Mike Enriquez on "cash gift" allegation: “Bakit gagawin ito sa isang katulad ko?"

News anchor Mike Enriquez questions whistleblower Benhur Luy’s list of media personalities who allegedly received cash gifts from Janet Lim-Napoles.


“Magkahalong galit at lungkot. Hindi totoo yun,” simula ni Mike Enriquez tungkol sa pagdadawit sa kanya bilang isa sa mga media personalities na nakatanggap umano ng cash gift mula sa itinuturong mastermind ng P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Ipinalabas ang panayam kay Mike, na anchorman ng 24 Oras at consultant ng Radio Operations ng GMA, sa Balitanghali, kahapon, May 18, parehong araw nang lumabas ang report sa isang broadsheet tungkol sa disbursement files ni Benhur Luy.

Si Luy ang pangunahing whistleblower sa pork-barrel scam.

Ayon pa kay Mike, “Bakit gagawin ito sa isang katulad ko, na wala namang ginagawa?

"Isa lang akong anchorman, isang mamamahayag lang na walang ginagawa.”

Bukod kay Mike, nadawit din ang pangalan ng ABS-CBN chief correspondent na si Korina Sanchez at dalawa pang radio broadcasters na sina Deo Macalma at Rey Pacheco.

Parehong itinanggi nina Enriquez at Sanchez sa ulat ng broadsheet na may natanggap silang pera mula sa JLN Inc., ang kumpanya ni Napoles.

Read: Korina Sanchez and Mike Enriquez strongly deny receiving birthday cash gifts from Janet Lim-Napoles

Sa Balitanghali, kinuwestiyon ni Mike ang listahan ni Luy.

Depensa ng broadcaster, "Alam kong ’di yun totoo...walang pirma.

"Sabi nila, nasa file daw, pero walang pirma. Pag walang pirma, madaling magdagdag o magbawas.

"Puwede ako magsulat sa kahit anong napkin ’tapos sabihin kong listahan yun,” ani Mike sa ulat na lumabas din sa GMA News Online.

GMA STANDS BY MIKE. Bukod sa pagtanggi ni Mike sa akusasyon, pinanigan din siya ng kanyang home network at naglabas ng official statement ngayon ding araw.

Nakasaad dito na sinusuportahan ng istasyon si Mike dahil sa magandang record nito at ipinakitang propesyonalismo na requirement ng GMA sa mga mamamahayag nito.

READ GMA-7 stands by Mike Enriquez regarding "cash gift" issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN