Maegan Aguilar still not open to reconciliation with father Freddie Aguilar

Hindi raw alintana ni Maegan Aguilar kung marami man ang bumabatikos sa kanya dahil sa alitan nila ng kanyang ama na si Freddie Aguilar. Pahayag ni Maegan, “Wala akong pakialam kahit magalit ang iba sa akin. Masaya ako ngayon dahil, at least, nasabi ko na ang lahat ng matagal ko nang kinikimkim.”


Nailabas man ni Maegan Aguilar ang lahat ng kanyang saloobin at hinanakit sa amang si Freddie Aguilar—sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa iba’t ibang programa sa TV—sarado pa rin daw ang isip at puso niya para sa reconciliation o pag-aayos nila.

Ito ang mariing sabi ni Meagan nang makausap ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media pagkatapos ng live interview niya sa Startalk kahapon, May 25, Linggo.

Kaugnay pa rin ito ng diumano’y pagpapalayas ng amang si Freddie sa kanya at sa mga anak niya sa pamamahay nito.

Katuwiran ni Maegan, “I know I didn’t do anything wrong.

“From the start, wala akong ginawa para ma-deserve yun from my father.

“So, kung ganun, I wanna cut my ties.”



FATHER’S DAY. Malapit na ang Father’s Day. Hindi na ba talaga lalambot ang puso niya para sa kanyang ama?

Sagot ni Maegan, “No. I’ll spend Father’s Day with my partner and his family.

“Dati, kapag Father’s Day, bumibili ako ng cake para kay Tatay. Hindi ko na ‘yon gagawin.

“Wala, e, I’m really hurt kasi.

“To the point na kahit siguro mapatawad ko siya… kahit siguro, ha! Kasi sa ngayon, hindi ko pa siya mapatawad, e.

“Pero kahit siguro dumating yung araw na mapatawad ko siya, hindi na ako babalik sa poder niya.

“That’s also what my partner wants, kasi na-hurt din siya, e.

“Ang lumabas tuloy sa public, parang mga jobless kami. Para kaming mga bum.

“E, hindi kami gano’n.

“At dahil sa ginawa ni Tatay, nagmukha kaming palamunin.

“Na hindi talaga fair sa amin kasi nga hindi talaga ako nagsasalita kaya walang alam ang mga tao.

“Marami akong gigs. Hindi lang out of town kundi may mga out of the country rin.

“Yung last job ko, I was based in Hong Kong, and so was my partner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALLERGIC TO MARRIAGE. Galing sa isang broken family si Maegan. Pero suwerte raw siya na nakatagpo ng panibagong makakatuwang sa buhay at okey naman daw ang takbo ng kanilang relasyon kahit hindi sila kasal.

“I’m allergic na to marriage!” bulalas niya.

“Marriage is not for me, so I’ll just accept that and I’ll stick with that.

“Okey naman kami ng partner ko. He’s the love of my life.

“Fortunately, I found him now. And I really needed someone to be by my side these days.

“I mean, he really never left me—and he won’t.”

Ang live-in partner niyang si Ali ang tinutukoy ni Maegan.

Talaga raw nakasuporta ito lagi sa kanya, lalo ngayong may matindi silang alitan ng kanyang amang si Freddie.

Saad ni Maegan, “He is one hundred percent behind me.

“Kasi nga, saksi siya sa mga nangyari, sa mga sinabi, at sa mga pagbabaligtad ngayon na sinasabi ni Tatay na hindi raw nila ako pinalayas.

“Siyempre ang matatanong diyan, si Ali at ako.

“E, ako yung nakarinig, ako yung pinaalis.

“Alam ko po na hindi totoo yung mga sinasabi ni Tatay.”



TITA MARLENE. Ang tita ni Maegan na si Marlene Aguilar, kapatid ni Freddie, ay nag-post ng reaksiyon nito tungkol sa alitan ng mag-ama sa Facebook.

Saad nito, bakit pa raw lumapit si Maegan sa media samantalang problemang pampamilya raw iyon na dapat sa kanila na lang.

Read: Marlene Aguilar asks niece Maegan to stop bashing her dad Freddie in public

Sabi naman ni Maegan tungkol dito, “Isa pa ‘yan, hindi rin naman niya ako tinatawagan o tini-text. Puro sa Facebook po siya nagpu-post.

“Hindi siya nagtatanong kung ano ba talaga ang detalye.

“Parang kung ano na lang ang maintindihan niya, iyon na rin lang ang inilalagay niya sa Facebook.

“So, kaya po sila mahirap kausap, kasi nga, kanya-kanya po silang version.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isa kong tita na bunsong kapatid ni Tatay, iyon talaga ang from the start, alam niya ang nangyayari sa akin.

“Pero hindi siya lalabas sa media, kasi nga, mga pribado silang tao.

“Pero kung makakausap ninyo ang tita ko na ‘yon, pareho kami ng sinasabi.

“Si Tita Marlene, actually hindi siya nakakatulong sa sitwasyon ngayon.

“Nung una, kumakampi sa akin, ‘tapos kalaunan, kumakampi na kay Tatay.

“So, makikita niyo rin na medyo magulo siyang mag-isip, ‘di ba?

“Kasi, parang wala rin siyang paninindigan sa sinasabi niya.

“Ngayon ako ang tinitira niya, e, hindi rin naman sila bati ni Tatay.

“Ewan ko kung ano ang gusto niyang gawin sa akin.

“Basta ako, I love her… whatever she says.

“Pero I know what happened, and she is not there.”



FREDDIE’S MARRIAGE. Hindi pa rin daw nakikipag-communicate kay Maegan ang ama niyang si Freddie.

Pero aniya, “Kahit naman i-communicate niya ako, e, hindi na ako sasagot. Nasabi ko na lahat ng dapat na isagot ko.”

Naging kontrobersiyal si Freddie nang magkaroon ito ng 16-year-old na girlfriend na kalaunan ay pinakasalan nito.

May naging epekto ba sa pagiging tatay ni Freddie kay Maegan ang pagkakaroon ng bagong asawa ng legendary singer?

Sagot ni Maegan, “Para kaming mga naging boarders sa bahay niya.

“Nung nag-asawa siya, nawalan ako ng tatay, sa totoo lang!”

Hindi sila in good terms ng naging asawa ni Freddie?

“Kasi civil kami nung asawa, ‘tapos minsan nag-uusap kami, ganyan.

“Pero wala akong attachment sa kanya na best friend or anything.

“Kasi alam kong ano siya, e… yung marami siyang sides, e. Marami siyang personalities.

“Na alam kong makakagawa rin siya ng masama kung gusto niya.

“Minsan, narinig ko ngang nag-aaway sila, kasi nahuli na may ka-text siya,” pagtukoy niya sa kanyang madrasta.

Patuloy niya, “E, kung wala silang problema, bakit sila nag-aaway?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FINALLY FREE. Ngayon ay masaya raw si Maegan na naisiwalat na niyang lahat ang gusto niyang sabihin kaugnay ng sigalot nilang mag-ama.

Saad niya, “Masaya na ako, kasi I’m finally who I am, ‘di ba?

“I’m finally free. Now, people heard my voice.

“Wala akong pakialam kahit magalit ang iba sa akin.

“Masaya ako ngayon dahil, at least, nasabi ko na ang lahat ng matagal ko nang kinikimkim.”

Pero tatay pa rin niya si Freddie sa kabila ng lahat o anuman ang nangyari. Ito rin ang siguradong reaksiyon ng iba sa pagsisiwalat niya ng kanyang saloobin laban sa ama.

Sagot dito ni Maegan, “Ang masasabi ko na lang, hindi niyo tatay si Freddie Aguilar at hindi kayo si Maegan Aguilar, so hindi niyo maiintindihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN