Comelec orders Laguna Governor ER Ejercito to vacate his post

Idudulog daw ni Governor ER Ejercito sa Supreme Court ang kanyang depensa sa pagpapababa sa kanya ng Commission on Elections (COMELEC) bilang punong panglalawigan ng Laguna kapag natanggap na niya ang promulgation mula sa komisyon.


Pinababakante na ng Commission on Elections (COMELEC) kay Governor ER Ejercito ang kanyang puwesto bilang gobernador ng Laguna.

Sa botong 7-0, sa isinagawang Comelec en banc ngayong araw, May 21, pinanigan ng komisyon ang nauna nang desisyon ng First Division noong September 2013 upang patalsikin si Ejercito sa puwesto dahil sa diumano’y overspending noong May 2013 elections.

Read: Comelec disqualifies Governor ER Ejercito for "overspending" in May 2013 elections

Ayon sa Comelec, lagpas sa P23 million ang ginastos ni Ejercito sa kanyang kampanya noong 2013 elections kung saan may limit lamang itong P4.5 milyon na dapat gastusin.

Ayon pa kay Comelec Chairman Sixto Brillantes sa panayam nito sa TV Patrol ngayong gabi, May 21, “We just upheld the decision of the First Division to unseat him as the duly elected governor of Laguna…

"He has exceeded the campaign expenses above and beyond what is allowed by the law.”

Hindi nagpaunlak ng panayam si Governor Ejercito sa media, pero nagpadala ito ng text message sa mga kumukuha ng reaksiyon nito.

Dadalhin daw niya ang kaso sa Supreme Court.

May limang araw naman siya upang humiling ng temporary restraining order (TRO) sa kataas-taasang hukuman.

Sakaling mabigo siyang makakuha ng TRO, saka raw aabisuhan ng Comelec si Laguna Vice Governor Ramil Hernandez na pumalit kay Ejercito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN