Jennylyn Mercado happy about ex-boyfriend Patrick Garcia’s upcoming wedding

Hindi inaalis ni Jennylyn Mercado ang posibilidad na magkita balang-araw ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz at ang anak ng aktor sa partner nito ngayong si Nikka Martinez. Aniya, “Maganda yung merong peace of mind, walang samaan ng loob. Ang importante, yung happiness na naramdaman nila, nararamdaman din namin. And happy kami sa mga nangyayari sa buhay nila.”


Bahagyang napangiti ang Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado nang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang reaksiyon sa balak na pagpapakasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend nitong si Nikka Martinez.

Read: Cheska Garcia-Kramer reveals wedding plans of brother Patrick Garcia

Si Patrick ay ex-boyfriend at ama ng anak ni Jennylyn.

Sabi ng Rhodora X star, “Ngayon ko lang nabalitaan, siyempre masaya ako for Pat, na siyempre naging parte rin naman siya ng buhay ko.

“Forever siya part ng buhay ko dahil nga kay Jazz, ‘di ba?

“Happy ako na ang father ni Jazz ay masaya na, ‘di ba? Tahimik na ang buhay, stable na.

“Happy ako for him.”

Nakausap ng PEP si Jennylyn sa pictorial at contract-signing niya para sa Glutalight whitening soap ng Personal Collection kahapon, May 21.

Sa dami raw ng mga blessings na dumarating kay Jennylyn, ayaw na niyang magtanim pa ng sama ng loob.

Mabuting kalimutan na raw ang mga sama ng loob at ituluy-tuloy na ang pag-move on.

Sabi pa ni Jennylyn, “’Di ba, parati ko sinasabi na basta masaya sila… kapag kinukumusta ako about Pat, basta masaya sila, happy na rin ako for them.”

Inaasahan na rin daw niyang darating ang araw na magtatanong ang kanyang anak na si Jazz at makilala nito ang kapatid kay Patrick.

Pahayag ni Jennylyn, “Ako naman, welcome naman sa ganun.

“Anytime okay naman, e.

“Yung mga issues na ‘yan, pinapalaki lang ng mga tao.

“Pero sa amin naman, sa both parties, I think okay naman, wala naman, e.

“Maganda yung merong peace of mind, walang samaan ng loob.

“Ang importante, yung happiness na naramdaman nila, nararamdaman din namin.

“And happy kami sa mga nangyayari sa buhay nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN