Claudine Barretto regrets marrying Raymart Santiago: "Wala na rin akong respeto na kahit konti sa kanya."

Ipinagtataka ni Claudine Barretto kung bakit daw hindi sinabi ni Raymart Santiago sa panayam nito sa Startalk last Sunday, May 18, ang tungkol sa warrant of arrest nito. Aniya, "They will do everything just for a clean name."


Naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 22, ang balitang naglabas na ang Marikina Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa aktor na si Raymart Santiago.

Ito ay sa kabila na noong May 5 pa lumabas ang kautusan na pirmado ni Judge Lorna F. Catris Chua Cheng ng Marikina RTC Branch 168, kaugnay ng kasong paglabag sa Violence Against Women and ther Children Act na isinampa ni Claudine sa kanyang estranged husband.

Pero nakapagpiyansa kaagad si Raymart para sa arrest warrant nito noon pang May 7, ayon sa abugado ng aktor na si Atty. Ruth Castelo.

Read: Marikina court issues warrant of arrest against Raymart Santiago

Kahapon, nakapanayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras si Claudine tungkol sa warrant of arrest laban kay Raymart.

Ipinakita rito ni Claudine ang kopya ng nasabing warrant of arrest.

Ayon sa aktres, "Ang ginawa nila, nagpa-interview sila sa Startalk, pero hindi sila umamin na mayroon silang warrant of arrest at nakapag-bail na sila.

"So, napaka-scheming. They will do everything just for a clean name.”

Ayon naman sa abugado ni Raymart na si Atty. Castelo, walang nagtanong tungkol sa naturang warrant of arrest kaya hindi nila ito sinagot.

Dagdag niya, "The warrant of arrest was issued by the court, but even before it was served, we already posted bail.

"Raymart voluntarily went to the Office of the Clerk of Court of Marikina to post bail."

NO LOVE LEFT. Sa panayam ni Raymart sa Startalk, sinabi nitong wala na siyang nararamdamang pagmamahal sa asawa.

Read: Raymart Santiago speaks up about "fake marriage," "lack of financial support," and other allegations of Claudine Barretto

Buwelta naman ni Claudine, wala na siyang respeto sa aktor.



Saad niya, "Wala na rin akong respeto na kahit konti sa kanya, kahit bilang ama na lang ng mga anak ko.

"And I think i’ts just fair enough na after I said na pinakamalaki kong pagsisisi [na] pakasalan siya, na nakilala ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AT PEACE WITH RAFFY TULFO. Kahapon din, May 22, nagkaayos na sina Claudine at Raffy Tulfo.

Si Raffy ay isa sa mga nakababatang kapatid ng veteran broadcaster na si Mom Tulfo, na nakaengkuwentro nina Claudine at Raymart sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 6, 2012.

Read: Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

Matatandaang ipinagtanggol ng magkakapatid na Erwin, Ben, at Raffy ang kanilang Kuya Mon sa programa nila sa TV5 na T3: Kapatid, Sagot Kita noong May 7, 2012 episode nito.

Read: Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter’s friends

Dahil dito, nagsampa ng reklamong grave threats ang mag-asawa laban sa Tulfo borthers ngunit na-dismiss din ito ng korte.

Read: Court dismisses grave threats case filed by Raymart Santiago and Claudine Barretto against Tulfo brothers

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post kahapon si Claudine ng larawan niya kasama si Raffy, ang legal counsel nitong si Atty. Ferdinand Topacio, at isang unidentified woman companion.

Caption ni Claudine dito: “Peace. had a nice afternoon with u po Sir Raffy Tulfo. Godbless po @ferdietopacio

BLESSED ARE THE PEACEMAKERS.” Sa pamamagitan ng telepono, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni Claudine na si Atty. Topacio kaninang tanghali, May 23.

Ayon dito, biglaan lang ang naging pagkikita nina Raffy at Claudine sa isang restaurant sa Sulu Hotel, sa Quezon City, kahapon, May 22,

Pareho raw kaibigan ng abugado ang Tulfo brothers, at panahon na para ayusin ang sigalot na namagitan sa magkabilang partido.

Ayon kay Atty. Topacio, sinasabi raw kasi sa Bibliya na, “Blessed are the peacemakers.

“Pinagpapala daw kasi ang mga tagapagpayapa sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos.

"’Di ba, nakalagay ‘yan sa Bibliya?”

Wala na raw sa magkabilang kampo ang nangyari noong 2012 at kakalimutan na nila ang naturang gusot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN