matakot, i-enjoy natin ’to at panindigan natin ang bawat karakter na ginagampanan natin.’”


Maikli ang naging sagot ni Coco Martin tungkol sa pinakahuling kontrobersiya na kinasasangkutan nya sa ngayon.

Ito ay ang isyu sa pagitan nila ng Superstar na si Nora Aunor na may kinalaman sa usaping pinansiyal.

Read: Nora Aunor wants Coco Martin to clear her name over debt rumor

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media, “Hay naku, ayoko na pong anuhin ang... kasi sa akin...

“Yung mga ganung isyu po kasi ay ayoko nang... lalo na’t sa mga hindi naman po totoo.”

Nakausap ng PEP si Coco sa presscon ng pelikulang Maybe This Time noong Huwebes, May 15 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.

Ang pelikulang ito ay kauna-unahan nilang pagtatambal ni Sarah Geronimo sa pelikula.

Una silang nagkasama sa TV series na Idol noong 2010.

Dahil first time nga nilang maging isang love team para sa pelikula, hiniling ni Coco na tungkol na lang dito ang pag-usapan.

NOT AIMING FOR BOX-OFFICE SUCCESS. Kaya inalam namin sa kanya kung gaano kahalaga ang isang Sarah Geronimo sa kanyang movie career.

Sagot ng tinaguriang Primetime King sa telebisyon, “Gaano kahalaga? Ano kasi...

“Pangarap ko siyang makatrabaho hindi dahil sa kailangan kong gumawa ng pelikula para sa box-office.

“Nasanay akong gumawa ng indie [movies] kaya nga ang laging tanong sa akin, ’Na-pressure ka ba na si Sarah ang kasama mo?’

“Si Sarah kasi ’pag gumagawa ng pelikula ay talagang [hit sa takilya]... ayoko nang ibigay yun sa sarili ko.

“Ako kasi, ’pag gumawa ako ng pelikula at nai-deliver ko nang tama, nagawa ko ang dapat kong gawin, yun ang fulfillment ko as actor.”

Sabi pa niya, “Kasi dati, hindi ko naman inisip kung kikita o hindi ang pelikula ko.

“Para sa akin, kung tangkilikin ako ng mga tao, sobrang blessing at pasalamat ako dun.

“Kung halimbawa ’di palarin o kaya sakto lang, masaya na ako na napasaya ko ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaligayahan ko na na nakagawa ako ng isang magandang pelikula at balang araw ay ipagmamalaki ko yun.”

Sobrang saya rin daw niya na habang tumagatal ang shooting nila ay nagiging malapit sila sa isa’t isa.

Mas lalo nilang nakikilala ang isa’t isa.

Saad ni Coco, “Oo, habang tumatagal ang pagsasama namin, nagiging magkaibigan kami.

“Nakakapagkuwentuhan kami, nag-uusap kami tungkol sa mga personal naming buhay, yung tungkol sa aming future.

“Nakakatuwa kasi nagkakaroon kami ng rapport sa personal na buhay bukod pa sa trabaho.”

PRIORITIES FIRST. Halos pareho raw silang dalawa na hangga’t may pagkakataong makapag-ipon at isipin ang kinabukasan ay sinasamantala nila ito.

Bukas sila sa katotohanan na hindi habambuhay ay sikat sila at maraming proyektong pagkakakitaan.

Aniya, “Naranasan ko ang maging wala, as in, wala.

“Noon namang nagsisimula ako ay nandiyan na kayo at alam niyo ang pinagdaanan ko.

“Ngayong nandito na ako, bakit ko pa papalampasin?

“Ako, iti-take ko na ang lahat ng opportunty at blessing kasi alam ko, one day ay matatapos din ito.

“At kapag nangyari yun, alam ko na wala akong pagsisishan dahil ginawa ko naman ang best ko para sa akin.”

KISSING SCENE WITH SARAH. Sa pelikula, ang isa sa pinag-uusapan ay ang kissing scene nila ng kanyang leading lady.

Ano ang naging pakiramdam niya ng gawin nila lalo na nga’t si Sarah ang kaeksena niya?

Nahihiyang sambit ng award-winning actor, “Masaya kasi part yun ng kuwento, e.

“Ang nakakatuwa dito kay Sarah ay ’di nagbigay ng wall.

“Sabi ko pa nga, siya yung... ako kasi, sa sobrang respeto ko sa kanya, para sa akin ay napakataas ng tingin ko sa kanya.

“Sarah Geronimo ’yan, e.”

Ayon sa kanya, “’Ni hawakan nga ay nagdadalawang-isip ako dahil baka maka-offend ako o makalampas ako sa boundary ko.

“Siya ang nagsasabi sa akin na, ’Wag kang matakot, i-enjoy natin ’to at panindigan natin ang bawat karakter na ginagampanan natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko kung gaano siya ka-jolly at kung gaano siya nag-e-enjoy sa mga nakapaligid sa kanya.

“Doon, doon nag-start sa bukod sa magkatrabaho kami ay naging magkaibigan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN