Korina Sanchez saddened by report linking her to PDAF mastermind Janet Lim-Napoles

“I’m very sad about that, na isang bagay na I’m very passionate about, anti-corruption in media and all my friends know that,” says Korina Sanchez about the report that she received cash gifts from PDAF scam queen Janet Lim-Napoles.


Ikinalungkot ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa listahan ng media personalities na sinasabing tumanggap daw ng mga regalo mula sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ito ay base umano sa disbursement files ng whistleblower na si Benhur Luy, ayon sa ulat ni Nancy Carvajal ng Philippine Daily Inquirer noong May 18.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komento ni Korina tungkol sa isyu sa press conference para sa co-production venture ng ABS-CBN sa Japan’s public broadcaster na NHK, kaninang tanghali, May 19.

Sabi ni Korina, “I’m very sad about that, na isang bagay na I’m very passionate about—anti-corruption in media.

"And all my friends know that.

“Ako ang una at maaaring tanging very vocal about issues like that kaya nalulungkot ako masyado kasi ako pa yung nabandera diyan.”

Pinabulaanan din niya ang sinabing nakatanggap siya ng regalo mula kay Janet Napoles.

Aniya, “Napaka-weird pa ng sirkumstansiya na 20 years ago na may nangyari na ganun, na kumubra daw ng ganyang halaga na…

"Ano kaya yun? Malaking-malaking food basket ba yun? Or sampung litson na hindi ko naman natatanggap?”

Inihayag din ng Rated K host ang pagkadismaya niya dahil ang mga tulad niyang media personalities na nadawit sa isyu ay walang tamang lugar para linisin ang kanilang pangalan.

Sabi niya, “Ang nakakalungkot lang doon na habang ang mga hinalal na opisyal, pagka sila ang pinag-usapan, meron silang proseso.

“Puwede nilang patunayan talaga kung nagkamali or inosente ka.

“Sa panig naman ng mga pribadong tao, walang ganung proseso.”

Nagpasalamat naman si Korina sa suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Natutuwa ako sa ABS-CN and sa mga nakakaalam na walang basehan ang istorya, napakababaw.

"Walang mga pirma ang mga dokumento at nakapagtataka na bakit binigyan ng importansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana hindi na mangyari sa iba,” aniya.

Narito ang unang statement ni Korina tungkol sa isyu: Korina Sanchez and Mike Enriquez strongly deny receiving birthday cash gifts from Janet Lim-Napoles

ARROYO’S STATEMENT. Sa artikulo ng Inquirer, lumabas din ang sworn affidavit ni Ramon Arroyo, ang sinasabing nagbigay ng cash gift kay Korina at iba pang media personalities mula kay Janet Napoles.

Dito ay nilinaw ni Arroyo na wala siyang nakuhang anumang pera mula kay Janet Napoles at wala rin siyang anumang perang ibinigay kay Korina.

Nang tanungin ng PEP si Korina tungkol dito, sinabi niya, “[Ramon Arroyo] can speak for himself kasi hindi ko naman alam talaga kung ano’ng nangyari doon.

“Kung may tumanggap talaga noon at kung sino ang nagbigay, sila ang magtuos at labas ako doon dahil hindi naman ’yan nakarating sa akin.”

ABS-CBN SUPPORTS KORINA. Samantala, isang official statement naman ang inilabas ng ABS-CBN bilang pagsuporta kay Korina tungkol sa isyu.

Nakasaad dito, “ABS-CBN fully supports Korina Sanchez as our news organization remains committed to uphold the highest standards of professionalism, integrity and ethics in news reporting.

“In our coverage of the PDAF scam, our journalists are mindful of the need to present the truth full and be accountable for our actions.”

Narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:

“Korina Sanchez has sufficiently denied receiving any gift of any form from Janet Napoles or any of her representatives. We in ABS-CBN believe that the allegation that came out in the Philippine Daily Inquirer was baseless and unsupported. The sworn statement of the persona named to have allegedly brought the gift to Korina had also denied participation in this alleged gift-giving.

“The PDI story was based on only one source—an entry in the computer files of Benhur Luy which was turned over to the paper one year ago. The imputations on the journalists named are serious and damaging to reputations built over many years. We encourage all responsible journalists to verify this entry’s accuracy by getting corroborating proof, a second source, and other supporting documents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ABS-CBN fully supports Korina Sanchez as our news organization remains committed to uphold the highest standards of professionalism, integrity and ethics in news reporting. In our coverage of the PDAF scam, our journalists are mindful of the need to present the truth full and be accountable for our actions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN